Ang Pag-kuha ng In-Home (sa loob ng tahanan) na Tulong (Hiring In-Home Help)
Madali para sa mga kapamilya at kaibigan, at pati na rin para sa mga propesyonal, na mag-mungkahi na maghanap ng taong tutulong sa mga gawaing-bahay at mga responsibilidad sa pag-aalaga. Ang pagkakaroon ng ibang taong gagawa ng inyong gawaing bahay o mga gawain para sa personal na pag-aalaga ay maaaring magustuhan ninyo. Pero ano ang kahulugan ng pagkakaroon ng ibang tao sa inyong bahay para “tumulong” sa inyo? Saan kayo magsisimulang maghanap ng makakatulong? Kaya ba ninyo itong bayaran? Paano kayo sasagot sa isang mahal sa buhay na nagsasabing hindi nila gustong maging isang taong hindi kilala sa bahay? Ang fact sheet na ito ay makakatulong na gabayan kayo sa proseso ng pagkukuha ng tulong sa bahay.*
*Tandaan: Ang FCA ay tumutukoy sa hindi binabayarang kapamilya, kapartner, mga kaiabigan, mga miyembro ng pamilya, at iba pa bilang mga caregiver. Para malinaw, ang fact sheet na ito ay tutukoy sa kinuha para magtrabaho na mga care provider bilang mga attendant. Ang iba pang mga katawagan na ginagamot at home care attendant, home care provider, care worker, at hired help.
Kailangan Ko Ba ng Tulong?
Ang pag-aalaga habang nasa iba o malayong lugar, pagtatrabaho nang full-time at pag-aalaga ng 24 oras – 7 araw sa loob isang linggo ay magdudulot ng kapahamakan sa isang tao . Kapag may mahal sa buhay na kailangan ng personal na pag-aalaga at hindi maiiwanang mag-isa, kailangan ninyong maging alerto at “naka-duty” ng araw at gabi. Sa patuloy at palagiang pag-aalaga at mga responsibilidad bilang kasama sa bahay, maaaring mawalan ka ng sapat na oras para sa inyong sarili. Kung kayo ay nag-aalaga sa isang tao na kailangang ilipat mula sa kama papunta sa wheelchair o patayo mula sa pagkaupo, maaaring may panganib na mapinsala ang inyong likod. Para doon sa mga nag-aalaga ng miyembro ng pamilya na may dementia, maaaring kailangan rin ninyong makitungo sa mapanghamon na pag-uugali, panganib sa pag-gala, o mga kilos na mapanganib o mapinsala tulad ng pag-iwan sa kalan ng may apoy. Kung wala kayong oras para mamili, pumunta sa bangko, at alagaan ang inyong sariling medikal na mga pangangailangan, kayo ay nanganganib sa sakit na may kaugnayan sa stress. Ang mga gawaing bahay at pagluluto ay sobrang hirap at iniiwan na lamang?
Isaalang-alang ang inyong mga pangangailangan bilang isang caregiver at pati na rin ang mga pangangailangan ng taong inaalagaan. Heto ang mga pangunahing aspeto na dapat na suriin:
- Personal na pag-aalaga: paliligo, pagkain, pagbibihis, paggamit ng toilet, pag-aayos ng sarili
- Pangangalaga sa bahay: Pagluluto, paglilinis, paglalaba, pamimili
- Pangangalaga sa kalusugan: Pamamahala sa gamot, mga appointment sa doctor, physical therapy
- Pangangalaga sa emosyon: Pagsasama-sama, mga makabuluhang gawain, pakikipag-usap o pakikipag-kuwentuhan
Ang pagkuha ng katulong ay makakatulong para maibsan ang ilang mga responsibilidad at gawain, para magkaroon ng kaunting oras para sa inyong sarili. Ang pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang katulong ay makakapagbigay sa inyo ng oportunidad na magawa ang mga kailangang gawin, magpunta sa doktor para sa inyong sarili, makatulog ng kaunti, at makihalubilo sa mga kaibigan. Para sa mga caregiver na nasa malayo at mga nagtatrabahong caregiver, ang katulong ay makakapagbigay ng at tulong at suportang kinakailangan kapag wala ka doon araw-araw. Ang maganda pa dito, natuklasan ng mga caregiver na sa ilang mga pagkakataon, ang taong inaalagaan ay mas madaling nakipagtulungan sa ibang caregiver kaysa primaryang caregiver. Kaya’t halimbawa, ang paliligo ay maaaring mas maayos at hindi nagiging sanhi ng labanan tulad nang dating inaasahan. Ang pagkukuha ng isang attendant ay makakatulong na mapanatili ang inyong relasyon bilang anak o kapartner, kaysa sa parating ang taong gumagawa ng mga gawaing bahay. Ang mga attendant ay maayos na dumadating at nananatili ng ilang oras kada araw at samakatuwid ay may enerhiya na sumali at nagpapalakas ng loob sa isang paraan na maaaring masyado na kayong pagod na gawin nang paulit-ulit sa buong maghapon.
Ang pagkuha ng katulong ay hindi lang kinakailangan ngunit isa ring regalo sa inyong sarili.
