FCA logo

Mga Kasunduan sa Personal na Pag-aalaga (Personal Care Agreements)

Paano Mababayaran ang isang Miyembro ng Pamilya sa Pag-aalagang Pinagkakaloob Nito: Panimula

Maraming mga pamilya ang umabot sa puntong napagtanto na ang isang may sakit o mas nakatatandang kamay-anak ay kailangan na ng tulong. Kadalasan ay may mga hudyat ng babala: kahirapan sa mga pang-araw araw na gawain; mga problema sa memorya; kahirapang gawin ang mga transaksyon sa bangko at pamamahala sa pananalapi; maraming beses nang nahulog o natumba; mga problema sa pagmamaneho; nakakalimutan ang mga gamot. Minsan ang isang mas nakatatanda o ang may sakit na mahal sa buhay ay kailangan ang mas higit sa paminsan – minsan lang na tulong — kailangan nila ang pag-aalaga sa lahat ng panahon.

Pero sino ba ang magkakaloob ng pag-aalagang iyon? Ang sagot ay karaniwang malapit sa tahanan lang: ang isang anak na nasa tamang edad. Ang isang kapatid ay karaniwang nagiging isang caregiver, o ang isa pang kapatid ang siyang napili dahil siya ay mas malapit o mas may kaunting responsibilidad sa sarili niyang pamilya.

Ang taong nagkakaloob ng pag-aalaga para sa mahal sa buhay ay maaaring gumawa ng isang malaking sakripisyo: ang pag-iwan sa kanyang trabaho at mga benepisyo. Isang pormal na kasunduan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya ay makakapagkaloob ng paraan para mabigyang-bayad ang isang taong nag-aalaga kung hindi na niya kayang magtrabaho pa ng iba. Kahit na ang karamihan sa mga miyembro ng pamilya ay nais tumulong at nadama ang tungkulin na mag-alaga sa isang mahal sa buhay, ito ay isang trabaho na may matinding pananagutan sa oras at mga responsibilidad. Ang isang paraan sa pagpoprotekta sa caregiver at pati na rin sa taong tumatanggap ng pag-aalaga ay sa pamamagitan ng pagtatakda sa isang kasulatan ng ugnayan sa pag-aalaga.

Ito ay isang kasunduan na tinatawag rin na long-term care personal support services agreement, elder care contract, family care o caregiver contract. Madalas, ito ay tinatawag na personal care agreement. Ang kasunduang ito ay naghahandog sa mga caregiver sa pamilya na seguridad na hindi sila magdurusa sa hindi nararapat na mga pinansiyal na kahihinatnan dulot nito. Kasabay nito, ang kasunduan ay maaari rin makapagbigay ng katahimikan ng pag-iisip sa inyong mahal sa buhay na mayroon siyang tagapag-alaga na mamamahal sa kaniyang mga pangangailangan.

Ano ang Personal Care Agreement?

Ang kasunduan ay isang kontrata na karaniwang sa pagitan ng isang miyembro ng pamilya na sumasang-ayon na magkaloob ng mga serbisyo bilang caregiver para sa isang may kapansanan o tumatandang kamag-anak at ang taong tumatanggap ng pag-aalaga. Ang personal care agreement ay kalimitang sa pagitan ng isang anak na nasa hustong edad at ang kaniyang magulang, pero maaaring kasangkot rin ang ibang mga kamag-anak, tulad ng isang apong nasa tamang edad na nag-aalaga sa lolo at lola.

Ang pagbubuo ng isang kasunduan ay naglilinaw sa isang pamilya kung anu-ano mga gawaing inaasahan mula sa kanila at ang kapalit ay isang naitakdang kabayaran. Ito ay maaaring makatulong na maiwasan ang mga di pagkakasunduan sa pamilya na magkakaloob ng pag-aalaga at kung magkano ang pera na iikot sa pamilya. Para sa kadahilanang ito, ang kasunduan ay dapat talakayin sa iba pang mga miyembro ng pamilya para malutas ang anumang mga ikinababahala bago makapagbalangkas ng isang kasunduan.

