Matinding Kalungkutan at Kawalan (Grief and Loss)
Introduksyon
Karaniwan nating iniisip ang matinding kalungkutan bilang isang reaksyon sa kamatayan. Pero may iba pang matinding kalungkutan sanhi ng kawalan habang nabubuhay pa ang tao. Ang matinding kalungkutan na ito ay madalas na nararanasan kapag nag-aalaga sa isang taong may chronic illness. Ang chronic na sakit, lalo na ang anumang sakit na nagpapahina sa cognitive na kakayahan ng isang tao, ay nagiging sanhi ng pagkakaranas ng mga caregiver at ng mga mahal sa buhay ng matinding kalungkutan at kawalan sa ngayon. Sa fact sheet na ito, tatalakayin natin ang matinding kalungkutan na may kaugnayan sa kamatayan at pagkamatay, matinding kalungkutan na may kaugnayan sa chronic na sakit. Likas lang na malungkot ng todo sanhi ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay bago, habang, at makalipas ang aktuwal na pagpanaw nila. Ang proseso ng pagtanggap ng di katanggap-tanggap ay tungkol sa pagdadalamhati.
Ang talamak na sakit at Kawalan
Sa paglipas ng panahon, sa karamihang mga chronic na sakit, may mga pagbabago sa mga kakayahan ng tao. Kung ito ay kasama sa bahay na may Parkinson’s disease na hindi na kayang magbutones mag-isa ng isang kamiseta, o isang taong kailangang harapin ang sakit na diabetes na kailangan sumunod sa isang espesyal na diyeta, o isang may Alzheimer’s disease na hindi matandaan kung sino ka, kailangang umangkop sa mga pangangailangan ng tumatanggap ng pag-aalaga. Ang mga caregiver ay maaaring makaranas ng maraming uri ng mga kawalan: kawalan ng independensya; kawalan ng kontrol; kawalan ng kinabukasan tulad nang inaasahan; kawalan ng pinansiyal na seguridad; kawalan ng relasyon tulad nang dati; kawalan ng kalayaan, tulog at pagkakasundo sa pamilya; kawalan ng kasamahan na kahati sa mga gawaing bahay at iba pang mga gawain; o basta lamang isang kawalan ng makakausap. Ang mga taong may chronic na sakit ay kailangan rin umangkop sa maraming mga kawalan na ito, pero – ang kawalan ng dignidad, kakayahang kumilos, isang maingat na naplanong kinabukasan o pagreretiro, kawalan ng mga tungkulin na ginampanan, o kawalan ng kahalagahan sa sarili (depende lahat sa kapansanan na may kaugnayan sa sakit).
Madaling di pansinin ang mga kawalan na ito at patuloy lang gawin ang mga bagay na kailangang gawin. Gayunman, ang mga kawalan na ito ay humahantong sa pagdadalamhati, at ang pagdadalamhati ay humahantong sa kalungkutan, depression, galit, guilt, di makatulog, at iba pang mga pisikal at emosyonal na problema. Mahalagag kilalanin ang ating mga kawalan, tukuyin ang ating mga nararamdaman, at hayaan ang ating mga sarili na manimdim sa mga pagbabago na nagaganap sa ating mga buhay. Kapag ginagawa natin ito, ang ating mga damdamin ay hindi masyado biglang lalabas bilang galit na dulot ng guilt, o dahan-dahan na dadating sa pamamagitan ng depression at kawalan ng pag-asa; sa halip, mas madaling maipapakita ang mga ito bilang isang nabahaging kawlaan ng isang bagay na pinagkakaingat-ingatan – na maaaring maunawaan ng mga kapamilya at kaibigan na malapit sa situwasyon, na hahandtong sa mas malalim na pag-uusap at mas matatag na mga relasyon kasama iyong mga dumaraan rin sa katulad ng kawalan tulad mo.