Gusto ng Aking Mahal sa Buhay na Ako lang ang Tumulong
Mahirap tanggapin para sa inyong mahal sa buhay na tumanggap ng tulong mula sa hindi kakilala. Sa una, mahalaga para sa inyo na ipakilala ang attendant at ang inaalagaan sa isa’t-sa para makapagtatag ng matagumpay na relasyon. Maaari ninyong ipakita sa attendant kung paano ninyo ginagawa ang mga bagay-bagay, para ang ibinibigay na tulong ay tila pamilyar na at komportableng gawin. Ipaalam sa inyong mahal sa buhay na kailangan NINYO ng tulong, at ito ay isang bagay na magagawa nila para matulungan kayong maalagaan siya. Tiyakin sa inyong mahal sa buhay na ang pagkuha ng tulong ay hindi naghuhudyat na iiwanan ninyo siya.
Kung mag-isa sa bahay ang inyong mahal sa buhay, maaaring marinig ninyo na, “Hindi ko kailangan ng anumang tulong.” I-mungkahi sa kanila na magiging mas komportable KAYO na alam na may taong kasama kahit ilang oras sa isang araw. Maaari rin ninyong i-mungkahi na “subukan ito kahit isang linggo lang.” Ito ay magbibigay sa inyong mahal sa buhay ng kontrol sa pagdedesisyon at makakatulong sa kanilang maging mas bukas sa pagkakaroon ng isang attendant.
Ang transisyon sa isang attendant ay maaaring mas madali kung ang attendant ay may parehong cultural background o pananalita. Ang inyong inaalagaan ay maaaring mas gusto na ang tagapa-alaga lalaki o babaeng. Gayunman, ang magagaling na attendant ay galing sa iba’t ibang mga kultura at karanasan, at ang pagiging bukas sa isang mahusay na attendant mula sa ibang kultura at etnisidad kaysa sa sarili ay maaaring humantong sa magandang relasyon.
Minsan, ang pinakamainam na paraan para matanggap ang isang attendanat ay kumuha muna ng isang “housekeeper.” Ang mga inaalagaan ay madalas na mas bukas sa taong katulong sa gawaing bahay bago sila handang tumanggap ng taong katulong sa personal na pangangalaga. Ito ay nagbibigay sa inyong mahal sa buhay ng panahon para makilala ang attendant at makapagtatag ng tiwala.
“Hindi Ko Gusto ng Taong Di Ko Kilala sa Aking Bahay!”
Lahat tayo ay may iba-ibang reaksyon sa pakikipag-interaksyon sa isang taong di natin kilala. Para sa ilan, ang makakilala ng bagong tao ay masaya at isang kawili-wiling pagkakataon. Ngunit para sa ibang likas na mas walang kibo o mas mahina sanhi ng kanilang sakit, may matinding pagdadalawang-isip na ipakita ang kanilang pribadong buhay at personal na kinagagalawang espasyo.
Ang pagkuha sa isang tao sa pamamagitan ng ahensya ay magbibigay sa inyo ng kaunting opsyon sa pagpipili ng attendant. Ang karamihan sa mga ahensya ay nagsagawa ng mga background check at may “bond” sa mga taong nagtrabaho sa kanila—tiyakin na alamin ninyo sa kanila kung ganito ang kaso. At kung di kayo komportable sa taong ipinadala sa inyo, puwede ninyong hilingin sa ahensya na magpadala ng iba. Pero sa karaniwan, susubukan ng ahensya na matugma ang attendant ayon sa inyong mga pangangailangan at mga kahilingan, kaya’t kung hindi kayo agad na komportable sa ipinadalang attendanat, ikonsidera na bigyan ito ng isa o dalawang araw para makila-kilala ito.
Ang mga caregiver at ang mga inaalagaan ay madalas na nag-aalala na ang kanilang mga gamit ay mananakaw o mawawala. Ang ganitong sitwasyon ay nangyayari, pero mas bihira kaysa nais nyong isipin. Ikandado o ilabas sa bahay ang anumang mga mahahalagang ari-arian, tulad ng mga minanang alahas, para hindi kayo masyado mag-alala na mangyari ito. Bantayan at isulat ang mga cash at tseke/mga checkbook/credit card. Kung kumuha ng tulong sa pamamagitan ng home care agency, i-ulat ang anumang mga ikinababahala ninyo. Kung pribado ang pagkuha, mag-takda ng oras para talakayin ng direkta ang mga ikinababahala sa caregiver. Kung ang inyong mahal sa buhay ay may dementia, maaari nilang i-ulat ang item bilang isang “nawawala” kapag ito ay nailagay lang sa ibang lugar o nakatago.
Paano Ako Makakahanap ng Tulong?