Kapag gumawa ng kotrata kasama ang isang miyembro ng pamilya, mainam na pakitunguhan ang kasunduan bilang isang legal na dokumento. Kung ang inyong kamag-anak ay nakakatanggap ng in-home care na suportado ng estado, ipapakita sa kasunduan ang estado kung saan mapupunta ang pera at para sa anong klaseng mga serbisyo. Dagdag dito, ang kasunduan sa caregiver ay maaaring makaiwas sa posibleng pagkakalito sa mga miyembro ng pamilyang kasangkot hinggil sa mga mana, at maiwasan ang mga di pagkakaunawaan lumaon sa pagbabawas ng halaga ng pera na maaring manahin.

Mga Pangunahing Bahagi ng isang Personal Care Agreement

Ang personal care agreement ay may tatlong pangunahing kahilingan para sa isang tao sa pagbabayad ng isang miyembro ng pamilya sa pag-aalaga:

  • Ang kasunduan ay dapat nasa isang kasulatan.
  • Ang bayad ay dapat para sa pag-aalaga na ipagkakaloob sa hinaharap (hindi para sa mga serbisyong naipagkaloob na).
  • Ang bayad sa pag-aalaga ay dapat makatuwiran. Ito ay nangangahulugan na hindi ito dapat higit sa ibabayad sa isang ikatlong panig para sa parehong pag-aalaga sa inyong estado o heograpikong area. Ang mga gawaing ipinagkaloob ay dapat katumbas ng “makatuwiran” o “nakagawiang” mga kaukulang bayad na karaniwang sinisingil sa mga serbisyong iyon.

Isang maayos na nabalangkas na personal care agreement ay dapat naglalaman ng:

  • Petsa ng pagsisimula ng pag-aalaga
  • Detalyadong paglalarawan ng mga serbisyong dapat ipagkaloob, halimbawa, transportasyon at mga sadyang gawain: pagmamaneho sa patungo sa medikal, dental, adult day care, at iba pang mga appointment, paghahanda ng pagkain
  • Gaano kadalas na ipagkakaloob ang mga serbisyo (Ipahintulot ang pag-aangkop sa mga pangangailangan sa pag-aalaga sa pamamagitan ng paggamit ng wika tulad ng, “hindi mas mababa sa 20 oras kada linggo” o “hanggang 80 oras kada buwan.”)
  • Magkano at kailan babayaran ang caregiver (lingguhan o tuwing dalawang linggo)
  • Hanggang gaano katagal may bisa ang kasunduan (Ang kasunduan ay dapat magtakda ng oras, tulad ng isang taon o dalawang taon, o kahit sa buong ikabubuhay ng tao.)
  • Isang pahayag na ang mga tuntunin ng kasunduan ay maaaring baguhin lang kapag kapwang napagkasunduan ng mga panig na nasa kasulatan
  • Ang lokasyon kung saan ipagkakaloob ang mga serbisyo (tirahan ng matanda/adult na may mga kapansanan, sariling bahay ng caregiver, iba pang lokasyon. Pahintulutan ang lokasyon kung saan aalagaan na magbago bilang tugon sa dumaraming mga pangangailangan ng inaalagaan.)
  • Mga lagda ng mga panig, petsa ng kasunduan
     

Karagdagang Mga Detalye na Dapat Isaalang-alang sa isang Kasunduan

Ang mga gawain ng caregiver ay dapat na malinaw na nakasaad sa kasunduan pero maaaring kasama ang angkop na katawagan na “o katulad sa parehong napagkasunduan ng mga panig”. Kung masyadong mahigpit ang kasunduan, dapat itong isulat muli kung may mababago sa kalagayan.

Isaalang-alang ang paglikha ng isang “escape clause” kapag and isang panig ay nais tapusin ang kontrata. Gumamit ng termino tulad ng “ang kasunduang ito ay nananatiling may bisa hangga’t tapusin sa pamamagitan ng kasulatan ng alinman sa mga panig.” Isaalang-alang ang kondisyon na “biglaang” ipapatupad kung ang caregiver ay magkasakit o gustong magbakasyon. Mayroon bang naitalagang backup na tauhan na maaaring pansamantalang humalili?

