FCA logo

Pag-aalaga sa Bahay: Gabay para sa Community Resources (Caregiving at Home: A Guide to Community Resources)

Ang diagnosis ng dementia o sakit na nagdudulot ng disability ay simula ng isang bagong chapter sa iyong buhay at sa buhay ng pamilya mo. Kailangang magkaroon ng mahahalagang desisyon ukol sa pag-aalaga, at kasama nito ay ang uncertainty o kawalan ng katiyakan at anxiety o pagkabalisa. Ilan sa mga desisyong ito ay dapat isagawa agad-agad. Ang iba naman ay darating sa mga susunod na panahon.

Kung may inaalagaan kang tao sa bahay, maaaring tinutulungan mo ang kapamilya mo sa iba’t ibang gawain katulad ng pagpapaligo, pagbibihis, biyahe at paghahanda ng pagkain. Bukod dito, maaaring napangasiwaan mo rin ang mga legal at financial na bagay katulad ng medical decision at pangangasiwa ng bills at budget. Sa kabutihang-palad, may iba’t ibang community care options na maaaring tumulong sa ‘yo at sa kapamilya mong may dementia.

Ang fact sheet na ito ay naglalahad ng pagkalahatang-ideya  ng iba’t ibang serbisyo at programa na magagamit  sa mga caregiver at taong may sakit sa pag-iisip at iba pang malalang sakit. Maaaring makatulong ang mga organisasyong nakalista sa fact sheet upang mahanap mo ang angkop na tulong na hinahanap mo. May karagdagang impormasyon rin na matatagpuan sa Resources section sa bandang huli ng fact sheet na ito.

Pag-alam ng mga Pangangailangan, Values at Preferences

Ang pag-alam ng partikular na pangangailangan ng iyong pamilya ang pinakaunang hakbang upang malaman kung anong uri ng tulong at suporta ang angkop para sa inyong sitwasyon. Dahil sa napakaraming serbisyong available para sa mga caregiver, kakailanganin mong i-outline ang mga partikular na problema mo. Makatutulong din kung iisipin mo ang mga values at gusto ng kapamilya mong may sakit tungkol sa mga uri ng tulong na tatanggapin niya. Maaaring makatulong kung magsasagawa ng family meeting (tingnan ang Pagsasagawa ng Family Meeting) upang pag-usapang ang mga pangangailangan sa pag-aalaga at tulong para sa paggawa ng desisyon. Itanong sa sarili mo ang mga sumusunod na tanong at isulat ang mga sagot sa isang papel:

  • Anong uri ng tulong ang kailangan ngayon ng kapamilya kong maysakit upang mabuhay siya ng independent, hangga’t maaari? (Nutrition services, pagbibihis, paliligo, pagtayo, pangangasiwa ng gamot, pagbabantay, pagkakaroon ng kasama, paglilinis ng bahay, transportation o pagbibiyahe?)
  • Anong mga tulong ang maaaring kailanganin sa hinaharap?
  • Sino sa pamilya ang mamumuno sa pag-aalaga at/o sino ang mangangasiwa ng pag-aalaga?
  • Magkano ang perang available upang bayaran ang mga outside resources? Ico-cover ba ng insurance ang mga serbisyo?
  • Anong mga araw at oras ang kakailanganin ko na magkaroon ng tulong?
  • Anong uri ng tulong ang maaari kong ibigay?
  • May trabaho ba ako na maaapektuhan ng dami ng oras ng pag-aalaga na ibibigay ko?
  • Ano uri ng tulong ang kusang-loob na ibibigay ng aking mga kaibigan at kapamilya?
  • Masasanay ba kami na magkaroon ng taong hindi kilala sa bahay namin upang tumulong?
  • Makaka-adjust ba kami sa taong nagsasalita ng ibang lenggwahe?
  • Mas mabuti bang lalaki o babae ang helper?
  • Gusto ba namin ng out-of-home care? Anong uri? Gaano kadalas? Gaano katagal?

Mga Option sa Community Care

Ang mga programa at serbisyo ng community ay magkakaiba depende sa state, county at community. Karamihan sa mga lugar ay may mga support services na sadyang ginawa para sa mga taong may may sakit na Alzheimer, stroke, sakit na Parkinson at iba pang malubhang sakit. Gayunpaman, ang bawat community ay nagkakaiba sa mga available na serbisyo nila at sa mga requirement upang maging eligible sa mga serbisyong ito. Sa bahaging ito, ilalahad ang mga pangunahing option sa community care para sa tatanggap ng serbisyo at sa kanilang caregiver.