May mga pormal at di pormal na paraan sa paghahanap ng isang attendant. Ang pormal na paraan ay makipag-ugnayan sa Home Care Agency na matatagpuan nang malapit kung saan nakatira ang inyong mahal sa buhay. Isang mahabang listahan ng mga ahensya na available sa karamihan ng mga urban at suburban na komunidad. Maaaring mapahirap nitong alamin kung kanino dapat makipag-ugnayan. Mas kaunting mga ahensya ang naglilingkod sa mga rural na pook, na naglilimita sa mga opsyon para makakuha ng katulong sa pag-aalaga. Ang mga taong makakatulong sa inyong pumili ng tamang ahensya para sa inyong mga pangangailangan ay kinabibilangan ng inyong doktor at ang kanilang kawani, ang inyong mga kaibigan/pamilya na gumamit ng isang ahensya, at iba pa sa inyong komunidad na pinagkakatiwalaan ninyo, tulad ng inyong komunidad ng pananampalataya, sa inyong lokal senior center, atbp. At magbasa rin ng mga pagsiyasat ng ahensya mula sa mga pinagkakatiwalaang awtoridad, at ikonsidera ang pakikipag-ugnayan sa inyong lokal na Area Agency on Aging para magtanong kung kani-kanino sila naka-kontrata para sa kanilang mga kliyente.
Mahalagang tanong:
- Ang ahensya ba ay may lisensya mula sa estado? (Hindi lahat ng mga estado ay kailangan ng lisensya para makapagpatakbo ng isang Home Care Agency). Tanungin kung gaano katagal na sila sa ganoong uri ng trabaho.
- Ang mga nagtatrabaho ba doon ay may lisensya o may insurance? Paano sinasanay, pinapamanihalaan, at binabantayan ng ahensyang ito ang kanilang mga manggagawa?
- Hilingin na padalhan kayo ng ahensya ng pakete ng impormasyon na naglalarawan sa kanilang mga serbisyo, kaukulang bayad, at listahan ng mga reference. Ito ay magbibigay sa inyo ng oportunidad na marepaso ang impormasyon bago makaharap ang isang kinatawan ng ahensya.
Mga Pros at Cons ng Home Care Agency
Pros:
- Ang pagsusuri, pagkuha o pagtanggal sa trabaho, pagbabayad, mga buwis ay pinapamahalaan ng ahensya
Tandaan: Ang ilang mga ahensya ay nagtatrabaho bilang mga “employment agency”, at ang kanilang mga manggagawa ay mga contractor, hindi mga empleyado ng ahensya. Malinaw kung ano ang sakop ng ahensya, hal. payroll, insurance sa liability, worker’s compensation insurance, unemployment insurance. Humiling ng katibayan sa kanilang insurance. - Makakapaghandog sa mga attendant na may iba’t ibang mga kakayahan at matutugma kayo sa isang miyembro ng kawani na makakapagkaloob ng pangangalaga o tulong na kailangan ninyo.
- Kayang mapagbigyan ang iba’t ibang mga oras na hiling na maaring salungat at hindi naaayon.
- Kung ang manggagawa ay magkasakit/magbakasyon, magkakaloob ng kapalit ang ahensya.
- Kung hindi pa rin angkop ang manggagawa, makakapagpadala ng alternatibong mapipili
- Makakatulong na maayos ang mga di pagkakasunduan ninyo/attendant
- Madalas na sakop ng long-term care insurance
Cons:
- Maaaring mag-schedule ng higit sa isang attendant kung hindi pare-pareho ang mga oras ng trabaho, kailangan na hiwalay pagsasanay at isaayos ang bawat baong tauhan
- Maaaring makaranas ng mas maraming turnover ng manggagawa
- Maaaring malimitahan o mas mahal ang singilin para sa ilang mga partikular na gawain
- Karaniwang mas mahal ang singil kaysa sa pribadong pagkuha
Ang di pormal na paraan ng paghahanap ng tulong ay ang pribadong pagkuha ng isang attendant. Ito ay nangangahulugan ng sariling paghahanap ng attendant at pagiging responsable sa pagkuha/pagtatanggal sa trabaho/payroll taxes, at lahat ng aspekto ng pagiging isang employer. Ang mga attendanat ay pinakamadalas na natatagapuan sa pamamagitan ng mga bali-balita—mga kaibigan, sa inyong komunidad, at ilang mga non-profit senior organization. Ang mga attendant na pwedeng magtrabaho ay maaari rin ilista ang kanilang mga serbisyo sa mga online listing services at sa mga bulletin board sa Senior Centers at iba pang mga lugar. Ang mga lokal na kolehiyo at lalo na ang mga nursing prograns, mga community college HHA (Home Health Aide)/CNA (Certified Nursing Assistant) program ay magagandang mapagkukuhanan ng available na talent. Kung pribado ang pagkuha ninyo, mahalagang kayo ay magsagawa ng isang background check (Tingnan ang FCA fact sheet Background Checking: Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon na Makakatulong). Tingnan sa inyong home owners o apartment insurance para sa liability coverage. Maaaring kailangan ninyong idagdag ito at makakakuha rin ng workmen’s compensation insurance.
Mahalagang tanong:
- Ano ang mga credential ng aide? Tiyakin sa credentialing body para makumpirma.
- Saan dating nagtrabaho ang aide? Humiling ng dalawa o tatlong mga reference mula sa dati at kasalukuyang mga employer.
