Sumusulong na Sakit: Pagpapanatili at Pagbitiw sa Gunita (Advanced Illness: Holding on and Letting Go)
Panimula
Ang ating kultura ay nagsasabi sa atin na labanan ng lubos ang edad, sakit, at kamatayan: Sabi nga ni Dylan Thomas “Huwag humayo sa isang magandang gabi ng malumanay”. At ang hindi pagpapakawala sa buhay, sa gunita ng ating mga mahal sa buhay, ay tunay ngang likas sa atin bilang mga tao. Gayunman, habang sumusulong ang isang karamdaman, ang kasabihang “paghihimagsik laban sa pagkupas ng liwanag” ay madalas na nagdudulot ng di-kinakailangang pagdurusa, at ang “pagbibitiw” ay maaaring maramdaman bilang kasunod na yugto.
Ang fact sheet na ito ay tumatalakay sa normal na pagbabago ng mga damdamin at mga dapat isaalang-alang sa pagpapanatili sa gunita at pagbibitiw. Ang paunang pag-aaral sa mga suliraning ito ay makakapagpahintulot sa taong may talamak na sakit na magkaroon ng mapagpipilian o kontrol sa kaniyang pag-aalaga, makatulong sa mga pamilya na kailangang sumailalim sa proseso ng pagsasagawa ng mahihirap na desisyon, at maaaring mapadali ang napakabigat na transisyon na ito para sa lahat ng nasasangkot.
Ang mga paniniwala ng mga taong pumapanaw ay mahalaga, at madalas ay imposibleng malaman kung ano ang mga paniniwalang iyon maliban kung talakayin natin ang mga paksa nang maaga pa lang. Sa pag-aalaga para sa taong may kawalan sa memorya, mahalagang makipag-usap sa kanila sa lalong madaling panahon, habang kaya pa niyang magbigay ng may kaalaman pa sa kanilang opinyon at maibahagi ito. Ang maagang pagpaplano ay nagbibigay sa tagapag-alaga at mga mahal sa buhay ng mga mapagpipilian sa pag-aalaga at ang may pinakamalaking konsiderasyon sa taong magdedesisyon.
Ang fact sheet na ito ay kumakatawan sa mga pangunahing ikinababahala, tapos ay tinatalakay ang maagang pagpaplano, at ang ilan sa mga may kaugnayang bagay-bagay na lumitaw nang nagkaroon ng talamak na sakit. Bilang panghuli, ito ay kumakatawan sa mga kuro-kuro kung paano makakapagpatuloy sa pagdedesisyon kapag dumating na ang oras. Sa mga panahong ito, mayroong kakaunting mga tama o maling desisyon. Ito ang panahon sa paghahanap ng mga kasagutang may lubos na respeto sa taong nakakaranas ng sumusulong na yugto ng isang sakit.
Pagpapanatili sa Gunita
Ang tao ay may likas na paghahangad na ipagpatuloy ang pamumuhay. Nararanasan natin ito sa pagnanais ng pagkain, mga gawain, kaalaman, atbp. Napapalapit ang ating damdamin sa mga mahal sa buhay, tulad ng mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan, at kahit na sa mga alagang hayop, at hindi natin nais na iwan ang mga ito. Hindi tayo ang nagpapasya kung patuloy tayong mabubuhay, at tila kusa itong nangyayari. Sinabi ni Robert Frost, “Sa tatlong salita aking ibalanghay at lahat ng aking natutunan hinggil sa buhay: Ito ay nagpapatuloy”. Kahit na sa mga panahong mahirap para sa atin, likas sa atin na kumapit sa mas magagandang sandali.
