FCA logo

Mga Pamamaraan para sa Mabisang Komunikasyon para sa Mga Provider ng Pangangalagang Pangkalusugan at Mga Caregiver (Pathways to Effective Communication for Health Care Providers and Caregivers)

Anumang oras na kailangan ng mga miyembro ng ating pamilya o kaibigan ang medikal na pag-aalaga, karaniwang umaasa tayo sa mga professional para sagutin ang ating mga tanong, mainam na kilalanin ang sakit, at magrekumenda ng mga paggagamot. Noong nakaraan, di pinagdududahan ang mga awtoridad na nangunguna sa mga talakayan kasama ang kanilang mga pasyente sa pangangalagang medikal. Pero nagbago na ang mga bagay-bagay; nag-iba na ang relasyon.

Ang napakaraming impormasyon at mapagkukuhanan ng impormasyon ay nagpapahintulot sa mga pasyente at sa mga caretgiver nila na mag-aral mag-isa sa iba’t ibang mga paraan:

  • maghanap ng mga espesyalista
  • manaliksik sa mga sakit, mga gamot, at mga gamot
  • tuklasin ang mga alternatibo
  • alamin kung ano ang ginagawa ng iba sa katulad na situwasyon

At mga professional sa pangangalaga ng kalusguan ay sumusulong patungo sa partnership kasama mo para matamo ang pinakamahusay na paggagamot at pag-aalaga.

Sa fact sheet na ito ay may mga suggestion para makatulong na maalis ang mga hadlang at mahikayat ang makabuluhang komunikasyon sa pagitan mo at ng mga nagkakaloob ng serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan, at pati na rin mga tip para maging mga tunay na tagapagtanggol sa ngalan ng taong inaalagaan mo.

Pagtatanggol o Pamamagitan: Ang kahalagahan ng iyong tungkulin

Bilang isang caregiver o tagapagtanggol/tagapamagitan para sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya, marahil na may pangunahin kang tungkulin na makipag-partner sa mga profesional sa pangangalaga ng kalusguan. Kung ang taong inaalagaan mo ay may dementia o iba pang mga problema sa memorya, lalong mahalaga ang iyong mga responsibildad – ang mga professional sa pangangalaga ng kalusugan ay aasa sa iyo na ibahagi ang mga detalye tungkol sa kasalukuyang kalahayan ng kalusugan at kaisipan. Papamahalaan mo ang maraming mga pangunahing gawain:

  • magkolekta ng impormasyon
  • makipag-usap sa mga doktor
  • ilipat ang pasyente
  • tiyakin na tapos ang mga lab test
  • kunin, ihanda, at ibigay ang mga gamot
  • ang mga opsyon sa paggagamot at panganib
  • pamahalaan ang insurance

Dagdag pa sa iyong tungkulin bilang caregiver, ikaw ngayon ay isang tagapagtanggol rin sa pasyente. Subalit, ano ang mangyayari – kapag sinabi mo ang pangunahing impormasyon at kaunting kuwento tungkol sa iyong kaibigan o miyembro ng pamilya – parang hindi ka pinakikinggan ng mga doktor, nars, o iba pang miyembro ng care team?

Pakiramdam na tila ang mga professional ay hindi nagpapahalaga sa iyong mga opinyon, mga naobserbahan, at mga pananaw ay hindi kailanman madali. Pero mahalaga ito, ay kailangan mong kumilos. Pero ano?

  • Gumawa ng listahan ng iyong mga tanong, mga rekord, o tala at ihanda ang mga ito kapag kausap ang mga doktor. Kung mapansin nila sa pagtingin lang sa iyo na ikaw ay organisado sa mga partikular na paksa na dapat pag-usapan, likas silang makikinig sa iyo at sa mga sasabihin mo.
  • Magsalita. Ang pagiging pursigido ay hindi parating madali. Maaring kailangan mong magsaliksika pa – pero tandaan: Ang pagiging pursigido ay hindi pareho sa pagiging agresibo. At di sagot ang pagiging agresibo ay hindi isang sagot, pero di rin maganda ang tila umaasa ka lang sa lahat. Ang pursigidong komunikasyon ay ang pinakamabuti mong kagamitan sa pagsasabi kung ano ang kinakailangan at para makuha kung ano ang kailangan mo. Maging magalang at tuwiran. Ipaalam sa kanila na pakiramdam mo na hindi ka pinakikinggan.
  • Hilingin na magsagawa ng isang pagpupulong (in-person o virtual) na kasamaang lahat ng mga pangunahing miyembro ng care team ng iyong kaibigan o pamilya. Kung ang pamamaraan nila ay tila di tinatanggap ang sinasabi o minamadali ka, sabihin mo na nauunawaan mo kung gaano sila ka-busy at hilingin na maglaan sila ng kaunting panahon para sa iyo sa araw na iyon.
  • Humingi ng dagdag na tulong (backup). Kung patuloy mong nararamdaman na hindi pinapansin o pinipigilan ang sinasabi mo, hilingin na may makausap kang social worker na naka-destino sa medical center at hilingin na makisali sila at tumulong. At kung sa pakiramdam mo ay hindi ka pa rin pinakikinggan, makipag-ugnayan sa ombudsman ng medical center o tagapagtanggol ng pasyente o magsampa ng isang reklamo.

