FCA logo

Pag-aalaga kasama ang Iyong Mga Kapatid (Caregiving with Siblings)

Introduksyon

Maaaring komplikado ang pag-aalaga para sa iyong mga magulang. Kapag kasama rin ang iyong mga kapatid na lalaki at babae, ang pag-aalaga ay nagiging mas magulo. Habang malaki ang naitutulong ng mga kapatid mo at malaki ang suporta nila, maaari rin na maging sanhi sila ng stress.

Sa fact sheet na ito, matututunan mo kung paano kilalanin ang dinamiko ng pamilya na makaka-apekto sa pag-aalaga, mga paraan kung paano makakatulong ang mga kapatid mo, paano lalaki ang posibilidad na makukuha mo ang tulong na iyon, at kung paano haharapin ang mga posibleng lumabas na emosyon.

Bakit Nagkakaroon ng Mga Alitan habang Kailangan ng Mga Magulang ang Pag-aalaga

Ang mga anak na nasa wastong edad at ang kanilang mga magulang ay dumadaan sa bagong uri ng transisyon sa pamilya. Dahil mas matagal ang buhay ng mga magulang – pero may mga malubha na sakit- ang kanilang mga anak ay nag-aalaga na ngayon sa kailna ng hanggang isang dekada o higit pa. Ang mga magkakapatid— o sa ilang mga kaso ay mga kinakapatid—ay marahil na walang modelo kung paano magkaisa sa pagtatrabaho para mapamahalaan ang pag-aalaga at maraming mga praktikal, emosyonal, at pinansiyal na mga isyu na kasabay nito. Walang malinaw na paggabay kung sino ang dapat gumawa at ano ang dapat gawin, walang tiyak na plano kung paano ang nararapat na interaksyon ng mga magkakapatid bilang mga matatanda at nasa wastong edad. Habang ang ilang mga pamilya ay naaareglo ang mga pagkakaiba-iba nila, marami naman ang nahihirapan.

Ang mga magkakapatid ay nakakaranas rin ng malaking emosyonal na pagbabago na nagdudulot ng iba’t ibang mga damdamin na buhat pa noong bata sila. Ang makitang tumatanda at lumaon ay pumanaw ang ating mga magulang ay isa sa pinakamalaking pangyayari sa buhay, at lahat sa pamilya ay iba ang pakikitungo dito.

Normal lang na iba-iba ang nagiging damdamin. Maaaring makaharap mo ang pangangailangan ng pagmamahal, pagsang-ayon, o makita bilang mahalaga at may kakayahan bilang isang kapatid. Maaaring hindi mo mamalayan ang mga damdamin na ito, pero nakaka-apekto ang mga ito sa paraan kung paano mo pinakikitunguhan ang mga magulang mo at sa isa’t isa. Kaya’t habang hindi ito namamalayan, maaaring nakikipaglabanan kayo sa isa’t isa tulad noong mga bata pa kayo. Ngayon, gayunman, ang mga paglalabanan ay may kinalaman sa pag-aalaga: sino ang gagawa at sino ang hindi; magkano; at sino ang mamumuno.

Mahirap ito, kaya’t unawain ang iyong sarili, at subukan na unawain rin ang iyong mga kapatid. Hindi mo kailangang palampasin ang negatibong pag-uugali, pero subukang isipin ang takot, sakit, o pangangailangan na nagdudulot ng reaksyon ng iyong mga kapatid. Ang ganoong uri ng pag-uunawa ay maaaring magpakaunti sa maraming mga di pagkakasunduan sa pamilya.