Ang Informal care ay binubuo ng tulong mula sa mga kaibigan, pamilya, religious communities, kapitbahay, at iba pang tao na maaaring makihati sa responsabilidad ng pag-aalaga. Ang “informal” support network na ito ay maaaaring makatulong sa mga partikular na trabaho (halimbawa , gawaing pambahay), magbigay ng emotional support sa ‘yo at sa kapamilyang may sakit, at tulungan ang care recipient o tumatanggap ng serbisyo na panatilihin ang level of social at recreational activity. Ang paggawa ng listahan ng iyong informal “helper” network at ang kanilang contact information ay maaaring maging isang mahalagang mapagkukunan ng tulong para sa routine assistance o sa oras ng emergency.

Tumutulong ang Information and referral (I&R) na tukuyin ang iyong mga local resources. Ang California’s Caregiver Resource Centers (www.caregiver.org/californias-caregiver-resource-centers), ang pambansang Area Agencies on Aging (AAAs), senior centers, o ang mga community mental health programs ay mainam na resources na makatutulong sa ‘yo na matagpuan ang mga posibleng serbisyo, katulad ng adult day care programs, respite care, at pagkain.

Ang mga miyembro ng staff ay may mga impormasyon ukol sa availability at pagiging angkop ng mga serbisyo, sino ang dapat kontakin, mga eligibility requirements at oras ng pagbubukas. Ang mga organisasyon na nakalista sa aming Resources section ay nagbibigay ng I&R bilang bahagi ng kanilang serbisyo. Ang Family Care Navigator ng FCA (www.caregiver.org/family-care-navigator) ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa caregiving support services para sa lahat ng 50 states.

Maaaring humanap ang Care management services ng mga hands-on na pangangasiwa ng serbisyo para sa iyong kapamilya, at kung kailangan, ibinibigay din nila ang serbisyong ito. Ang mga professional care managers (na tinatawag ding case managers) ay kadalasang may background sa counseling, social work o nauugnay na sektor sa healthcare at sila ay sinanay upang suriin ang bawat sitwasyon at isagawa at i-monitor ang care plan para matugunan ang mga pangangailangan ng kapamilya mong maysakit. Kumikilos sila kasama mo, ng doktor, at pasyente upang alamin at iplano ang mga serbisyo tulad ng transportation o pagbibiyahe, pag-aalaga sa bahay, pagkain at day care. Bukod dito, maaaring makatulong ang mga care managers upang alamin kung eligible ang tao sa mga programa, tulungan sila sa mga family meeting, planuhin ang pangmatagalang pag-aalaga at mamagitan sa mga kritikal na sitwasyon.

Kung natutugunan mo ang mga eligibility requirements, maaari kang makakuha ng libreng serbisyo para sa care management sa pamamagitan ng federal, state o county programs tulad ng Medicare o Medicaid (MediCal sa California). Ang libre o murang care consultation ay matatagpuan minsan sa pamamagitan ng mga ospital, mental health programs, home health agencies, social service agencies (hal., Catholic Charities, Jewish Family Services, Adult Protective Services) at ibang programa na may kinalaman sa kalusugan. Bukod dito, maaari ring kumuha ng pribadong care manager na kadalasang tinatawag na geriatric care manager, na kadalasang nagcha-charge ng $75 hanggang $150 bawat oras.

Ang legal at financial counseling ay kadalasang kailangan kapag hindi kayang pangasiwaan ng pasyente ang kanyang legal at/o financial affairs. Ang mga sangay na maaaring kailanganin ng mga kapamilyang caregiver ay ang Advance Directives para sa pagdedesisyon sa healthcare, pangangasiwa ng ari-arian, pagplalano ng public benefits, at kung minsan, pati ang litigation. Para sa mga taong may edad na 60 pataas at sa mga caregiver nila, ang mga legal referrals at payo ay maaaring makuha mula sa mga serbisyong ibinibigay ng Lokal na Area Agencies on Aging. Ang mga residente ng California ay maaaring maging eligible para sa legal consultation sa pamamagitan ng California Caregiver Resource Center.

Ang isa pang paraan upang makahanap ng abogado ay sa pamamagitan ng personal referral o sa pamamagitan ng attorney referral service. Ang Bar Association sa iyong komunidad  ay maaaaring may panel na inire-refer ang mga tumatawag sa mga abogado para sa batas sa mga matatanda o iba pang specialization. Ang mga pangunang konsultasyon ay kadalasang may kasamang nominal fee.