- Parating makipag-ugnayan sa mga reference at tanungin ang kakayahan sa pag-aalaga, pagmamalasakit, at pagkamaaasahan ng manggagawa.
- Ang aide ba ay legal na karapat-dapat na magtrabaho sa bansang ito? Hilingin na makita ang beripiksayon (pasaporte, green card, atbp.)
Pribadong Pagkuha sa Trabaho
Pros:
- Ikaw ang pipili sa tao na nais mo mula sa isang grupo ng na-screen, at ikaw ang “boss”
- Mas mayroong kakayahang umangkop sa mga kailangang gawain
- Karaniwang di masyado mahal ang singil kung ikukumpara sa galing sa ahensya
- Mas malaking oportunidad sa pagtatatag ng pang-matalagang kaugnayan sa (mga) attendant
Cons:
- Kung may sakit ang manggagawa, responsibilidad niyong humanap ng alternatibong katulong
- Kayo ang responsable sa lahat ng mga aspekto ng pagiging isang employer: pagkuha/pagtatanggal sa trabaho, payroll, mga buwis, insurance at mga di pagkakasunduan ng empleyado
- Maaaring hindi sakop ng long-term care insurance
Magkano ang Gastos Dito?
Ang mga tuntunin para sa nakuhang katulong ay nag-iiba iba sa bawat estado, at minsan sa pagitan ng mga lungsod. Magsisimula magtanong sa Department of Labor ng estado. Kailangan mong kilalanin ang mga regulasyon sa munisipalidad kung saan ipagkakaloob ang tulong o pag-aalaga. Una, alamin ang minimum wage sa inyong lugar. Ikalawa, alamin kung ilang oras ng tulong ang kailangan ninyo. Sa ilang mga estado, kung may taong nagtatrabaho ng higit sa 8 oras/araw, maaaring karapat-dapat sila na bayaran ng 8-16 oras, at dobleng oras para sa 16-24 oras. Kung kayo ay may live-in na katulong, hinihiling ng ilang mga estado na ang attendant ay may 5 oras ng tuloy-tuloy na tulog. Kaya kung mayroon kayong mahal sa buhay na madalas ay gising sa gabi, maaaring kailangan ninyong kumuha ng attendant sa gabi para mapagpahinga ang attendant sa umaga. Sa ilang mga estado, maaari kayong kumuha ng tao para sa “per diem” (arawan) o “shift” rate, halimbawa $250/araw para sa isang tao na naroroon ng 24/7 sa halip na orasan na rate. Ikatlo, kung pribado ang pagkuha ninyo, kailangan ninyong gumawa ng payroll (tingnan sa itaas). Ang ilang mga attendant ay mas gustong mabayaran ng 1099 sa katapusan ng taon. Ito ay nangangahulugan na sila ay responsable sa sarili nilang buwis. Tiyakin na nakakatugon sila sa mga lokal na kahilingan para sa independiyenteng contractor. Panghuli, ang ilang mga attendant ay tatanggap lang ng cash na bayad.
Kung kumuha kayo ng Home Care Agency, sila ang magtatatag ng pay rate (singil o bayad). Ang mga ahensya ay sisingil ng ibang halaga, depende sa uri ng pag-aalaga na kinakailangan, hal. personal na pag-aalaga kumpara sa pag-aalaga na may dementia. At ang ahensya ay may minimum na bilang ng mga oras, halimbawa, 4 oras na mga shift lang. O sila ay magsasagawa ng mga 2 oras na shift ngunit maniningil ng mas mataas kada oras. Para sa mga taong kailangan ng full-time na pag-aalaga, ang mga opsyon ay “live in” na tinutupad ang 24 oras, isang live-in at may 8 na oras na shift para sa isang tao na kailangan ng tao para magising at pwede sa gabi, dalawang 12 oras na shift para sa mga taong maaaring kailangang gising sa gabi, o tatlong 8 oras na shift para sa taong maaaring kailangan ng dagdag na tulong sanhi ng mga mabigat na pangangailangan sa pag-aalaga.
Madalas na tinatanong ng mga caregiver kung dapat nilang bayaran ang attendant kung magbabakasyon sila. O kung dapat nilang bigyan ng pera o regalo kapag holiday. Inaasahan ba ang mga taunang bonus? Kung inalis na ang attendant, nang walang dahilan, dapat ba nilang bayaran ang severance? Ang mga ito ay mga indibiduwal na desisyon pero mahahalagang bagay na dapat pag-isipan para hindi kayo mabigatan kapag iniintindi ang mga ito sa pagdating ng oras.
Paano Ko Ito Makakayanang Bayaran?
Ang pagkuha ng in-home na katulong ay maaaring mahal ang bayad, lalo na kung kailangan ninyo ng full-time na katulong. Gayunman, kung kailangan lang ninyo ng apat na oras ng isa o dalawang beses sa isang linggo, maaaring mas abot-kaya ito—ang orasan na halaga ay nag-iiba iba depende kung saan kayo nakatira sa Estados Unidos.