Kapag nagunita natin na papalapit na ang pagwawakas ng ating buhay, may ibang mga lumilitaw na isipin at damdamin. Ang taong may sakit ay magnanais na makasama ang mga mahal sa buhay, at maaari ring makaramdam ng pananagutan sa mga ito, ang pagnanais na sila ay hindi biguin at magdulot ng lumbay. Maaaring mayroon silang hindi pa tapos na gawain. Halimbawa, maaaring nais na makipagbati ng isang tao sa kaniyang napahiwalay na miyembro ng pamilya o mga kaibigan. Lumilitaw ang mga damdamin, at maaaring ganoon na lang katindi ang mga ito na mahirap itong isipin o aminin: ang takot sa pagbabago, sa proseso ng pagpanaw, kung ano ang mangyayari pagkatapos pumanaw, o mawalan ng kontrol, ng pagtitiwala at iba pa. Ang parehong tao na may sakit at ang caregiver ay maaari rin makaramdam ng sama ng loob, pagsisisi, kalungkutan, at galit na kailangang gawin ang hindi nais gawi ng dalawa, na harapin ang kamatayan at pagpanaw.
Kahit na paghaharap sa kamatayan, nananatili pa rin ang pag-asa. Ang layunin ng pag-asa ay maaaring magbago. Habang papalapit ang kamatayan, maaaring umasa ang pamilya sa isang mapayapang gabi, o isa pang pagbisita sa isang partikular na kaibigan, o matiwasay na pagpanaw mula sa buhay na ito hanggang sa inaasahan nating kasunod nito. Madalas, habang sumusulong ang sakit sa mas mataas na yugto, ang dalawang tila magkasalungat na mga kuro-kuro ay maaaring biglang maisip natin. Ang isang Jewish na dasal para sa may malubhang sakit ay malinaw na nagpapaliwanag para sa parehong may sakit at sa mga mahal sa buhay na nag-aalaga sa kaniya: “Hindi ko piniling mamatay. Maaaring ako ay gumaling. Pero kung ang kamatayan ang aking kapalaran, tinatanggap ko ito nang may dangal.”
Pagbibitiw
Habang papalapit ang kamatayan, marami ang nababawasan ng pagnanais na mabuhay nang mas matagal pa. Ito ay iba mula sa depression o mga pag-iisip ng pagpapakamatay. Sa halip, may pakiramdam sila na oras nang bumitiw. Marahil, tulad ng iba pang mga panahon sa buhay, ito ay isang damdamin na oras na para sa malaking pagbabago tulad ng mararamdaman kapag lumalayo sa tahanan, kapag nagpakasal, sumailalim sa diborsyo o nagbago ng trabaho. Ang ilan ay nakakaramdam ng matinding pagkapagod, ang pagkapagod na hindi naaalis kahit magpahinga. Maaaring umabot sa punto ang iba na mararamdaman nilang lubos na silang naghirap dahil nagawa na nila ang lahat ng kailangan nilang gawin at hindi na gustong mahirapan pa. Ang pagtatangging bumitiw ay maaaring magpatagal sa kamatayan ngunit hindi ito makakaiwas dito. Ang kamatayan, kung patagalin, ay maaaring maturing na panahon ng pagdurusa kaysa sa pamumuhay.
Ang mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan na mahal ang taong pumapanaw ay maaaring makaranas ng parehong pagbabago. Sa umpisa, maaaring umangkop sa pamamahala ng isang talamak na sakit, pagkatapos ay natutunang tanggapin ang sakit na nagdudulot ng malalaking mga limitasyon sa buhay, at pagkatapos ay tanggapin ang posibilidad ng pagpapanaw ng mahal sa buhay. Maaaring tumanggi ang ibang tanggapin ang hindi maiiwasang pagkamatay. Bilang panghuli, maaaring ituring na ang pagkamatay ay mas mabuti sa dalawang pagpipilian, at maging handang bigyan ng pahintulot ang mahal sa buhay na pumanaw. Tulad nang nabanggit, ang taong pumapanaw ay maaaring naguguluhan sa pag-iisip at nagdudulot ng lumbay doon sa mga nagmamahal sa kanila, at, ang pagkakaroon ng pahintulot na mamatay ay maaaring maibsan ang kanilang kaguluhan. May panahon para mangyari ito. Bago noon, tila maling tanggapin ang kawalan, pero makalipas ay maaaring maturing itong isang kilos ng malaking pagmamalasakit para sabihing, “Maaari ka nang pumanaw kapag sa pakiramdam mo na oras na. Ok lang sa akin.”