Bilang isang Pamilya, Maingat na Konsiderahin—o Muling Ikonsidera—ang Mga Responsibilidad sa Pag-aalaga

Madalas na hindi iniisip kung sino ang pangunahing caregiver at kung ano ang mga gagampanan ng ibang mga miyembro ng pamilya. Maaaring mag-umpisa ang pag-aalaga kapag ang kapatid na nakatira sa malapit o may malapit na relasyon sa magulang ay tumutulong sa maliliit na mga bagay-bagay. Maaaring hindi mo rin makikita ang sarili mo bilang isang caregiver sa umpisa, pero pagkatapos ay makikita mo ang sarili mo na lugmok sa gawain at naiinis sa mga kapatid mo dahil kailan ng mas maraming tulong ng magulang mo. Madali lang para sa mga pamilya na mapasailaim sa mga karaniwang bitag, halimbawa, ang anak na lalaki ang mamamahala sa mga pananalapi habang ang anak na babae ang mag-aalaga sa emosyonal o pisikal na pangangailangan sa pag-aalaga.

Ang isa pang karaniwang bitag, ang isang kapatid ang caregiver ng Nanay dahil wala siyang trabaho o kailangan ng lugar na matutuluyan, at iisipin ng ibang mga miyembro ng pamilya na ang kaayusan na ito ang lulutas sa maraming mga problema. Pero maaaring isang paraan ito ng problema. Kailangang malinaw na ipahiwatig ng pamilya kung ano ang inaasahan mula sa isang tao, kung may kompensasyon ba sa pananalapi, at kung paano ito mangyayari. Dagdag pa dito, dapat malinaw sa (mga) magkakapatid kung ano ang gawain na ipagkakaloob ng bawat isa.

Kailangan mong suriin muli ang lahat ng mga inaasahang ito bilang isang pamilya. Ang pinakamabuting paraan na magawa ito ay magsagawa ng isang miting ng pamilya kaagad (at lumaon, ay dapat madalas na gawin ito). Ang miting ng pamilya ay magbibigay lugar para matalakay ang mga pangangailangan ng magulang at para matanong kung ano ang maaambag ng bawat isa pagdating sa oras o pera. Kung kinakailangan, ang isang pinagkakatiwalaan sa labas ng pamilya ang maaaring magpasimula nito. 

Isipin ang Mga Tungkulin ng Mga Miyembro ng Pamilya Nang Ikaw ay Lumalaki, at Paano Mo Mababago ang Mga Ito sa Pag-aalaga

Tuwing tayo ay may mga salo-salo kasama ang pamilya, ang karamihan sa atin ay may gawi na balikan ang ating mga dating tungkulin, kahit na iba ang ating pag-uugali kapag iba ang kasama natin. Ngunit ang mga tungkulin na ito ay maaaring hindi na gumana. Maaaring hindi na kayang gampanan ng mga magulang ang mga dati nilang ginawa nang bata pa ang kanilang pamilya, tulad ng pagdedesisyon, pagbibigay ng emosyonal na suporta, o pag-aayos ng mga di pagkakasunduan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya.

Marahil na inaasahan mula sa iyo na maging responsable sa pamilya; marahil na ang iyong kapatid na lalaki ay nakita bilang isang tao na kinakailangang alagaan. Marahil na ang iyong isa pang kapatid na babae ay inihanda nang mabuti para siya ang maging matagumpay sa pamilya habang ang mga gawaing bahay ay inilaan sa iba. Marahil na kilala ka bilang iyong “nagmamalasakit” habang ang kapatid mong babae ay iyong “madamot” o “hindi mapagmahal”. Kaya’t tanungin sa iyong sarili: ako ba ay pinipilit na kumilos tulad ng aking mas nakatatandang kapatid na babae dati o ang walang magawang maliit na bata kahit na lahat kami ay nasa wastong edad na ngayon?

At makakatulong rin ngayon na tingnan sa ibang sa ibang anggulo ang iyong kapatid. Ang mga magulang ay gumawa ng mga inaasahan at tungkulin para sa bawat anak, at lahat sa pamilya ay tinatanggap ang mga ito at ipinapalagay na totoo. Maaaring batay ang mga ito sa ilang katotohanan, pero maaari rin magkaroon ng palagay ang mga magulang sanhi ng maraming klaseng mga dahilan: sino ang panganay o sino ang bunso, aling anak ang katulad ng mas nakatatandang kapatid na babae ng Ina (na hindi niya gusto), aling anak ang katulad ang personalidad sa Ama—at ano ang pakiramdam ni Nanay patungo kay Tatay!