Basta’t alam mo na ang dobleng tungkulin mo bilang caregiver at tagapagtanggol sa pasyente ay lubos na mahalaga. Kahit na naiinis ka, hindi mo dapat maramdaman na walang magagawa. May mga hakbang kang magagawa para mapahusay ang situwasyon.

Paghahanda sa isang Medikal na Appointment

Malayo ang nararating ng kaunting paghahanda para gawing mas mabisa ang mga interaksyon sa medikal na staff. Heto kung paano ka makakatulong

  • Gumawa ng nakasulat na listahan ng iyong mga ikinababahala at isulat ayon sa priyoridad. Maging makatotohanan at tuwiran. Magsama ng mga tanong mo sa iyong naobserbahan, mga pang-araw araw na praktikal na kahirapan, o mga sensitibong paksa:
  • mga bagong sintomas o hamon sa pag-uugali o mood na nagpapaalala sa iyo
    • mga reaksyon sa medikasyon
    • mga tanong sa mga nalalapit na operasyon o procedure
    • ang mga ikinababahala sa prognosis at kung paano mo patuloy na mapagkakaloob ang pinakamabuting pag-alaga habang sumusulong ang kondisyon
    • ang incontinence o iba pang mahirap na pag-usapang mga paksa, kahit na hindi ka komportable na pag-usapan ito

Hindi parating posible na masagot ang lahat ng iyong mga tanong sa isang maiksing appointment – kaya’t dapat mong unahin itanong ang mga mahahalagang tanong

  • Hinggil sa privacy, siguraduhin na tanungin sa iyong kaibigan o miyembro ng pamilya kung aling mga pahintulot ang kailangang naisadokumento sa kanilang medikal na rekord para mapahintulutan ang professional sa pangangalaga ng kalusguan na ibahagi sa iyo ang impormasyon sa pasyente. (Basain ang HIPAA na impormasyon sa ibaba.)
  • Likumin ang lahat ng mga gamot na ginagamit ng iyong kaibigan o miyembro ng kaibigan at ilagay ang mga ito sa isang bag at dalhin sa appointment, o maghanda ng isang listahan, kasama ang mga dosis. Dapat may kasamang mga inireresetang gamot at over-the-counter na mga gamot, at pati na rin lahat ng herbal, vitamin, at mineral supplement.
  • Magdala ng insurance plan at impormasyon tungkol sa provider, kasama ang mga pangalan ng iba pang mga nagkakaloob ng serbisyo sa health care kung kanino kamakailan nagpatingin ang nabanggit na tao.
  • Magdala ng mobile device na may kalendaryo (hal., isang smart phone o tablet) o de papel na pocket calendar, kaya’t ikaw ay makakapag-schedule ng mga panghinaharap na appointment sa lugar mismo.
  • Dalhin ang iyong recording device o notebook at pen.
    • Magtabi g tala ng impormasyon na binigay ng doktor para personal mong mabalik-aralan o mabahagi sa miyembro ng pamilya o kapartner pagkatapos ng appointment.
    • Maraming mga voice recording app ang available para sa mga smart phone at tablet.
    • Dapat mong sabihin sa doktor ang iyong interes para makapagtabi ng isang rekord ng pag-uusap mo at makumpirma na okay lang sa doktor mo na irekord ang pag-uusap ninyo.

Mga Tanong sa Medikal na Appointment

  • Ano ang diagnosis? Ito ba ay isang permanente o reversible na kondisyon? Ito ba ay progresibo (hal. ito ba ay lalala)? Ano ang sanhi ng disorder?