Serbisyo para sa transportasyon Inaatasan ng Americans with Disabilities Act ang mga transit agencies magbigay ng serbisyong curb-to-curb paratransit (o serbisyo kung saan sinusundo at inihahatid ang pasyente sa corner o tabi ng daan na malapit sa bahay nito) para sa mga taong hindi kayang gumamit ng regular na serbisyong publiko para sa transportasyon. Ang paratransit ay karaniwang may mga van o taxi na pwedeng pasukan ng wheelchair para sa mga taong may kapansanan. Ang serbisyong paratransit ay maaaring pinatatakbo ng pribado, non-profit at/o murang organisasyong pampubliko at kadalasang libre o mura ang bayad. Kontakin ang iyong local Area Agency on Aging para alamin ang ukol sa paratransit sa iyong community. Ang mga serbisyong discounted na taxi at ride-sharing ay maaaring ring available sa iyong community.

Nagbibigay ang mga programa sa nutrisyon ng pagkain – kadalasan ay tanghalian – sa mga grupo. Maraming mga simbahan, sinagoga, housing  projects, senior centers, community centers, paaralan at day programs ay nagbibigay ng pagkain at oportunidad sa mga matatanda upang makipag-socialize o makisalamuha sa iba bilang bahagi ng serbisyo na may minimal fee.

Para sa mga pasyente sa bahay na hindi magawang bumili o makapaghanda ng pagkain, may option para i-deliver ang pagkain. Ang mga programa tulad ng Meals on Wheels ay ibinibigay sa karamihan sa mga komunidad , at ito ay bahagyang tinutustusan ng gobyerno at mga charitable organizations. Ang delivery ay may kasama ring friendly visit at mabilisang safety check para sa iyong kapamilya. Ang pagkain ay maaaring i-deliver tuwing weekdays lang, kaya kailangan mong siguraduhin na may sapat na pagkain para sa weekend. Karamihan sa mga nagbibigay ng serbisyo sa pagdedeliver ng pagkain sa bahay ay humihingi ng nominal fee o napakaliit na halaga (ibinabatay ang bayad ng bawat indibidwal ayon sa kakayahan nilang magbayad) upang ma-cover ang mga nagastos.

Ang respite care ay nagbibigay ginhawa sa pamilya, partner at kaibigan ng maysakit upang magkaroon sila ng break—o tinatawag na respite—mula sa pagod ng walang tigil na pag-aalaga. Ang respite care ay maaaring maging crucial upang maiwasan ang maaagang institutionalization (o pagpapadala sa mga pasyente sa mga institusyon) ng pasyente at mabawasan ang physical at emotional stress ng caregiver. Ang respite care ay binubuo ng adult day care at home care services (tingnan sa ibaba), pati na rin ang overnight stays sa isang facility, at ito ay maaaring ibigay para sa ilang oras, weekend o maging isang linggo. Marami sa mga caregiver support programs ay nagbibigay ng respite assistance bilang bahagi ng kanilang serbisyo. May mga organisasyon na may boluntaryong respite workers na nagbibigay ng serbisyo para samahan o i-supervise ang pasyente. Kontakin ang iyong local Area Agency on Aging para sa impormasyon sa respite care sa iyong komunidad .

Ang adult day care ay nagbibigay sa mga participants ng oportunidad upang makisalamuha, humingi ng peer support at tumanggap ng mga serbisyo para sa kalusugan at sa lipunan, sa isang ligtas at pamilyar na  lugar. Nagbibigay din ito ng break para sa mga caregiver na nag-aalaga sa taong hindi pwedeng iwanan nang mag-isa ngunit hindi nangangailangan ng 24-hour na nursing care sa isang residential facility.

Ang adult day care services ay maaaring tumukoy sa: pag-aalaga at superbisyon; maliit na grupo  at individual activities; masustansyang pagkain; transportasyon; care management; libangan ehersisyo ; nursing care; edukasyon; counseling para sa pamilya; pagbibigay ng gamot; tulong sa mga pang-araw-araw na gawain; at occupational, speech, at physical therapy.