Mayroon bang kondisyon para sa mga gastusin sa tahanan kung ang inaalagaan ay nakatira kasama ng caregiver (isang naaangkop na bahagi ng mga gastusin sa utility, mortgage, insurance, buwis)? Isaalang-alang kung ano ang mangyayari kung ang taong inaalagaan ay lumipat sa isang care facility. Ang health insurance ba o ang long-term care insurance policy ay kailangang bilhin para masakop ang caregiver sa pamilya. Kung gayon, isama iyon sa personal care agreement at maging detalyado para lahat ay naangkop. Isaalang-alang ang pagdadagdag ng allowance sa mga biglaan at hindi-maiiwasang gastuhin.

Para matukoy ang antas ng pag-aalagang kailangan, makipagkonsulta sa isang local homecare agency, manggagamot, geriatric care maager, hospital discharge planner, o social worker. Maaaring may bayad para magsagawa ng care assessment sa tahanan. Ito ay makakatulong para paghandaan ang anumang pangangailangan sa pag-aalaga pagdating ng panahon. Kung ang taong inaalagaan ay may dementia, halimbawa, ang paghina ng kondisyon ay maaaring mangangailangan ng ibang mga opsyon sa pag-aalaga.

Ang mga halimbawa ng pag-aalaga ay: personal na pag-aalaga, pamimili sa tindahan, paghahanda ng mga pagkain, mga gawaing bahay, paglalaba, pag-aayos ng mga bayaran sa bahay at medikal, pagtawag sa telepono, pamamahala sa pinansiyal, transportasyon (isaalang-alang ang mileage), pagbabantay at pamamahala ng mga gamot, pagsusubaybay sa mga pagbabago sa kalusugan, at mga pakikipag-ugnayan sa mga healthcare practitioner.

Kapag naghahanda ng isang kasunduan, tanungin sa inyong sarili kung ano ang kahulugan ng bawat gawain sa pag-aalaga. Halimbawa, itanong sa sarili kung ano ang “personal care”: kabilang ba dito ang paliligo, pagbibihis, dental hygiene? Kung detalyado ninyong tinukoy ang mga gawain sa pag-aalaga at ang oras na kinakailangan, ang resulta ay magiging isang mas makatotohanan na pagsusuri sa pag-aalaga.

Ang mga caregiver ay dapat mayroong detalyadong daily log (pang-araw araw na talaan) at magkaroon ng malinaw na paglalarawan ng trabaho. Ang mga dokumento ay magbibigay suporta sa nilalayon ng inyong ugnayan sa kontrata kung para sa anumang dahilan ay magkaroon ng isyu o di pagkakaunawaan.

Kayo ay gumagawa ng isang ugnayang ayon sa kontrata sa pagitanng ng employer (taong inaalagaan) at empleyado (ang caregiver), isang ugnayan na kailangan ng pagsasantabi at pagbabayad ng buwis. Ang iba pang mga konsiderasyon ay kung magkakaloob ng mga benepisyo sa empleyado tulad ng health insurance o worker’s compensation. Hinggil sa buwis at Social Security, maaaring nais ninyong humingi ng payo mula sa isang abogado para makumpirma kung naaangkop ito sa inyong situwasyon. Isaalang-alang ang isang vacation pay provision para maiwasan ang pag-aalala ng caregiver o isang pagtaas ng suweldo makalipas ang isang taon ng mabuting nagawang trabaho.

Paano Talakayin ang Personal Care Agreement sa Loob ng Pamilya

Ang nakababahalangpag-uusap para sa alinmang pamilya ay kung ano ang mangyayari sa pera kapag ang isang magulang ay nagkasakit, at sino ang maglilingkod bilang ang pangunahing caregiver. Ang isang paraan para talakayin ang mga mabibigat na paksa ay ang pagsasagawa ng miting ng pamilya. Ang koponan sa pangangalaga ay nagkikita sa isang komportableng lugar, nakaupo lahat sa palibot ng lamesa na may lugar para mailapat ang mga dokumento na tatalakayin. (Ang paggamit ng teknolohiya tulad ng Skype ay maaaring makatulong sa mga miyembro ng pamilya na malayo ang tinitirahan.) Ang isang maayos na miting ay makakapagkaloob sa mga miyembro ng pamilya ng pinagkakaisang suporta at mas mainam na pag-uunawa sa mga desisyong gagawin.