Anuman ang mga dahilan sa mga tungkulin na ito, kailangan nating muling suriin ang mga ito ngayon. Kung ikaw ang itinuturing na pinaka-”responsable”, hindi ito nangangahulugan na dapat mo akuin ang lahat tulad nang dati mong ginagawa—kahit na inaasahan ito mula sa iyo ng mga kapatid mo. Maaaring kailangan mong tulungan sila na makita na lahat kayo ay puwedeng umangkop sa mga bago ninyong tungkulin batay kung paano kayo ngayon. At kung inaakala mo na ang isang kapatid na lalaki o babae ay di masyado makakayanan o di masyado makakatulong dahil ganito ang palagay mo sa kanila noong bata pa kayo, marahil na hindi ka makaka-asa ng tulong mula sa kanila. Kung iba ang pakitungo mo sa kanila, maaari nilang mapatunayan na mas malaki ang maitutulong nila kaysa sa palagay ninyo.

Ang Magkakapatid ay May Iba’t Ibang Mga Ideya Sa Mga Kailangan ng Magulang

Ang ideya na maaaring mawalan ka ng Nanay o Tatay, o kailangan nila ng dagdag na pag-aalaga, ay tunay na nakakatakot. Kailangan pa rin ng ilang mga anak na maging magulang ang kanilang Nanay. Ang ilan ay sobra-sobra ang pagiging maalalahanin at iniisip na mas malaking problema ang magulang kaysa sa katotohanan. Hindi matanggap ng iba na ganoon karaming tulong ang kailangan ng mga magulang. Karaniwan lang ang mga pagkakaiba na ito. Heto ang ilang mga paraan para mapamahalaan ang mga ito:

  • Kung walang emergency, maglaan ng sapat na panahon para ang lahat ay sumang-ayon at nagkakasundo. Likas lang para sa magkakapatid na harapin ang situwasyon batay sa kani-kanilang oras at iba-ibang paraan. Maaaring mangyari ito nasa malayo man sila o nasa malapit.
  • Ibahagi ang mga impormasyon. Kumuha ng pagsusuri mula sa isang propesyonal hinggil sa kondisyon ng magulang mo tulad ng isang doktor, social worker, o geriatric care manager at ipadala ang ulat sa lahat ng mga kapatid mo. Subukan na gumamit ng email, mga online sharing tool, at/o personal na mga miting sa pamilya para tulungan na ipaalam sa lahat ang mga isyu at impormasyon sa pag-aalaga.
  • Tandaan na madalas sinasabi ng mga magulang sa kanilang mga anak ang iba’t ibang mga bagay tungkol sa kanilang kalagayan. Ito ay isang mabuting dahilan para mapanatiling bukas ang komunikasyon sa isa’t isa at subukan na ipagsama-sama ang iyong impormasyon tungkol sa kalusugan ng magulang mo.

Subukan na Ihiwalay ang Mga Pangangailangan ng Magulang Mo mula Doon sa Mga Pangangailangan Mo—at Ang Mga Kahirapan na Naranasan Dati mula sa Mga Desisyon Ngayon

Natural lang na ipagmalaki na natutulungan mo ang mga magulang mo, o nasisiyahan ka na may importante at makabuluhan kang nagagawa. Kapag natugunan ang mga pangunahing pangangailangan, maganda ang pakiramdam ng mga caregiver sa ginagawa nila at hindi sila masyado nahihirapan.