May dalawang uri ng adult day care: Ang adult day care ay nagbibigay ng serbisyo para sa social activities, pagkain, recreation, ilang health-related services. Ang adult day health care nagbibigay ng socializing service na may kasamang mas intensive health at therapeutic services para sa mga indibidwal na may mas malalang problemang pangkalusugan, at sa mga taong nanganganib na mangailangan ng nursing home care. Ang adult day care ay lubhang nakatutulong sa mga caregiver na hindi pwedeng tumigil buong araw sa bahay upang mag-alaga, mag-supervise at samahan ang kapamilyang may sakit. Bagama’t magkakaiba ang programa, karaniwang dumadalo ang mga participants sa loob ng ilang oras sa isang araw, hanggang limang araw sa isang linggo. Maaaring matulungan ka ng National Adult Day Services Association at nga iyong local Area Agency on Aging upang humanap ng adult day care services. Kung sakaling matugunan niyo ang mga requirement para sa eligibility, maaaring bayaran ng Medicaid ang bayad para sa adult day health services.

Pinagsasama ng home care ang health care at supportive services upang tulungan ang mga maysakit at may kapansanang pasyente na patuloy na tumira sa tahanan nang independent, hangga’t maaari. Ang mga oras, uri ng serbisyo at ang level ng pag-aalaga na ibibigay ay ayon sa kalusugan at pangangailangan ng tatanggap ng serbisyo at ng caregiver; maaaring kailanganin ang approval mula sa doktor. Ang mga aide ay maaaring i-hire nang direkta sa pamamagitan ng agency.

May dalawang uri ng home care na available para sa ‘yo: home health care services at non-medical home care services. Ang home health care services ay nagbibigay ng maraming medical services, kabilang na ang tulong sa medication o pagbibigay ng gamot, nursing services, at physical therapy. Ang non-medical home care services ay binubuo ng companionship o pagsama sa pasyente, paglilinis ng bahay, pagluluto at marami pang ibang gawain para sa bahay.

Ang halaga ng home care ay depende sa level ng pag-aalaga na kailangan—ang nonmedical home care na tagapag-alaga ay mas mababa ang bayad kumpara sa nurse na nagmo-monitor ng mga pangangailangang medikal at kondisyon ng pasyente. Ang presyo ay maaaring magkakaiba, kaya tumingin-tingin din sa iba. Binabayaran ng Medicare, Medicaid (MediCal sa California), at ilan sa mga private insurance or long-term care policies ang limitadong home health care na may mga restriction o pagbabawal. Sa ibang kaso, maaari mong bayaran ang serbisyo gamit ang iyong pera. Ang mga non-medical home care aides ay maaaring matagpuan sa pamamagitan ng personal referral o pribadong home care agency, hospital, social service agency, pampublikong health department, at iba pang organisasyon sa komunidad . Sa ilang lugar, maaari ring tumulong ang mga nursing school. Kontakin ang iyong local Area Agency on Aging para sa impormasyon sa home care sa iyong community.

Ang hospice care ay nagbibigay ng espesyal na serbisyo upang i-improve ang kalidad ng buhay ng taong may taning na ang buhay sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga sintomas ng sakit niya at ibalik ang kanyang dignidad hanggang sa pumanaw siya. Magkasamang kumikilos ang isang team ng professional at boluntaryo para sa pasyente at pamilya nito upang matugunan ang kanilang pangangailangang pisikal, psychological, social at espirituwal. Nagbibigay sila ng medical at nursing care, social services, dietary consultation, counseling, at emotional support sa pasyente at sa caregiver. Nagbibigay rin sila ng mga equipment katulad ng hospital bed at wheelchair.

Ang mga pasyente ay tumatanggap ng tuluy-tuloy at naka-schedule na visit, pati na rin ang round-the-clock care o tuluy-tuloy na pag-aalaga kung kailangan. Ang mga intrusive o “heroic” na medical intervention ay kadalasang  tinatalikuran alinsunod sa gusto ng pasyente, at ang pagtanggal sa matinding sakit ang karaniwang layunin. Ang suporta na ibinibigay sa mga mahal sa buhay na naiwan ng pasyente ay kadalasang nagpapatuloy sa panahon ng pagluluksa. Ang insurance coverage para sa hospice care ay available sa pamamagitan ng Medicare, Medicaid, at karamihan sa mga pribadong insurance plan. Kontakin ang National Hospice and Palliative Care Organization para sa impormasyon sa hospice care.