Iba Pang Mga Ikinababahala
Ang pagbibitiw ay gumugulo sa ating isipan sa taong nais nang pumanaw, kahit na sa katotohanan ang mga ito ay hiwalay na situwasyon. Maraming mga dahilan kung bakit nais na pumanaw ng isang tao, ang mga dahilan ay medyo hiwalay mula sa pagbibitiw. Ang depression ay isang sagot para sa pakiramdam na masyadong masakit mamuhay. Ang ibang tao ay hindi kayang pabayaang mawala ang kontrol, kaya’t nais nilang magkaroon ng kontrol pagdating sa pagpanaw. Maaaring hindi kasiya-siya kapag may kapansanan, o malagay sa isang hindi-gustong lugar, o mahiwalay sa mga mahahalagang tao at bagay sa buhay. Madalas, ang isang taong may malubhang sakit ay tila nakakaramdam na sila ay pabigat sa pamilya at mga kaibigan, at maaaring mas gustuhin na pumanaw kaysa magpatuloy ang kalagayan. Ang takot sa hinaharap, kahit na sa kamatayan, marahil ay sobrang tindi na gugustuhin ng isang tao na pumanaw na lamang para makawala sa nasasabing takot. Ang hindi sapat na pamamahala sa sakit na nararamdaman at iba pang mga sintomas ay maaaring gawing mas mahirap mamuhay.
Sa karamihan sa mga situwasyong ito, ang tamang uri ng tulong ay maaaring makapagdulot ng matinding pagpapagaling sa kalagayan, at pinapalitan ang hangaring pumanaw sa kagustuhang mamuhay hanggang sa huling yugto ng kanilang buhay. Sa ngayon, ang mga propesyonal tulad ng mga provider sa kalusugang pangkaisipan, ang pagsasanay ng isang hospice team, o ang mga espesyalista sa pamamahala ng sakit ay maaaring tawagin para makonsulta.
Talamak na Sakit
Hanggang ngayon, ang fact sheet na ito ay tungkol sa pinakadulo ng buhay. Sa karamihan, dumadaan ang mga tao sa isang panahon ng talamak na sakit bago sila pumanaw. Habang nararanasan ito ay maraming mga pagpipiliang kailangang gawin. Ang mga caregiver at ang taong inaalagaan nila ay kailangang magpasya kung dapat o hindi dapat na kumuha ng partikular na paggagamot o pamamaraan. Gaano katagal kailangang subukan ng taong gumawa ng mga karaniwang gawain, kasama ang trabaho, at kailan tila dapat tanggapin na panahon na harapin na ang yugtong iyon ng buhay ay tapos na? Ang karamihan sa atin ay mga bagay na pinangarap nating gawin, ngunit hindi ito natupad. Ngayon ay maaaring oras na para gawin ang bagay na iyon, gaano man kahirap, o maaaring oras na para hayaan na lang na manatiling isang magandang pangarap ito. Ang talamak na sakit ay nagdudulot ng sunod-sunod na mga situwasyon kung saan kailangang gawin ng mga caregiver at mga tumatanggap ng alaga ang lubos ng kanilang makakayanan para masabi ang mga tungkol sa paniniwala at pinagpipilian, at pagkatapos ay magpasya kung piliting mamuhay o hayaang bumitiw.
Paunang Pagpaplano
Ang paunang pagpaplano ay nangangahulugang pagsasaisip kung ano ang mahalaga, at kung alin ang hindi. Ito ay nangangahulugan rin ng pakikipag-usap doon sa mga nalalapit sa atin. Kahit na sa palagay natin ay alam natin ang iniisip at pinaniniwalaan ng iba, talagang hindi natin alam hangga’t tanungin natin sila. Hindi ninyo mababasa ang nasasaisipan ng mga tao.
Kapag iniisip natin ang huling parte ng ating sariling buhay o ang buhay ng iba, isaalang-alang ang mga tanong na ito:
- Ano ang dahilan para magpatuloy na mamuhay?
- Ano ang magiging malaking dahilan na hindi na mahalagang mabuhay pa?
- Ano ang tila sobrang bigat tanggapin sa simula, ngunit tila kayan namang pamamahalaan pagkatapos na masanay na sa ganoong situwasyon at matutunan kung paano ito pakitunguhan?