Kung ang tumatanggap ng pag-aalaga ay may long-term insurance policy at ang serbisyong ipinagkaloob ay nakakatugon sa kriterya ng polisiya, maaaring matumbasan ng mga benepisyo ang halaga ng gastos. Tingnan ang polisiya para malaman kung ilang mga araw ng pag-aalaga ang kinakailangan bago magsisimula ang polisiya na magbayad. Pagpasyahan kung may sakop para sa pagkuha ng isang tao nang pribado, o sa pagkuha sa pamamagitan ng ahensya. Hinihiling ng ilang mga policy na ang attendant ay isang HHA, LVN (licensed vocational nurse) o CNA, at ang iba naman ay hindi.
Ang halaga ng kinuhang attendant ay maaaring isang tax deductible kung ikokonsidera itong kinakailangan sa paggagamot. Tiyakin sa inyong tax accountant para makita kung ito ang kaso sa situwasyon ninyo.
Kung ang inaalagaan ay may maliit na kinikita at kuwalipikado para sa Medicaid (Medi-Cal sa California), maaari silang makakuha ng tulong sa pamamagitan ng in-home program na tinatawag na In-Home Supportive Services (IHSS). Tiyakin sa inyong lokal na Medicaid office para makita kung anong mga serbisyo ang available sa inyong area. Nag-iiba iba ang mga benepisyo ng Medicaid sa bawat estado.
Ang ganitong uri ng pag-aalaga ay naaangkop na gastusin para magamit mula sa personal na ipon ng inaalagaan. Madalas ang pamilya ay mag-aambag rin kung kinakailangan para makatulong na masakop ang gastusin. Ang pagsasagawa ng isang miting ng pamilya para talakayin ang pangangailangan ng home care service, ang gastos sa pag-aalaga, at ang mga paraan para masakop ang gastos ay makakatulong na mailabas ang mga ikinababahala mula sa mga miyembro ng pamilya at makakuha ng suporta para makatulong sa mga gastusin.
Ang ilang mga komunidad ay may sliding scale (singil ayon sa kita) o murang tulong sa bahay sa pamamagitan ng natatanging pondo. Makipag-ugnayan sa inyong Area Agency on Aging (AAA) para makita kung ano ang mayroon sa inyong komunidad. Ang Medicaid In-Home Supportive Services (IHSS) office ay may talaan na bukas sa publiko at mabibigyan kayo ng mga rekomendasyon para sa mga nasuri at nakapasang attendant. Sa ilalim ng Title IIIE of the Older Americans Act, pondo na napapamahagi sa inyong lokal na Area Agency on Aging (AAA) ay naghahandog ng tulong sa pagbabayad ng respite care (pansamantalang relibo) at iba pang mga serbisyo na may kaugnayan sa caregiver. Ang mga komunidad ng pananampalataya at ilang mga senior service agency ay maaari rin makatulong sa inyong makahanap ng mas murang attendant care sa inyong lugar.
Paano Ako Makakahanap ng Tamang Tao?
Kapag kumukuha ng katulong, mahalagang malinaw kung ano ang gusto ninyong gawin ng attendant. Sumulat ng paglalarawan sa trabaho na ibinababalangkas ang mga bagay na kailangan ninyo ng tulong at gumawa ng isang detalyadong listahan ng mga gawain na nais ninyong matapos. Ang pagiging malinaw ay napakahagala sa mabisang komunikasyon at pag-uunawa sa isa’t isa. Halimbawa, kung gusto ninyo ng tulong sa gawaing bahay, ilista ang uri ng mga tungkulin sa gawaing bahay—vacuuming, paglilinis ng banyo, paghuhugas ng pinggan, paglalaba, atbp. Maging malinaw sa anumang mga tiyak na paraan na nais ninyong gawin ang mga tungkulin na ito, hal. hiwalay na labhan ang puti sa de kolor. Kung gusto ninyo ng personal na pag-aalaga, ang inaalagaan ba ay nangangailangan ng tulong sa pagbibihis, pag-aayos ng sarili, paliligo, paggamit ng kubeta, paglipat ng lugar? Kung nais ninyo ng ibang tao na “basta naroroon lang,” gusto ba ng inaalagaan na maglakad-lakad, manood ng TV (aling mga palabas?), makipag-usap, lumabas para kumain ng tanghalian, maglaro ng golf, magbasa, maiwang mag-isa (ang ilang mga tao ay mahilig sa mga madadaldal na mga attendant habang ang iba naman ay hindi ito gusto)? Kung mayroong alagang hayop, kailangan ba itong ilabas para maipasyal, gusto ba ninyong ipalinis ang naging dumi nito sa likuran ng bahay, gusto ba ninyong linisin ang kitty box? (Tingnan kung ang attendant ay may mga alerhiya sa mga alagang hayop o takot sa ilang mga hayop). Lubos na mahalagang malaman ang karanasan ng attendant sa dementia kung kayo ay kumukuha ng mag-aalaga sa isang mahal sa buhay na may cognitive impairment. Magbigay ng mga halimbawa ng mga situwasyon na hinaharap ninyo at tanungin kung paano nila papakitunguhan ang mga ito. (Tingnan sa ibaba: “Sumulat ng Isang Deskripsyon ng Trabaho”)
May tatlong general certification para sa mga home care attendant. Ang isa ay ang HHA—home health aide, ang ikalawa ay ang CNA—certified nursing agent, at ang ikatlo ay ang LVN—Licensed vocational nurse. Ang mga ito ay sanay na magkaloob ng pinakamaraming antas ng pag-aalaga sa tahanan maliban sa pag-aalaga na kailangan ang isang nakarehistrong nars, hal. pagbibigay ng iniksyon. Ang bawat estado ay may iba’t ibang mga batas kung ano ang magagawa at di magagawa ng mga attendant, tulad ng mga pagbabago sa dressing ng sugat o pagbibigay ng mga gamot. Sa karamihang mga setting, maaaring ilagay ng attendant ang mga gamot sa kamay ng inaalagaan, pero ang inaalagaan ang dapat na uminom mag-isa ng mga ito. Gayunman, maaaring may mga tuntunin kung sino ang maaaring mag-set up ng medi-set na laman ang mga pills, at kung dapat o di dapat na ilabas mag-isa ng inaalagaan ang medi-set.