Ang pagsusulat sa isang journal ay makakatulong sa iyong pangalanan at ipaliwanag ang iyong mga nararamdaman tungkol sa mga kawalan na ito. Maaari mo itong isama sa isang gratitude journal (pagpapasalamat) – mga bagay na pinasasalamatan mo. Ang pagdadasal, meditasyon, mga ehersisyon ng relaxation, pagsali sa isang support group (o simpleng pakikipag-usap sa isang kaibigan o counselor), o paglikha ng isang rituwal na makakatulogn sa iyong pakawalan ang tindi ng mga nararamdaman para maaari kang malungkot pero pati na rin gumaling.
Ang Malabong Kawalan
Ang kawalan na tila hindi maliwanag ay ang nararanasan natin kapag may isang taong “naroroon pa” pero masasabing “wala doon”. Ito ay karaniwang nararanasan kapag mayroong may cognitive impairment sanhi ng dementia, isang traumatic na pinsala sa utak o stroke. Nakakaranas rin tayo ng ambiguous loss kapag may taong may dementia ay may mga “saglit ng kalistuhan”, kapag malinaw ang pag-iisip at may kahulugan ang sinasabi ng kaunting saglit. Mahirap tanggapin na kung magagawa nila ito paminsan-minsan, dapat ay nagagawa rin nila ng madalas. Kapag bumalik sila sa litong kalagayan, madalas na nakakaramdam tayo ng galit, pagkayamot, at kabiguan – bumaling na pagdadamdam. (Basahin ang FCA fact sheet Pag-aalaga at Di Mawaring Kawalan (Ambiguous Loss) para sa karagdagang impormasyon sa paksang ito.)
Inaasahang pagdadalamhati
Kapag nag-aalaga sa isang taon, sa paglipas ng panahon, magsisimula tayong makaramdam ng pagdadalamhati na di lumaon ay papanaw rin ang taong iyon, ikinalulungkot natin ang “dating” kilala natin na pagkatao. Ang pagkaranas ng kawalan araw-araw, pati na rin ang inaasahang pagpanaw nito, sa pag-aalam sa darating, ay kasing sakit ng kawalan na nauugnay sa kamatayan. Ang mga caregiver ay maaaring makaranas ng guilt o hiya na “hinihiling na matapos na” o pag-iisip na ang kanilang mahal sa buhay ay “wala na” (lalo na kung ang taong ito ay may cognitive impairment). Mahalagang kilalanin na normal lang ang mga nararamdaman na ito. Panghuli, ang inaasahang na pagdadalamhati ay isang paraan para mapahintulutan tayo na makapaghanda ang emosyon para sa di mapipigilan. Ang paghahanda sa kamatayan ng isang mahal sa buhay ay magpapahintulot sa mga miyembro ng pamilya na pag-isipan at linawin ang mga di nalutas na isyu, gumawa ng plano para sa paglilibing, at maranasan ang kanilang nararamdaming sakit sa iba’t ibang mga yugto. Minsan, kapag may naninimdin sanhi ng kamatayan sa loob ng matagal n apanahon, mas kaunti ang pagdadalamhati kapag pumanaw na ang tao, minsan mas masakit kapag pumanaw na talaga ang tao.
Pagdadalamhati sa Kamatayan
Ang pagdadalamhati ay isang natural na damdamin, isang karaniwang karanasan na nagpapatunay sa ating pagiging tao. Dahil ito ay isang matindi at di komportableng maramdaman, madalas ay naghahanap tayo ng mga paraan para maiwasan ang tindi ng emosyon – sa pamamagitan ng distraksyon at pananatiling busy. Tayo ay nagdadalamhati dahil nawalan tayo ng mahal sa buhay; isang pakiramdam ng kawalan na matindi, ang pagbabago sa mga tungkulin ay nakakagulat, at maaaring di na tayo nagiging tiyak sa ating pagkakakilanlan. Madalas, ang mga caregiver ay nasa situwasyon ng kailangang magbago sa kanilang mga situwasyon – kung saan sila titira, mga ikinababahala sa pananalapi, mga relasyon – kasama ng dito ang takot na hindi alam kung ano ang darating.