- Kung alam ko na magwawakas na ang aking buhay, ano ang makapagbibigay sa akin ng ginhawa at maramdaman na ligtas ang pagpanaw?
- Ano ang kailangang iwasan sa ganoong kondisyon?
Ang kaalaman kung ano talaga ang pinakamahalaga para sa inyo ay nararapat na isaalang-alang. Gaano kahalaga ang makipag-usap sa mga tao, pagsali sa mga pang-araw araw na gawain, pisikal na kaginhawaan o karaniwang pagiging listo para sa inyo? Ano ang nasa isip ninyo kapag iniisip ninyo ang kabigatan ng pag-aalaga sa iba, o ang manatili sa bahay o pagiging wala? Gaano katinding pagdurusa ang idudulot ng mabuhay pa ng isang buwan? At ano ang mga medikal na pamamaraang walang kahalagahan kung pagdaanan pa? At sa inyong pananaw, ano ang pinakamainam na paraan para pumanaw ang isang tao, at gaano kahalaga para sa inyo na magkaroon ng kontrol kung paano kayo dapat mamuhay at kung paano kayo dapat pumanaw? Kaninong opinyon ang dapat pakinggan sa pagpipili tungkol sa pag-aalagang natanggap kapag sumulong ang sakit sa isang advanced stage?
Ang isang lubos na mahalagang bagay ay ang pagkumpleto ng Advanced Health Care Directive para sa taong may sakit at pati na rin sa caregiver, nang sa ganun ay may opisyal na tagapagsalita kapag ang isang tao ay may malubhang kondisyon o sobrang nalilito para magsalita para sa sarili.
Bilang caregivers, kung wala pang nasagawang pag-uusap dulot man ng pag-aatubili, dementia, o isang krisis—maaaring kailangan nating isipin ang mga nasabing problema na nabanggit sa itaas nang walang masyadong sapat na impormasyon.
Ang ilang mga katanungan na makakatulong sa pag-iisip nito ay:
- Ano ang katunayang sinabi sa akin ng tao?
- Paano ko siguradong malaman ang kaniyang mga kagustuhan?
- Para naman sa akin bilang isang caregiver, ano ang magiging mahalaga para sa akin?
- Ano ang bukod-tanging gusto kong malaman tungkol sa kagustuhan ng nasabing tao?
- Ano ang mga limitasyon ng mga magagawa ko?
- Puwede ba akong magkaroon ng pahinga mula sa trabaho? Magkano? Ano ang aking mga pinansiyal na hadlang?
- Anong uri ng mga pisikal na limitasyon mayroon ako?
- Ano ang mga uri ng pag-aalaga ang sobrang magiging emosyonal para sa akin?
- Maaari ba akong magkaloob ng higit pang ginhawa kung hayaan ko ang ibang mga mano-manong pag-aalaga sa pang-araw araw, at pahintulutan ang iba, kahit na ang isang bayad na tagapag-alaga, na akuin ang tungkulin na ito?
- Pumapayag ba akong akuin ang responsibilidad na maging opisyal na tagapagsalita ng iba?
- Kung ang nasabing tao ay may mga kamag-anak na lalong mahirap na pakitunguhan, paano ko pamamahalaan ang pagiging opisyal na tagapagdesisyon?