Parating tingnan ang mga reference. Parating magsagawa ng background check.
(Basahin ang fact sheet ng FCA Background Checking: Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon na Makakatulong)
Sumulat ng Deskripsyon ng Trabaho
Sa sandaling natukoy na ninyo ang mga uri ng tulong na kailangan ninyo, magsulat ng isang deskripsyon ng trabaho. (Basahin ang fact sheet ng FCA Mga Kasunduan sa Personal na Pag-aalaga.) Bilang pandagdag sa mga gawain na tinukoy ninyo, maging tiyak rin sa:
- Ang hinahangad na pagsasanay: CNA (certified nursing assistant), LVN (licensed vocational nurse), HHA (home health aide)
- Pagmamaneho: Gusto ba ninyo ng tulong sa paglilipat ng inaalagaan? Kanilang kotse o sa inyo? Pagsasauli ng binayad para sa mileage? Magtanong sa DMV para makumpirma ang driving record.
- Mga Kakayahan sa Paglilipat: Ang pagbabangon o pagpapatayo ng tao mula sa kama, silya, gamit ang Hoyer lift
- Karanasan sa mga taong may mga kahinaan sa memorya o iba pang mga cognitive impairment
- Mga kakayahan sa pananalita: Lalo na sa mga taong hirap makarinig, o iyong ang pangunahing wika ay hindi Ingles.
- Mga Gawain sa Bahay: Anong uri ng gawaing bahay ang nais ninyo bilang dagdag sa pag-aalaga para sa inaalagaan? Pagluluto? Kung gayon, anong uri ng mga pagkain? Mapagbibigyan ba ng attendant ang isang espesyal na diyeta?
- Mga Alagang hayop: Anong uri ng pag-aalaga ang kailangan nila, at ano ang maaasahan ninyong gagawin ng attendant?
- Paninigarilyo: Ang inaalagaan ba ay naninigarilyo? Ang attendant ba ay naninigarilyo? Kung gayon, ok lang ba ito sa inyo? Saan pinapahintulutan ang paninigarilyo?
- Mga oras: Anong mga oras/araw ninyo gustong magtrabaho sa inyo?
Kung pribado ang pagkuha ng tulong, ikonsidera rin:
- Mga suweldo: Orasan o shift ng pagbabayad? Holiday, vacation o sick pay (ang karamihan sa mga estado ay kailangan ngayon ng tatlong paid sick days/taon)? Paano babayaran ang attendant, kasama ang witholding at buwis (Social Security, Medicare, disability, unemployment)? Cash o check? Lingguhan, dalawang beses sa isang buwan, buwanan? Employee o contract worker (W-2 o 1099)? May kaunting fee, ang accountant o household employee payroll service provider ay maaaring umako sa responsibilidad na ito.
- Kayo ba ay nagkakaloob ng pagkain , o nagdadala o nagbabaon ng sariling pagkain ang attendant?
Pakikipanayam
Kung kayo ay kumuha sa pamamagitan ng ahensya, maaari ninyong paiksiin ang prosesong ito. Kung kailangan ninyo kaagad ng tulong, mas mabilis kapag dumaan sa ahensya, dahil ang pribadong pagkuha ay nangangailangan ng oras at enerhiya para makuha ang tamang tao o pangkat ng mga tao. Kadalasan, ang isang kinatawan ng ahensya ay pumupunta sa bahay at makapanayam kayo para malaman kung anong uri ng tulong ang hangad ninyo at susubukan na maangkop ang tamang tao na nasa kanilang employee pool na pinakamainam na nakakatugon sa inyong mga pangangailangan. Gayunman, makakatulong pa rin ang inyong deskripsyon sa trabaho sa pagtatrabaho ng ahensya.