Ang pagdadalamhati ay matagal. Ipinapakita sa mga huling pag-aaral na ang matinding pagdadalamhati ay tumatagal mula tatlong buwan hanggang isang taon at maraming mga tao ang patuloy na nakakaranas na matinding pagdadalamhati ng dalawang taon o higit pa. Inaasahan mula sa atin ng lipunan na “maging okay na tayo” sa loob ng dalawang linggo. Karaniwang isipin na may mali sa atin kung “masyado matagal” tayo naninimdim. Ang proseso ng pagdadalamhati ay depende sa ating paniniwala, relihiyon, karanasan sa buhay, at uri ng kawalan na naranasan. Ang karamihang mga pananampalataya at kultura ay may mga rituwal para makilala ang pagdadalamhati at kawalan kahit man lang sa unang taon makalipas na mamatay. Inaasahan rin namin ang ibang mga miyembro ng pamilya na ipakita ang kanilang pagdadalamhati sa parehong paraan tulad natin, kahit na sabihin pa natin na iba ang pagdadalamhati ng bawat isa. Walang tama o maling paraan ng pagdadalamhati; ang pagdadalamhati ay isang indibiduwal na proseso. Maraming nakakahanap ng kaginhawahan sa pagsasabi sa mga kaibigan at kapamilya ang tungkol sa kanilang kalungkutan; ang iba naman ay nakakaramdam ng gaan sa mga support group na inihahandog sa bawat komunidad sa pamamagitan ng kanilang lokal na hospisyo (ahit na wala kang mga serbisyo ng hospisyo). Kung nasosobrahan ka at nababahala sa sarili mong proseso ng pagdadalamhati sa paglipas ng panahon, maghanap ng propesyonal na tulong.
Kapag mayroon biglaang namatay, ang una nating pagtugon ay di pagtanggap dito, tapos ay pagkagulat, pagkalito, at pananakit. Ang nakakamatay na mga atake sa puso at stroke, mga aksidente sa kotse, at pagpapakamatay ay nagdudulot ng kahirapan at kaguluhan sa mga miyembro ng pamilya na ang habol ay mga sagot sa kanilang tanong. Sa mga ganitong kaso, ang mga miyembro ng pamilya ay may mga di nalulutas na isyu, tulad ng guilt, galit, pagkabalisa, nawawalan ng pag-asa, mga damdamin ng kawalan. Minsan, kailangan nating matutunan na patawarin ang ating sarili at ang mahal natin sa buhay na namatay. Mas matagal na gumaling mula sa kawalan na ito at mahalagang bigyan ang sarili mo ng panahon na manimdim bago pilitin ang sarili mong “magpatuloy.” Ang pagtatanggap ng suporta mula sa pamilya, clergy, mga kaibigan, at mga grief group ay makakatulong.
Mga Sintomas ng Pagdadalamhati
Ang pagdadalamhati ay nakaka-apekto sa kabuuan ng pagkatao – physical, social, emotional, at spiritual. Ang bawat isa sa atin ay may iba’t ibang mga sintomas. Kung dati ay nakaranas ka na ng pagkamatay, maaari mong maranasan ang pagdadalamhati ngayon sa katulad o ibang paraan, depende sa situwasyon, sa iyong relasyon sa pumanaw, at iba pang mga emosyonal na factor sa iyong buhay. Ang kultura, relihiyon, at social na pamantayan ay nakaka-impluwensya kung saan tayo komportable na ipakita sa iba at pati na rin kung saan tayo komportable na aminin sa ating sarili.