Ang lahat ng mga tanong na ito ay maaaring tila mahirap talakayin ngayon, kung ang oras ng desisyon ay sa darating pang panahon. Gayunman, mas mahirap talakayin ang mga ito kapag ang isang tao ay may malubhang sakit, may matinding emosyon, at ang mga desisyon ay kailangang biglaang gawin. Ang talamak na sakit, panghihina, at humihinang pangkaisipan ay maaaring hadlangan ang kakayahang talakayin ang mga magulong suliranin. Ang mas maagang pag-upo para talakayin ang mga ito ay mas mainam. Ang pinakamahusay na paraan para makapagsimula ay ang umpisahan kaagad. Magtalaga ng oras para mag-usap. Maaari mong sabihin na gusto mong pag-usapan ang mga bagay-bagay na maaaring mangyari pagdating ng panahon, kung sakaling may malubhang karamdaman. Banggitin ang mga iba-ibang nasasaisip. Ihanda ang sarili na makinig ng lubusan, at magtanong ng mga bagay na nasaisip. Gawin ang inyong makakaya para hindi punahin ang sinasabi ng iba. Kung alam ninyo na hindi nais pag-usapan ng kabilang panig ang paksang ito, magsabi o magtanong lang ng isa o dalawang mahalagang bagay. Maghanda na pigilin ang pag-uusap, at balikan ito sa susunod. Isulat ang mahahalagang mga bagay na sinabi ng mga tao. Lumaon, magagamit ninyo ang inyong mga tala para makapaghanda ng pahayag ng mga kagustuhan at gawing parte ang pahayag na ito ng isang “advanced directive” tungkol sa mga desisyon sa pag-aalaga ng kalusugan, nakumpleto man o hindi ang pormal na dokumento.
Maraming mga pamilya ang nakitang mas madaling magkaroon ng kritikal na pag-uusap sa pagdalo at patnubay ng isang walang kinikilingang facilitator. Ang ilang mga social workers, mga case managers, o faith leader ay sanay sa pagkakaloob ng ganitong klaseng suporta (tingnan ang mga karagdagang mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong). Ang pagtatanong sa isang propesyonal na tumulong sa talakayan ay maaaring makatulong na maibsan ang mga indibiduwal na miyembro ng pamilya mula sa bigat ng pag-aako ng tungkulin na ito.
Mahalaga rin na kausapin ang inyong manggagamot tungkol sa mga mapagpipilian sa paggagamot. Maaari ninyong hilingin sa doktor na kumpletuhin ang isang POLST, o Physician’s Orders for Life Sustaining Treatment. (Bumisita sa www.polst.org para malaman kung ang inyong estado ay naghahandog ng POLST na programa, o sa mga estado na walang POLST, tanungin sa doktor ang tungkol sa DNR order —Do Not Resuscitate o Huwag Buhayin.) Ang pormang ito ay isang pangkat ng mga medikal na kautusan, katulad ng DNR (pahintulutan ang likas na pagkamatay ng tao). Sa pormang ito ay pwedeng isaad ang kagustuhang huwag buhaying muli, at kung gusto o hindi ng feeding tube, ventilator at iba pang mga paggagamot. Ang mga desisyon para ibigay or hindi ang life support ay batay sa mga personal na pakinabang, mga paniniwala at pagsasaalang-alang kung ano ang kagustuhan ng isang tao. Ang nasabing mga desisyon ay masakit sa damdamin. Ang mga miyembro ng pamilya ay dapat magbigay ng sapat na panahon sa kanilang sarili na makaraos sa ganitong mga desisyon sa buhay at kamatayan at para maproseso ang mga nadadamang pag-aalinlangan, konsensya o pagsisisi na maaaring lumitaw.
Ang POLST ay hindi para sa lahat. Ang mga indibiduwal lang na may malubha, progresibo at chronic na mga sakit ay dapat may POLST form. Para sa mga pasyenteng ito, ang kanilang kasalukuyang katayuan ng kalusugan ay nagpapahiwatig ng pangangailangan ng naitakdang mga medikal na kautusan. Para sa malulusog na mga indibiduwal, ang Advance Directive ay isang naaangkop na tool para gumawa ng panghinaharap na mga ninanais sa end-of-life na pag-aalaga na alam ng mga mahal sa buhay (basahin ang fact sheet sa Advanced Health Care Directives). Ang mga propesyonal sa mga medikal na tanggapan, ospital, mga serbisyo na batay sa komunidad, at mga hospice team ay dalubhasa sa pagtutulong sa mga indibiduwal o grupo ng mga pamilya sa pagtatrabaho sa mga lubos na normal pero masakit na mga damdamin na ito.