Sa caregiver support groups, nagsasama-sama ang mga kaibigan at kapamilya ng pasyente at regular silang nagkikita-kita  upang ibahagi ang impormasyon at pag-usapan ang mga praktikal na solusyon sa mga karaniwang problema. Mainam na source ang mga ito ng impormasyon ukol sa mga resources na available. Binibigyan din ng mga support groups ang mga caregivers ng oportunidad na magbigay at tumanggap ng encouragement o paghihikayat, pang-unawa, at suporta sa mga taong may katulad na problema. Ang pakikipag-usap sa ibang caregiver ay maaaring maging konkretong tulong upang mabawasan ang stress. Ang mga support groups ay maaaring matagpuan sa mga ospital, mental health programs at support organizations (halimbawa ., ang iyong local Caregiver Resource Center o Alzheimer’s Association chapter). Ang mga support groups para sa mga taong nagsisimula pa lang ang sakit na Alzheimer o iba pang sakit ay available din sa ilang komunidad . Ang mga online support groups ay available sa mga caregivers na nakakagamit ng computer. Ang Family Caregiver Alliance ay may tatlong online groups.

Ang employee assistance programs ang isang benepisyo na maaaring available o hindi available sa iyong pinagtratrabahuhan. Ang mga uri ng tulong ay lubhang magkakaiba at mas kadalasang available sa mga malalaking kumpanya. Ang mga programang ito ay karaniwang nagbibigay sa mga empleyado ng counseling para sa mga personal nilang problema tulad ng depression, stress, addiction, financial crisis, at sakit o pagpanaw ng miyembro ng pamilya. Meron ding ilang programa na tumutulong na humanap ng mga resources para sa eldercare at childcare. Ang may bayad  o walang bayad na  leave sa trabaho ay maaari ring available sa mga caregiver sa pamamagitan ng mga programang federal, state, at/o programang hatid ng employer. Tanungin ang iyong human resources department para sa impormasyon.

Pagkontak sa mga Programa at Care Services

Sa oras na matantiya mo na ang iyong mga pangangailangan at natukoy mo na ang mga resources na available sa iyong community, maaari mo ng simulang kontakin ang mga community care services. Unawain na maaaring maging time-consuming o kailanganin ang maraming oras upang mahanap at i-plano ang mga serbisyo. Maaaring kailanganin mong tumawag ng maraming beses o dumaan sa paikut-ikot na referral bago mo matagpuan ang tamang programa o tao na tutulong sa iyo. Kung meron kang care manager o iba pang health care provider na tumulong sa ‘yong alamin ang iyong mga pangangailangan, maaari rin silang makatulog —tungkulin ng care manager na ihanap ka ng mga resources, kaya huwag kang matakot na humingi ng tulong.

Ang mga sumusunod na suggestion ay makatutulong upang gabayan ka sa proseso:

  • Magsimula nang maghanap ng mga resources bago pa maging mahirap ang iyong sitwasyon. Sa pamamagitan ng pagpa-plano nang maaga at pag-anticipate sa mga partikular na pangangailangan, maaari mong maiwasan na gumawa ng mahahalagang desisyon sa panahon ng problema.
  • Isulat ang lahat ng impormasyon na ibinigay sa ‘yo. Siguraduhin na isulat ang mga petsa at pangalan ng bawat agency na tinawagan mo, numero ng telepono o website, ng taong nakausap mo, mga serbisyong hiningi mo, at anumang desisyon na pinagkasunduan niyo.
  • Kapag tumawag ka, maging handa sa mga detalyadong   impormasyon katulad ng pangalan ng doktor, impormasyon sa diagnosis, insurance coverage at Medicare, Medicaid (MediCal sa California) at mga Social Security numbers. Maging handa sa pagsagot sa mga tanong tulad ng “Anong uri ng care service ang kasalukuyang tinatanggap ang pasyente at sino ang nagbibigay nito?” at “Meron bang espesyal na equipment sa bahay na ginagamit para alagaan ang pasyente?”
  • Kapag nakikipag-usap sa mga agency, maging assertive o mapanindigan at maging specific o sabihin nang lubos ang iyong mga kailangan.
  • Mas mainam kung tatawag ka sa umaga.
  • Huwag ibaba ang telepono hangga’t hindi mo naiintindihan ang paraan para sa pag-follow-up at ang mga susunod na dapat gawin.
  • Unawain na maaari kang ilagay sa waiting list. Ang demand para sa mga available na serbisyo para sa dementia ay tumaas samantalang bumaba naman ang funding para sa ilang mga service program. Kapag inalam mo agad sa simula ang mga kakailanganin mo at ng kapamilya mong may sakit, mas mapapaigsi mo ang tagal ng paghihintay na ito.
  • Kung may bayad para sa serbisyo, siguraduhing humingi ng rate sheet na nagpapakita ng mga serbisyong ibibigay para sa presyong hinihingi nila.
  • Maaaring i-promote lang ng mga “libreng” online referral services, lalo na para sa senior housing, ang mga facilities na nagbabayad para sa listing o ng placement fee. Ang listing o rekomendasyon ay hindi nangangahulugan na may kalidad ang care service na ibinibigay nila.
  • Huwag mag-atubiling humingi ng tulong. Ang layunin ng karamihan sa mga community agency ay ang magbigay ng mga serbisyo sa mga taong nangangailangan. May karapatan ka sa mga serbisyong ito dahil marami sa mga ito ay binabayaran ng iyong tax, contribution o bayad para sa serbisyo.
  • Tandaan ang hindi lahat ay pamilyar sa mga pangangailangan ng mga caregiver. Samakatuwid, maraming mga professional ang nananatiling  hindi alam ang  mga stress na nararanasan mo at ng kapamilya mong maysakit. Maaaring malagay ka sa sitwasyon kung saan kailangan mong i-educate o ituro ang mga impormasyon sa mga professional sa iyong komunidad  bago mo makuha ang serbisyo.
  • Huwag kang susuko!