Pisikal
- Pag-iyak
- Pagbuntong hininga
- Mahinang enerhiya/matinding pagkapagod/kahinaan/kapaguran
- Mga Sakit ng ulo
- Pananakit ng tiyan, kawalan ng ganang kumain
- Masyado maraming kainin, lalo na ang mga comfort food
- Pagising-gising sa pagtulog – sobra o kaunti, kakaibang mga panang-inip
- Mga pakiramdam ng kabigatan, pananakit, pagkirot
- Pagiging sobrang busy, pinipilit masyado ang sarili na gumawa ng sobra
- Pabigla-bigla, mga nakakapanira sa sariling mga aktibidad tulad ng sobrang pag-inom
Panlipunan
- Pakiramdam na mag-isa
- Gusto mo bang ibukod ang sarili mo mula sa pakikisalimuha sa iba, nahihirapan magpanggap na OK ka lang, pinipilit na makipagkita sa iba
- Pakiramdam na nahihiwalay ka mula sa iba
- Galit sa buhay ng iba dahil patuloy ang buhay nila at hindi ganoon ang sa iyo
- Hindi gustong mag-isa, parating pala-asa sa iba
Emosyonal
- Kalungkutan, biglang naiiyak
- Galit/pagkayamot/matinding inis
- Pagkalito/nagugulat sa dami ng gagawin o nararamdaman
- Pakiramdam ng pagkakasala (guilt)
- Pag-aalala/pagkabalisa/panic
- Pananabik
- Madaling magalit/madaling ma-irita
- Mga problema sa ala-ala, madaling ma-distract, nag-aalala
- Depression
- Euphoria
- Ayaw gumawa mag-isa at pinapaliban ang gagawin sa iba
- Pabago-bagong mga damdamin
- Kawalan ng kontrol
- Maaaring ituring ka ng iba na “di kayang mangatuwiran” o “over reacting”
Spiritual
- Pagdududa sa iyong pananampalataya/kahulungan ng buhay/pagdurusa
- Pagdududa sa dahilan ng kamatayan/sakit
- Galit sa Diyos
- Pagiging malapit sa pananampalataya/Diyos bilang pampalubag-loob
Mga yugto ng Pagdadalamhati (Grief)
Walang dapat sundan na mapa sa paghaharap sa pagdadalamhati. May mga stage na madalas na dinaranasan ng mga tao, pero hindi pare-pareho ang mga ito mula stage 1 hanggang stage 2 atbp. Ating “dinadaanan” ang mga stage na ito sa iba’t ibang mga oras sa proseso ng pagdadalamhati, depende sa nangyayari sa ating mga buhay, halimbawa, mga espesyal na okasyon, tulad ng mga anibersaryo at kaarawan. At maaari tayong bumalik sa stage na ito kahit na lumipas na ang ilang taon, tulad ng matinding kalungkutan at isolation o depression. Kahit na ipinaliwanag ni Elizabeth Kübler-Ross ang limang stage sa ibaba, maraming mga clinician ang nag-iisip na marami pa at may iba pang mga stage.
- Pagkagulat/di pagtanggap
- Ang kahirapan na tanggapin ang katotohanan ng kamatayan, diagnosis o bagong katotohanan, walang pakiramdam
- Di kayang gawin ang mga karaniwang aktibidad
- Galit
- Galit sa iyong sarili, sa iba, mga propesyonal (lalo na ang mga doktor), Diyos, buhay
- Pakiramdam na walang magawa at walang kapangyarihan, naabandona
- Pakikipag-areglo
- Pakikipag-areglo sa Diyos o mga kaibigan sa pag-asa na mag-iba ang kasalukuyang situwasyon
- Isipin kung ano ang “posibleng mangyari” o “dapat na ibang ginawa”
- Depression
- Pakiramdam na sobrang daming nangyayari sanhi ng kawalan at pagbabago, kalungkutan, pagsisisi, takot, pagkabalisa
- Pagiging mag-isa, nabubukod, awa sa sarili, walang saysay, nawawala
- Pagtanggap
- Pag-aangkop sa bagong katotohanan, simulang magpatuloy sa buhay
- Pakiramdam ng pag-asa, gumagaling ang pakiramdam at integrasyon
Pagtulong sa Ibang Nagdadalamhati
Madalas ay di tayo komportable sa paglapit sa isang taong nagdadalamhati. Mahirap alamin kung ano ang dapat sabihin o gawin. Heto ang ilang tips:
- Maging available. Maghandog ng suporta sa di nakikialam masyado na paraan pero patuloy lang ang pag-aalok ng tulong.