Pero maaaring may iba ka pang hindi namamalayang emosyonal na pangangailangan na sa lalong nagpapahirap sa mga bagay-bagay sa iyo. Halimbawa, kung pakiramdam mo na kailangan mong pasayahin ang iyong Nanay—kung siya ay isang taong hindi masayahin o nakaranas ng matitinding kawalan—maaaring inilalagay mo ang sarili mo sa isang imposibleng gawain. Maaari mong matiyak na mahusay na naaalagaan ang iyong mga magulang, pero hindi mo trabaho iyon—at hindi rin ito parating posible—para mapasaya sila.

Kaya’t subukan na pagtuunan ng pansin ang mahahalagang mga bagay na kailangan ng magulang mo para maalagaan ng mabuti. Halimbawa, kapag pinilit mo na ikaw ang mamimili ng lahat para sa iyong Nanay dahil ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang gusto niya, pinapagod mo lang ang iyong sarili nang sobra. At hindi naman isang trahedya kung bumili ang kapatid mo ng ibang klase ng tuna.

Kapag ang mga dating nais na mahalin at makuha ang pagsang-ayon ay nanunumbalik, maaaring magsimula ang alitan sa magkakapatid. Pagkatapos ng lahat, hindi ka nag-iisang anak na kailangang maramdaman na importante para sa Nanay o sa Tatay. Kaya’t kapag pinag-uusapan kung kailangan ni Tatay ng mas mahal na wheelchair o kung ligtas pa sa bahay si Nanay, subukan na panatilihin ang pag-uusap sa isyu lamang, hindi sa kung alin ang pinakamarami ang alam o pinamahusay ang nalalaman.

Mga Hudyat na Ikaw ay Kumikilos lang Ayon sa Mga Emosyonal na Pangangailangan o Lumalaban sa Dating mga Alitan

  • Ang antas ng emosyon mo ay wala sa tamang katayuan sa mga bagay na siyang pinag-uusapan ngayon. Halimbawa: ang matinding sagutan kung sino ang dapat sumama sa doktor kasama ni Tatay sa susunod na linggo.
  • Pinipintasan mo o ng iyong mga kapatid ang paraan kung paano mag-isip ang kabila, halimbawa: ganid, mapag-utos, walang pakialam, di responsable, o mas malala pa dito.
  • Mararamdaman mo na wala sa mga kapatid mo ang nakakaunawa kung ano ang kailangan ni Nanay tulad nang pagkakaalam mo at ikaw lang ang puwedeng gumawa ng ibang mga bagay.
  • Ikaw o ang mga kapatid mo ay nilalahat ang isang pag-uusap, halimbawa, “Ginagawa mo parati ito!”
  • Pinipintasan mo o ng mga kapatid mo ang nararamdaman ng iba, halimbawa, “Wala kang pakialam kay Nanay!”

Kapag nagagalit ka o lubos na nasaktan sa isang di pagkakasunduan sa iyong kapatid, subukan na di sagutin, magpakalma, at pagtuunan lang ng pansin ang pinag-uusapan na isyu, hal. pagdadala kay Tatay sa kaniyang appointment sa doktor.

Mga Tip Para Makakuha ng Mas Malaking Suporta mula sa Iyong Mga Kapatid.

  1. Subukang tanggapin ang mga kapatid mo—at iyong mga magulang—dahil hindi naman talaga sila tulad ng nasasaisip mo. Ang mga pamilya ay komplikado at hindi perpekto. Walang mga “nararapat” sa damdamin ng ibang tao. Hindi sila masasamang tao o masasamang anak kung hindi pareho ang nararamdaman tulad nang sa iyo. Kung matatanggap mo ito, mas marahil na makakakuha ka ng suporta mula sa kanila, o kahit man lang, mas kaunting alitan.
     
  2. Huwag gawing sobrang simple ang lahat. Madaling akalain na ikaw lamang ang tama at mali ang mga kapatid mo—o di kaya’y tamad, di responsable, walang malasakit, atbp. Ang bawat tao ay may ibang relasyon sa iyong magulang, at ang pananaw ng bawat tao ay naiiba talaga.
     