Paunang panayam/screening ay magagawa sa pamamagitan ng telepono. Humiling ng resume at mga reference. Doon sa mga tila nararapat sila para sa inyong situwasyon, maaari kayong mag-sagawa ng in-person na panayam sa tahanan ng inyong mahal sa bahay o sa kalapit na coffee shop kung nais ninyo. Kung naaangkop, ang inaalagaan ay dapat na naroroon sa panayam, dahil mahalaga ang kanilang opinyon. Ang iba pang mga miyembro ng pamilya o mga kasangkot na indibiduwal ay maaaring sumama rin. Ang kanilang opinyon at payo ay makakatulong sa inyong makapagdesisyon ng wasto. Ang deskripsyon ng trabaho ay maaaring i-email sa aplikante bilang isang paraan na simulan ang pag-uusap.
Heto ang ilang mga paunang tanong para sa panayam:
- Kayo ba ay interesado sa posisyon na ito?
- Magkuwento ng kaunti tungkol sa inyong sarili.
- Saan kayo nagtrabaho dati?
- Ano ang naging mga tungkulin ninyo? Heto ang deskripsyon ng trabaho para sa posisyon na ito?
- Ano ang inyong paboritong klase na kliyente? Ano ang makakapag-payamot sa inyo?
- May anumang bagay sa deskripsyon ng trabaho na di kayo komportableng gawin?
- Paano kayo nakikitungo sa isang taong may mga problema sa memorya? Magbigay ng halimbawa.
- Ilarawan ang inyong karanasan sa paghahanda o pagluluto ng mga pagkain sa iba.
- Paano ninyo pinakikitunguhan ang mga taong galit, matigas ang ulo at/o natatakot?
- Mayroon ba kayong kotse? Mas gusto ba ninyong magmaneho ng sarili ninyong kotse o ang kotse namin sa paglilipat? Kailanga kong makakita ng katibayan ng insurance at pinakabagong driver’s license.
- Ano ang inyong karanasan sa paglilipat ng isang tao pabangon sa kama o silya at papunta sa wheelchair?
- Kailan kayo pwede? Mga araw? Mga oras?
- Mabibigyan ba ninyo ako ng dalawang may kaugnayan sa trabaho at isang personal reference na maaari kong ma-kontak?
- Kailanga ko ng personal identification na nagpapatunay na maaari kayong magtrabaho sa bansang ito. Mangyaring dalhin ito para makagawa ako ng kopya.
Kung naroroon ang inaalagaan, panoorin ang mga interaksyon sa pagitan ng attendant at ng inaalagaan. Sa inyo lang ba ito sumasagot, o sinasama ba nila ang inaalaga sa kanilang mga pagsagot? Kung ang inaalagaan ay wala doon, maaaring nais ninyong anyayahin ang nangungunang kandidato pabalik para makilala ang aalagaan bago ibigay ang panghuling alok.
Pagkatapos agad ng panayam, isulat ang inyong mga impresyon. Kung mayroon, isama ang opinyon mula sa inaalagaan, at pati na rin ang anumang iba pang mga pamilya/kaibigan na parte ng panayam. Sundin ang inyong kutob. Ano ang pakiramdam ninyo sa isang taong malayo ang mararating sa paghahanap ng wastong tao. Tingnan ang mga reference. May listahan kayo dapat ng mga tanong tungkol sa kanilang karanasan sa pakikipagtrabaho sa attendant na ito.
Kung may naghahanap ng trabaho, marahil ay nakikipanayam sila sa iba pang mga tao. Huwag masyadong maghintay para alukin ang tao na magtrabaho, dahil maaaring tumanggap na ng ibang tao ang nasabing aplikante. Ayusin na makipagkita para malagdaan ang kontrata at makapagtatag ng petsa ng pag-uumpisa.
Pagsusulat ng Kontrata sa Pagkuha ng Tulong
Kung pribado ang pagkuha sa trabaho, kailangan ninyong gumawa ng kontrata. Gamitin ang deskripsyon sa trabaho bilang batayan ng kontrata. Bilang alternatibo, makipag-ugnayan sa isang abogado para makatulong na magbalangkas ng isang simpleng kasunduan. Ginagawang pormal ng kontrata ang kasunduan sa pagitan ninyo, ng employer, at ng attendant, ang empleyado. Ito ay nilalagdaan ninyong dalawa. Kung magkaroon ng mga problema, ang party ay maaaring sumangguni sa nakasulat na kasunduan para makatulong na makapag-areglo ng mga solusyon. Bilang karagdagan sa deskripsyon ng trabaho, dapat kasama sa kontrata ang mga sumusunod:
Inyong Pangalan: Ang employer
Pangalan ng attendant: Ang empleyado
— address, numero ng telepono, Social Security number
Mga suweldo: (basahin ang deskripsyon sa trabaho)
— At isama ang kriterya sa pagbabalik ng pera (reimbursement), hal may petty cash fund ba para sa mga di inaasahang gastos na binibili ng attendant?
— Kung ginagamit ang sarili nilang kotse, babayaran ba ng mileage ang attendant?
— Kumuha ng kopya ng driver’s license at insurance ng kotse
Anong uri ng papeles ang nais ninyong itabi ng attendant?
— Daily log
— Medication administration list?