Kapag nagpaplano ng miting ng pamilya, mahalagang isama ang lahat ng mga kinakailangang miyembro. Ang isang tanong na dapat isaalang-alang ay kung ang taong aalagaan ay dadalo sa miting. Kung ang inyong mahal sa buhay ay may cognitive na kondisyon (Alzheimer’s disease o iba pang dementia, bilang halimbawa), isaalang-alang kung siya ay may kakayahang maunawaan ang talakayan at kung sakaling sumama ang kaniyang loob. Mayroon bang hindi akma o sensitibong isyu na hindi dapat tatalakayin sa harap nila? Gaano kakritikal para sa kanilang sumali sa mga desisyon na ginawa sa ngalan nila? Ang pagdadalo sa lahat o isang bahagi lang ng meeting ay maaaring magpahintulot sa inaalagaan na makapagtatag ng tiwala sa koponan sa pangangalaga. Ito ay makakatulong lumaon sa kanilang kooperasyon kapag kailangan ng mas matitinding pagdedesisyon.

Bago ang pagpupulong, pinakamainam na magtakda ng mga oras at petsa na madali para sa schedule ng lahat (hangga’t maaari), tapos ay gawin ang talaan ng pag-uusapan sa ora ng pagpupulong.

Heto ang naimungkahing listahan ng mga paksa para mapanatiling nakakasunod sa naitakdang pag-uusapan sa talakayan:

  • Paglalarawan ng tungkulin ng caregiver, kung saan malinaw na nakabalangkas ang mga gawain
  • Ang panahong itatagal ng kasunduan
  • Bayad sa pag-aalaga, kasama kung paano ito babayaran (lingguhan, buwanan, kabuuang bayad?)
  • Pinansiyal na mga pagbabago sa estate ng pamilya (mga epekto sa kasalukuyan at sa hinaharap)
  • Sino ang may hawak ng Power of Attorney?
  • Sino ang magsisilbing panghalili kung magkasakit o kailangan ng pahinga ng caregiver?
  • Mayroon bang mga pagsaalang-alang para sa “spend down” sa Medicaid o “look back” na panahon?
  • Mayroon bang Health Care Directive?
  • May manggagamot bang kasali sa team?
  • Ano ang pananaw ng taong inaalagan sa kalidad ng kaniyang buhay at kalayaan? (Ano ang kanilang mga kagustuhan?)
  • Ano ang plano kung oras na para mailagay sa isang residential facility?

Kung maaari, itala ang inyong miting o kumuha ng taong tatala sa miting. Maaari kayong mamahagi ng mga meeting notes sa iba pang mga miyembro ng pamilya para sa panghinaharap na sanggunian. Isaalang-alang gumawa ng isang binder ng “personal care agreement” na naglalaman ng mga kinakailangan dokumento. Dapat may isang mamamahala ng meeting para mabilis na magpatuloy ang talakayan o para makapagtakda ng mga limitasyon kung sakaling maging masyadong mainit ang talakayan. Pinipili ng ilang mga pamilya na gumamit ng panlabas na facilitator, tulad ng isang social worker, miyembro ng clergy, geriatric care manager, o iba pang taong walang interes sa kalalabasan ng miting. Maaaring kinakailangan ng mas higit pa sa isang miting lamang.

Sa ibaba ay makikita ang ilang mga halimbawa kung anong mga dokumentong makakatulong:

  • Ang mga dokumento na nagpapakita ng median na orasang bayad para sa isang caregiver sa inyong lugar (Tumawag sa home care agencies para magkaroon ng impormasyon sa mga gastusin).
  • Mga medikal na rekord na may kaugnayan sa mga gawain ng caregiver
  • Ang kumpletong care assessment na nagbabanggit ng antas ng pag-aalaga
  • Karagdagang mga legal na dokumento tulad ng Health Care Directive, Power of Attorney
  • Pinansiyal na mga dokumento at will at trust agreements

Kung hindi maabot ng mga miting ang mga gustong layunin, ang family mediation ay isang sumisikat na paraan sa Estados Unidos, na tumutulong sa mga pamilya na harapin ang mga pangunahing transisyon sa buhay. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang National Care Planning Council na na nakatala sa seksyon ng Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong sa katapusan ng fact sheet na ito.