  3. Tanungin ang iyong sarili kung ano ang tunay mong gusto mula sa mga kapatid mo Bago mo tanungin kung ano ang gusto mo, kailangan mong isipin ito, at hindi ito ganoon kasimple tulad nang inaasahan mo. Una sa lahat, tanungin sa sarili kung talagang, sa kaibuturan ng puso mo, kailangan mo ng tulong. Maraming mga caregiver ang nagsasabing kailangan nila ng tulong pero di hinihikayat ang tulong. Kaya’t isipin ng mabuti. Gusto mo bang gawin nila nang regular ang ilang mga gawain? Gusto mo bang bigyan ka nila ng panahon paminsan-minsan para makapagpahinga? O sa palagay mo ay kontrolado mo ang lahat pero gusto mo silang mag-ambag ng pera para sa mga serbisyo at pampaluwag sa kalagayan mo?
     
  4. O—at ito ay isang malaking bagay para sa maraming mga caregivers—talaga bang wala kang nais nilang gawin para sa iyo pero nais mo ng emosyonal na suporta? Maraming mga caregiver ang nakakaramdam ng pag-iisa, nahihiwalay, at hindi pinapahalagahan. Kung nais mo na tiyakin ng mga kapatid mo na maayos ang kalagayan mo nang mas madalas, hilingin sa kanilang tawagan ka ng kada linggo. At sabihin sa kanila na malaki ang maitutulong kung sila ay “magpasalamat” o sabihin sa iyo na mabuti ang ginagawa mong trabaho. Mas malaki ang posibilidad na gagawin nila ito kung di mo sila pipintasan sa mga bagay na hindi nila ginagawa.
    • Humingi ng tulong sa malinaw at mabisang paraan.
    • Ang paghingi ng tulong ay ang unang hakbang. Makakahingi ka ng tulong sa pamamagitan ng pagsabing: “Puwede mo bang samahan si Nanay tuwing Huwebes? Kailangan kong tapusin ang pamimili para sa linggo at nakapagbibigay ito ng panahon para sa aking sarili lang.” Huwag mahulog sa karaniwang pag-iisip na, “Hindi ko kailangang magtanong.” Ipapalagay ng mga kapatid mo na kaya mo lahat kaya’t hindi nila nakikilala ang mga karagdagang responsibilidad at “bigat” Abala sila sa kani-kanilang buhay at mga kahirapan at hindi alam sa mga nangyayari sa iyong bago at hindi naman nila nababasa ang nasasaisip mo. At, kung hindi ka sigurado kung ano ang gusto mo mula sa kanila, maaaring iba ang pagkakaunawa nila.
    • Direktang tanungin at maging detalyado. Maraming mga caregiver ang nagpaparinig o nagrereklamo o nagpapadala ng mga artikulo sa magasin tungkol sa mga kahirapan ng pag-aalaga sa nakatatanda. Ngunit ang mga estratehiya na ito ay hindi mabisa.
    • Humingi ng isang bagay na makatotohanan. Mas marami ang natatamo ng iba kapag di imposible ang hinihingi nila. Kaya’t ikonsidera ang relasyon ng kapatid mo sa Nanay o Tatay mo at tanungin kung ano talaga ang magagawa o mabibigay nila. Kung hindi kaya ng kapatid mong babae na makasama ng sampung minuto ang Nanay nang hindi siya sinisigawan, huwag hilingin na samahan niya ito; humingi ng mas madaling tulong, tulad ng pag-aasikaso ng mga papeles o pagdadala ng mga grocery.
       