Mga Inaasahan sa pag-uugali: Paggamit ng telepono, paninigarilyo, pagiging huli sa pagdatin
Mga batayan sa pagtatanggal sa trabaho: Abiso na may dahilan /abiso nang walang dahilan
Petsa ta paglalagda sa kontrata: Kayo at ang attendant
Ano ng mga Responsibilidad ng Employer?
May mga mahalagang legal at pinansiyal na mga konsiderasyon para sa mga employer. (Basahin rin ang Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong sa katapusan ng fact sheet na ito.) Tingnan ang inyong renter o homeowner insurance para makita kung sakop nito ang mga empleyado ng sambahayan. Alamin ang mga responsibilidad ninyo sa buwis kung mayroong nagtatrabaho sa inyong empleyado. Ang lahat ng mga empleyado ng Estados Unidos ay dapat kumumpleto ng isang Employment Eligibility Verification form I-9. Ang form an ito ay nagpapatotoo na ang tao ay legal na may karapatan na magtrabaho sa Estados Unidos. Isang W-9 form ay makukumpleto rin ng empleyado para mag-set up ng payroll. Kailangan rin ninyong mag-apply para sa ID number ng employer.
Ang lokal na mga serbisyo ay madalas na available sa mga may-edad na kailangan ng tulong sa pagsasampa ng mga tax statement para sa mga empleyado sa sambahayan, at pati na rin tulong sa paggagawa ng payroll. Tiyakin sa inyong Area Agency on Aging para malaman kung ano ang available sa inyong area.
Komunikasyon
Ang inyong relasyon sa attendant, ang relasyon ng inaalagaan sa attendant, ang relasyon mo at ng attendant, ang relasyon ng attendant sa inaalagaan ay mahalaga lahat. Ang mabuting komunikasyon ay mahalaga sa mabuting relasyon. Itakda ang mga regular na oras makipagkita at talakayin ang mga ikinababahala, mga problema, at/o mga pagbabago. Ang mga pagbabago sa mga pangangailangan sa pag-aalaga ay inaasahan. Kung may mga dagdag na responsibilidad o pagbabago sa nakatira sa bahay, halimbawa, ang mga ito ay kailangang talakayin sa attendant. Mahalagang gawing malinaw ang mga inaasahan at magbigay ng sapat na pagsasanay para matugunan iyong mga inaasahan. Kung may mga problema, isulat kung ano ang nalulutas at ano ang hindi at magkaisa sa pagbubuo ng mga solusyon na pareho ninyong lalagdaan at pagkakasunduan. Panatilihing nasasapanahon ang komunikasyon; tugunan ang mga problema sa sandaling lumabas ang mga ito. Kung kumuha kayo sa pribadong paraan ng attendant, mahalagang komportable kayo sa pagkakakaloob ng pagsasanay o training at pati na rin ang pagtatanggal sa trabaho kung kinakailangan. Mas mataas ang tiwala, mas maganda ang relasyon. Ang tiwala ay mula sa totoo at bukas na komunikasyon. Kung magaling ang nagiging trabaho ng attendant, tiyakin na sabihin ito sa kanila. Malaki ang magagawang pagkakaiba ng pag-ngiti at nakaka-engganyong pagpuri. Lahat sa atin ay hindi nais na makaramdam na ang ating trabaho ay hindi napapahalagahan. Kapag nahanap ninyo ang tamang tao para sa inyong mga pangangailangan sa pag-aalaga, parang ginto ang halaga nito. Ang pagnanais ng tagumpay na makahanap ng pinakamagandang tulong para matugma ang inyong situwasyon sa pag-aalaga at gawing mas madaling mapamahalaan at kasiya-siya ang inyong paglalakbay bilang isang caregiver.
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, traumatic brain injury, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdamang pangkalusugan na nararanasan ng mga adult.
Fact at Tip Sheets ng FCA
Ang isang listahan ng lahat ng mga katotohanan at mga tip sa Tagalog ay makukuha online sa www.caregiver.org/tagalog.
- Introducing In-Home Care When Your Loved one Says No
- Background Checking: Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon na Makakatulong)
- Working Successfully with Home Care Services
- Holding a Family Meeting
- Personal Care Agreements
Iba Pang Mga Organisasyon at Link
Eldercare Locator
Mapagkukuhanan ng Impormasyon para sa mas matatandang adult at ang kanilang mga pamilya
eldercare.acl.gov
Aging Life Care Association
Magkaloob ng tulong sa paghahanap ng propesyonal na care manager
www.aginglifecare.org
Elder Financial Protection Network
Magtrabaho para maiwasan ang financial abuse ng matatanda at dependent na adult
www.elderfinancialprotection.org
California Background Check Process
Pinagkukuhanan ng impormasyon at tulong ng Estado ng California; tingnan ang gobyerno ng inyong estado para sa katulad na mapagkukuhanan ng tulong.
www.cdss.ca.gov/inforesources/Community-Care/Caregiver-Background-Check/Background-Check-Process
Ang fact sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance. © 2001 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan. Nirepaso at na-update noong 2017