Resources

Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving

(415) 434-3388 (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/

Nilalayon ng Family Caregiver Alliance (FCA) na i-improve ang kalidad ng buhay ng mga caregivers sa pamamagitan ng edukasyon, serbisyo, research, at pagtataguyod ng mga ito. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving, nagbibigay ang FCA ng impormasyon sa umiiral na social, public policy, at mga problema sa caregiving at nagbibigay ng tulong sa paggawa ng mga programang pampubliko at pribado para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng greater San Francisco Bay Area, nagbibigay ang FCA ng mga direct support services para sa mga caregivers ng mga taong may Alzheimer’s disease, na-stroke, nagkaron ng traumatic brain injury, Parkinson’s disease, at iba pang mga sakit na nagiging sanhi ng pagiging baldado ng mga adulto.

FCA Fact at Tip Sheets

Ang listahan ng mga facts at tips ay matatagpuan online sa www.caregiver.org/fact-sheets.

Pagsasagawa ng Family Meeting
Pag-hire ng In-Home na Pag-aalaga
Mga Option sa Pag-aalaga sa Bahay
Paggawa ng mga Desisyon sa Pagpanaw ng Pasyente: Ano ang mga Mahahalaga mong Papeles?
Pag-unawa sa Palliative/Supportive Care: Mga Bagay na Dapat Malaman ng Bawat Caregiver

Iba Pang Organisasyon at Links

Pangkalahatang resources para sa mga seniors at caregivers

Aging Life Care Association
(dating National Association of Professional GeriatricCare Managers)
www.aginglifecare.org

Eldercare Locator
eldercare.acl.gov

Medicare and Medicaid (MediCal sa California)
www.cms.gov

Meals on Wheels America
www.mealsonwheelsamerica.org

Karagdagang tulong

National Adult Day Services Association
www.nadsa.org

National Hospice and Palliative Care Organization
www.nhpco.org
Nagbibigay ng impormasyon sa mga pamilya at caregiver sa pamamagitan ng website na caringinfo.org, kabilang na ang mga Advance Directives para sa bawat state na maaaring i-download.

National Volunteer Caregiving Network
https://nvcnetwork.org/wp/

Visiting Nurses Association of America
www.vnaa.org

Mga Inirerekomendang Basahin

Ang FCA ang kasali sa Amazon Smile program. Ido-donate ng Amazon ang bahagi ng iyong purchase sa FCA. Maaari mong tulungan ang FCA sa pamamagitan ng pagpunta sa smile.amazon.com/ch/94-2687079 bago ka bumili.

The Caregiver Helpbook: Powerful Tools for Caregiving, Vikki L. Schmall, Marilyn Cleland, and Marilynn Sturdevant (3rd Edition). Available sa Spanish. www.powerfultoolsforcaregivers.org

The 36 Hour Day: A Family Guide to Caring for Persons with Alzheimer’s Disease, Related Dementing Illnesses, and Memory Loss, Nancy Mace and Peter Rabins, Sixth Edition (2017). Available in paperback.

The Complete Eldercare Planner, Revised and Updated Edition: Where to Start, Which Questions to Ask, and How to Find Help, Joy Loverde (2009). Available in paperback.


Ang fact sheet na ito ay ginawa ng Family Caregiver Alliance. © 2002, 2016, 2017 Family Caregiver Alliance. All rights reserved.

Source URL:  https://www.caregiver.org/caregiving-home-guide-community -resources