  5. Bantayan kung paano ka humingi ng tulong—at iwasan ang paulit-ulit na konsensya at galit.
    • Iwasan na iparamdam ang konsensya sa mga kapatid mo. Oo, dapat talaga. Ang pagpapakonsensya ay sanhi sa pagiging di komportable at depensibo ang iba. Maaari silang magalit, maliitin o pintasan ang ginagawa mo, o iwasan ka. Ito ay marahil na magpapagalit sa iyo, at tapos ay lalo kang magsisikap na sisihin sila. At babalikan ka nila o lalo pang lalayo. At paulit-ulit ninyong gagawin ito.
    • Minsan ay pipintasan ka ng mga kapatid mo dahil tunay silang nababahala sa mga magulang mo. Subukang pakinggan ang mga ikinababahalang ito nang hindi hinuhusgahan aat ikonsidera kung ito ay makakatulong na katugunan. At lakasan ang loob sa pamamagitan ng paghingi ng pagpapasalamat sa lahat ng mga ginagawa mo—at tandaan na magpasalamat pabalit kapag may tumulong na iba.
    • Ingatan ang tono ng boses at pananalita mo kapag may hinihiling ka. Hindi parating madaling marinig kung paano tayo magsalita para sa iba. Maaaring sa palagay mo ay humihingi ka ng tulong sa mabuting paraan, pero kung galit ka, iyon ang tono ng boses na maririnig mo. At maaaring may reaksyon sila sa mga paraan na hindi makakatulong sa iyo.
       
  6. Humingi ng tulong mula sa isang propesyonal na hindi kapamilya. Ang mga pamilya ay may matagal na at komplikadong mga kuwento, at habang nagaganap ang mga lubos na emosyonal na pangyayaring ito, madalas na mahirap makipag-usap sa isa’ isa nang di walang labis na reaksyon, mali ang pagkakaintindi, o balikan ang dating mga away. Kahit na ang pinakamaayos na mga pamilya ay minsang nagpapatulong mula sa isang propesyonal. Ang family therapists, social workers, geriatric care managers, manggagamot o kahit mga pari o pastor ay makakatulong sa magkakapatid na maitakda kung ano ang tunay na kalusugan ng magulang at ang mga pangangailangan nito para makatulong na maipamahagi ng patas ang mga responsibilidad. Sa mga miting ng pamilya, makakatulong silang mapanatili kang naka-tutok sa paksa na tinatalakay at makakatulong sa iyong iwasan ang pagpapaalala sa mga dating alitan.
     
  7. Lumayo sa pag-aangkin sa kapangyarihan sa pagtatalaga ng magulang mo ng legal powers (kapangyarihang legal). Itinatalaga man sa iyo o hindi ang legal powers ng iyong magulang hinggil sa mga pananalapi o kalusugan, kailangan mong tandaan na ang magulang mo ang nagpasya nito. Kung nasasaiyo ang power of attorney ng iyong Nanay o Tatay, tiyakin na may detalyado kayong mga rekord na nakatabi at ipadala ang mga statement o tala ng mga gastusin ng pera ng Nanay sa iyong mga kapatid. Tila dagdag na gawain ito, pero ang pagtatabi ng rekord ay hinihiling sa ilalim ng batas, at ang pagiging malinaw dito ay makakapagpakaunti sa mga suspetsa o pagbabago—at mga demanda. Kung nagtalaga ng legal power sa isang kapatid, subukang tanggapin ang desisyon ng magulang mo at huwag ito ikonsidera na isang personal na atake sa iyo. Gawin ang lubos ng makakayanan mo para makatrabaho ang kapatid na may awtoridad sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga gastusin at bills ng malinaw. Kung ang kapatid na may hawak ng pinagkukuhanan ng pera ay hindi nakikiisa, kumuha ng isang professional para maipaliwanag ang mga pangangailangan ng magulang mo at mamagitan sa inyo. Kung nababahala ka sa pagmamanipula, isang nabagong will, o di tamang impluwensya, makipag-ugnayan sa lokal na Adult Protective Services.
     