- Makinig nang hindi nagbibigay ng payo.
- Huwag magkuwento ng sarili mong mga karanasan sa pagdadalamhati. Ito ay maaaring maka-apekto sa di pagtanggap ng sakit ng nagdadalamhating tao.
- Pahintulutan ang nagdadalamhati na gumamit ng mga salitang may galit o sama ng loob, kasama na dito ang mga salitang laban sa Diyos. Maaaring isang normal na pag-uugali ito sa pagtatangha na hanapan ng kahulugan sa mga nangyari.
- Dapat alamin na walang maaarin pumalit o bumawi sa kawalan. Para gumaling, dapat na tiisin ng tao ang proseso ng pagdadalamhati. Pahintulutan siyang maramdaman ang pananakit.
- Magtiis, maging mabait at maunawain nang hindi nagmamarunong. Huwag ipilit na “alam” mo ang nararamdaman ng iba.
- Huwag pilitin ang indibiduwal na ibahagi ang kanilang nararamdaman kung ayaw niya.
- Ang physica at emotional touch ay maaaring magdulot ng malaking ginhawa sa mga naiwan. Huwag mag-atubiling yakapin o hawakan ng kamay kung kailan naaangkop.
- Dapat ay narooon ka, kapag bumalik na sa mga dating buhay ang iyong mga kaibigan at kapamilya.
- Tandaan na tuwing mga bakasyon, kaarawan, at anibersaryo ay may mahalang kahulugan para sa mga nagdadalamhati. Maghandog ng suporta sa panahong ito.
- Huwag matakot na ipaalala sa tao ang tungkol sa kawalan; iniisip na niya ito. Magbahagi ng mga kuwento at ala-ala tungkol sa pumanaw.
- Magpadala ng mga card, bulaklak, magpadala ng pagkain, alukin na gumawa ng mga gawaing bahay o mga kailangang lakad, magbigay ng donasyon sa isang kawang-gawa na mahalaga para sa nasabing tao na pumanaw o nagdadalamhati.
Ang Pag-aalaga sa IYONG SARILI:
Ang pag-aalaga sa iyong sarili sa mga mabibigat na panahon ay mahirap. Ang pagtitiwala sa sarili mong proseso ay makakatulong sa iyong gawin ang kailangan mong gawin para mainam mong maalagaan ang iyong sarili. Ang pagkikilala sa iyong mga nararamdaman – mabuti man o masama – ay makakatulong sa iyong mas makaraos sa anumang nangyayari. Magbasa, magsulat sa journal, maghanap ng support, arugain ang sarili, o anuman ang nakakatulong para sa iyo.
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Pagaaring yaman: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdaman sa kalusugan na nararanasan ng mga adult.
Iba Pang Mga Organisasyon at Link
Center for Loss and Life Transition
www.centerforloss.com
National Hospice and Palliative Care Organization
www.nhpco.org
Hospice Foundation of America
www.hospicefoundation.org
The Fisher Center for Alzheimer’s Research Foundation
https://www.alzinfo.org/
Mga Inirerekumendang Mababasa
, What to Say and Do for Someone Suffering an Injury, Illness or LossBeyond Sympathy, Janice Harris Lord, Pathfinder Publishing, 1992.
, Don’t Take My Grief AwayDoug Manning, BookBaby, 2013.
,A Journey Through Grief: Gentle, Specific Help to Get You Through the Most Difficult Stages of Grieving Alla Renee Bozarth, Hazeldon Publishing, 2010.
Ang gact sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance, binago at na-update noong taong 2013, at na-review ni Rabbi Jon Sommer, Professional Grief Caregivers’ Network, Oktubre 2013. Copyright © 1996, 2013 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.