Kailangan Ko Ba ng Abogado?

Hindi kinakailangang kumuha ng isang abogado, pero ito ay nararapat kapag kayo sumasali sa isang kontrata. Ito ay depende sa inyong kalagayan at kung gaano ka-masikot ang kasunduang kailangan ng inyong pamilya. Kung iniisip ninyo ang isang kontratang pre-paid, lump-sum para sa caregiver, maaaring dapat kayong sumangguni sa isang abogado. Ang lump-sum na kontrata ay masikot, at mas mahirap na magpakita ng pagbabayad pagdating sa “fair market” na halaga para sa mga serbisyo ng pag-aalaga. Isang buwanan o tuwing dalawang linggo na suweldo para sa mga serbisyo ng pag-aalaga ay mas madaling subaybayan, lalo na sa layunin ng Medicaid. Kung hindi kayo komportable sa mga transaksyong ito, kumonsulta sa isang abogado para maiwasan ang di pagkakasunduan lumaon.

Ang isa pang legal na paksang dapat isaisip ay kung ang taong inaalagaan ay wala masyadong kakayahan na lumagda sa kasunduan. Ang taong may hawak ng Power of Attorney o ang tagapag-alaga o conservator ay maaaring lumagda. Kung hawak rin ng caregiver sa pamilya ang Power of Attorney ng inaalagaan o ang legal guardianship, isiping kumonsulta sa isang abogado. Kung sa palagay ninyo na hindi kailangan ng isang abogado, basahin ang mga halimbawa ng kasunduan sa seksyon ng Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong.

Paano Ito Nakaka-apekto sa Pagiging Karapat-dapat para sa Medicaid?

Ang Medicaid (Medi-Cal sa California) ay isang programa ng estado at pederal na maaaring magbayad para sa mga long-term care na gastusin para sa mga taong may limitadong kita at ari-arian. Para maging kuwalipikado sa Medicaid, ang gastusin at ari-arian ng tao ay sumasailalim sa isang “look-back” na panahon na hanggang limang taon. Ito ay minsang tinatawag na “spend down” sa mga ari-arian. Kung ang taong inaalagaan ay nangangailangan na ipasok sa isang facility o mag-apply para sa iba pang mga serbisyo na maaaring bayaran ng Medicaid, maaaring ipakita ng personal care agreement na ang mga bayad sa pag-aalaga ay isang lehitimong gastusin at hindi isang pagtatangka na itago ang mga ari-arian sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera sa mga miyembro ng pamilya. Ang taong inaalagaan ay nagbabayad para sa “halaga” ng mga serbisyo sa personal na pag-aalaga.

Alamin at tiyakin sa inyong estado para sa mga tuntunin ng Medicaid dahil ang mga regulasyon ay nag-iiba iba mula sa bawat estado. Ang mga regulasyon na ito ay komplikado, at maaaring kumonsulta kayo sa isang elder law na abogado para makakuha ng tulong sa pagiging kuwalipikado para sa Medicaid o Medi-Cal.

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong

Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org 
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/

Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, traumatic brain injury, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdamang pangkalusugan na nararanasan ng mga adult.

Iba Pang Mga Organisasyon at Link

Pangkalahatang impormasyon hinggil sa personal na pag-aalaga

Medicaid
www.medicaid.gov

National Care Planning Council
www.longtermcarelink.net

National Academy of Elder Law Attorneys (NAELA)
Para sa murang 30 minutong konsultasyon, makipag-ugnayan sa inyong lokal na lungsod o county na Bar Association.
www.naela.org

Mga Papeles at may kaugnayang impormasyon

101 Law Forms for Personal Use (10th ed., 2016)
Elder Care Agreement
www.nolo.com

Long Term Care Personal Support Services Agreement
Department of Health and Human Services, Office for Family Independence (2011)
www.maine.gov/dhhs/ofi/documents/LTC-Personal-Support-Agreement.pdf


This fact sheet was prepared by Family Caregiver Alliance and reviewed by attorney Brent Kato and attorney Bruce Feder of Kato, Feder & Suzuki, LLP. © 2012, 2017 Family Caregiver Alliance. All rights reserved.