  8. Huwag payagan na mawasak ng mga di pagkakaunawaan sa mana ang pamilya ninyo. Kung sa palagay mo na hindi patas ang paghahati-hati ng magulang mo sa kanilang pera at ari-arian, natural lang na mainis, lalo na kapag nagdadalamhati ka. Maaaring pakiramdam mo na dapat mas marami kang nakuha dahil ikaw ang nag-alaga sa mga magulang mo. Kung ganoon ang pakiramdam mo, kailangan mong talakayin ito sa mga magulang mo habang buhay pa sila at makakapagdesisyon pa sila. Kung may pinaghihinalaan ka na maling gawain ng ibang kapatid, sa gayon ay panahon na para makipag-konsulta sa isang abogado o sa Adult Protective Services.

Ngunit, ipinapakita sa mga pananaliksik na karamihan sa mga magulang ay may pakiramdam na kailangan nilang patas na hatiin ang kanilang estates bilagn hudyat ng patas na pagmamahal sa lahat ng kanilang mga anak. Kapag di patas ang paghahati nila, madalas na dahil nag-aalala sila na ang isang partikular na anak ay mas malaki ang magiging pangangailangan. Anuman ang kanilang dahilan, tandaan na ang magulang mo, at hindi ang mga kapatid mo, ang nagpasya dito. Isipin ng mabuti bago mo ilabas ang galit o pagkakadismaya mo sa mga kapatid mo. Sila ang natitira mong kapamilya, at para sa karamihan, ang relasyon na ito ay nagiging mas mahalaga makalipas na mamatay ang mga magulang.

Buod

Ang pakikitungo sa iyong mga kapatid na may kinalaman sa pag-aalaga ng magulang ay maaaring mahirap, at emosyonal. Mahalagang maunawaan ang sarili mong mga damdamin sa mapanghamon na panahon na ito at subukang magkaroon ng awa patungo sa mga nararamdaman rin ng mga kapatid mo, kahit na di kayo nagkakasunduan. Hilingin ng direkta kung ano ang kailangan mo mula sa kanila at tiyakin ito ng walang pagsisisi o galit. Kung hindi mo magawa ito, o may pag-aaway pa rin, magsali ng isang professional para makatulong sa pamilya na malutas ang mga problema na kailangang malutas. Ang dinamika ng pamilya ay naroroon na bag mo pa man alagaan ang (mga) magulang mo, at marahil na hindi mo malulutas ang mga kasalukuyang alitan ngayon ayon sa kasiyahan mo. Ang mahalaga ay tiyak na makakuha ng suporta para sa sarili mo para maging mapayapa ka sa pagsasagawa ng iyong tungkulin sa pag-aalaga, at sa sandaling nakumpleto na ito.

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong:

Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org 
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/

Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang panlipunan at pampublikong patakaran, at mga isyu sa pag-aalaga at nagbibigay ng tulong sa pagdedevelop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng greater San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang mga serbisyo ng suporta para sa mga caregiver ng mga taong may Alzheimer’s disease, stroke, traumatic na pinsala sa utak, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang disorder na tumatama sa mga adult.

Fact at Tip Sheet ng FCA

Isang listahan ng lahat ng facts at tips at available online sa www.caregiver.org/tagalog.

Caregiving and Ambiguous Loss
Holding a Family Meeting

Iba pang Mga Organisasyon at Mga Link

Eldercare Locator
eldercare.acl.gov
Isang pampublikong serbisyo ng U.S. Administration on Aging na mauugnay ka sa lokal na Adult Protective Services at/o isang Area Agency on Aging.

Lotsa Helping Hands
lotsahelpinghands.com
Isang website na makakatulong sa iyong lumikha, maayos at manatili ang ugnayan sa pamilya, kaibigan, at care community mo.

Ang fact sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance. Sinulat nina Francine Russo at batay sa kaniyang libro na, Theyʼre Your Parents, Too! How Siblings Can Survive Their Parentsʼ Aging Without Driving Each Other Crazy (2010), New York: Bantam. © 2011 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.