Ang POLST ay hindi para sa lahat. Ang ilang tao lamang na may malubha, sumusulong at talamak na karamdaman ay dapat may POLST na porma. Para sa mga pasyenteng ito, ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang kalusugan ay nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa mga medikal na kautusan. Para sa mga malusog na indibiduwal, ang Advance Directive ay angkop na paraan para gumawa ng panghinaharap na kagustuhan tungkol sa katapusan ng buhay ng mga mahal sa buhay (basahin ang fact sheet na Advanced Health Care Directives). Ang mga propesyonal sa loob ng opisinang medikal, ospital, serbisyong pamayanan at hospisyo ay may lubos na kakayahan sa pagtulong sa indibiduwal o buong pamilya sa pagtugon sa mga normal ngunit masakit na emosyon.
Pagdedesisyon
Oras na para para bumitiw? O oras na para bigyan ng pahintulot ang mahal sa buhay na pumanaw na? May tatlong bagay para makatulong na makapagpasya.
Una, tingnan ang medikal na kalagayan. Umabot na ba sa huling yugto ng karamdaman? Kapag ito ay umabot na, ang katawan ay karaniwang sumusulong patungo na huling sandali kasama ang paghina ng lakas, pagkawala ng ganang kumain, at kadalasan ang isip ay nagiging mas inaantok at mas nalilito. Ang mga paggagamot ay hindi na gumagana tulad dati, at ang mga pang-araw araw na gawain ay nagiging mas mabigat gawin. Masasabing parang ang buhay ay unti-unting nawawala. Sumangguni sa inyong manggagamot; hilingin ang malinaw na prognosis, o ang inaasahang pagsulong ng karamdaman o mga yugto sa pagpanaw.
Sa sandaling mas malapit sa kamatayan, maaaring may malalaking pagbabago sa kalooban, pagbabago sa mga pag-uugali, kagustuhang kumain o uminom, at kakayahang sabihin ang mga kagustuhan. Ang lahat ng mga ito ay maaaring normal na parte ng kaniyang pagbibitaw. Sa sandaling ito, ang kaligtasan at kaginhawaan ang siyang dapat pinapahalagahan.
Ikalawa, makipag-usap sa mga taong inyong pinagkakatiwalaan. Talakayin ang kalagayan sa mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan na siyang nakakakita ng mas malinaw sa situwasyon. Maaari rin kayong makipag-usap sa mga taong hindi personal na nauugnay. Ang pinakamahalaga sa lahat, isaalang-alang kung ano ang ipinahiwatig ng taong pumapanaw o ang alam mong kanyang mga kagustuhan.
Ikatlo, pakinggan ang inyong puso. Subukang tumanaw lampas sa inyong mga takot at kagustuhan, tungo sa kung ano ang sinasabi ng pag-ibig at pag-aaruga sa inyo. Ano ba talaga ang pinakamainam para sa taong pumapanaw, at para sa mga pumapalibot sa kaniya? Dahil ang kamatayan ay hindi maiiwasan, ano ang pinakamaalalahaning bagay na magagawa ninyo? Maaaring ang pagpapanatili sa gunita. Maaaring ring ang pagbibitiw.
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdaman sa kalusugan na nararanasan ng mga adult.
Iba Pang Mga Organisasyon at Link
Aging Life Care Association (dating kilala bilang National Association of Professional Geriatric Care Managers)
Ang propesyonal na grupong ito ay naghahandog ng listahan ng mga care manager sa buong mundo.
www.aginglifecare.org
Compassion & Choices
www.compassionandchoices.org
National Hospice and Palliative Care Organization
www.nhpco.org
Hospice Foundation of America
www.hospicefoundation.org
Five Wishes
Aging with Dignity
www.agingwithdignity.org
Ang Five Wishes ay isang dokumento na nakakatulong sa inyong ipakita kung paano ninyo nais na magamot sa kaganapan na magkaroon kayo ng malubhang sakit at hindi kayang magsalita para sa inyong sarili.
POLST
May palayon na impormasyong ipinagkakaloob tungkol sa advance care planning tool na ito. Naghahandog ng kasalukuyang POLST program map ayon sa estado at maaaring i-download ang POLST form.
www.polst.org
Ng Family Caregiver Alliance and reviewed by Beth MacLeod, LCSW, Care Consultations and Therapy. © 2016-2020 Family Caregiver Alliance. All rights reserved.