Tandaan na ang doktor ay maaaring naghatid ng impormasyon tungkol sa kondisyong ito ng ilang beses sa iba pang mga pasyente, kaya’t maaaring gawi na ito para sa kanila; para sa iyo ay hindi, at maaaring nakakalito at nagagambala kang marinig ito. Magtanong para maunawaan ang diagnosis.

  • Ano ang mga available na paggagamot? Ano ang mga benepisyo o panganib? Ano ang mas pinipiling pamamaraan, at ano ang posibilidad na magtagumpay ang paggagamot?
  • Ano ang mga side effect ng gamot na inirereseta? Covered ba ng insurance ang medikasyon? Kung hindi, may katumbas bang mabuting gamot sa panel na maaaring gamitin? Mayroon bang hindi masyado mahal na alternatibo? Ang gamot bang ito ay magbibigay ng salungat na epekto sa anumang kasalukuyang ginagamit na gamot ng aking kaibigan o miyenbro ng pamilya? Paano ito dapat gamitin (ano ang mga pagitan, may laman ang tiyan o bago kumain, ng gaano katagal). Gaano kabilis namin maaaring makita ang mga resulta?
  • Ano ang ipapakita ng test na ito? Ano ang kasangkot? May mga panganib o side effect ba? Kinakailangan ba ito? Gaano kabilis namin maaaring makuha ang mga resulta? Covered ba ng insurance ang medikasyon?
  • Kailangan ba namin ng follow-up na appointment? Ano ang pinakamabuting paraan na maabot ka kung may dagdag pa akong mga tanong? Sasagot ba (ang doktor) sa email?
  • Kailangan ko bang magpatingin sa isang espesyalista? Ano ang aming mga opsyon para sa ikalawang opinyon?

Sa Ospital o Emergency Room

Pakikipagkita sa mga clinician

  • Kung ang taong inaalagaan mo ay pinapasok sa ospital, marahil na magpapatingin ka sa mga “hospitalist” (mga doktor na naka-duty sa ospital), hindi sa iyong regular na doktor. Hindi nila kilala ang inaalagaan mo o di sila pamilyar sa kanilang medikal na kasaysayan, maliban sa ano’ng agad na available sa chart.
  • Maaring bumalik sa iyo bilang caregiver para sabihin sa kanila ang kumpletong medical history, mga allergic reaction, mga chronic na kondisyon, mga sintomas, at iba pang mahahalagang mga impormasyon. Maaaring kailangan mo rin magbigay ng mga katulad nitong impormasyon para sa mga nars, physical therapist, mga dietician at iba pa.
  • Kung ikaw ay nag-aalaga sa isang taong may memory disorder, tiyakin na ang hospital staff ay alam ito, at hindi nila kailangang umasa sa iyong kaibigan o miyembro ng pamilya para masabi ang mahahalagan medikal na detalye o medication history. Alamin din na ang mga taong may Alzheimer’s disease o iba pang cognitive disorder ay marahil na malilito at disoriented kaysa sa karaniwan kapag sila’y nasa ospital.
  • Kahit na may shared na electronic na impormasyon sa loob ng ospital, maaaring kailangan mong ulitin ang iyong mga sagot.
  • Dapat alam mo na maaaring tanungin sa iyo kung may POLST (Physicians Orders for Life Sustaining Treatment) o iba pang mga dokumento na may bisa hinggil sa mga nagpapanatiling buhay ang pasyente, at anumang mga desisyon kapag malapit nang pumabaw ang nagawa.

Pagkuha ng mga update at pananatiling may impormasyon

  • Kung di ka puwedeng magpunta sa ospital kapag nag-iikot ang mga doktor, hilingin sa nars ng nag-aasikasong doktor na tawagan ka para sa mga update sa kondisyon ng iyong kaibigan o miyembro ng pamilya.
  • Kapag ikaw ay nakipag-usap sa isang doktor o nars, isulat ang kanilang pangalan at tanungin kung paano sila makakausap kung kinakailangan.
  • Tiyakin na ang lahat ay may mga numero ng telepono mo sa bahay at/o cellphone mo.
  • Kung tumatanggap ng email ang primary care physician mo o ng miyembro ng pamilya, baka gusto mong sabihin sa kanila na ang taong inaalagaan mo ay nasa ospital, at kung bakit siya nandoon. Kung hindi, maaaring magkaroon ng pagkakaantala sa pagtatanggap nila ng nasabing impormasyon.
  • Magtalaga ng isang tao lang ang mamamahala sa pakikipag-usap sa doktor at sa iba pang miyembro ng pamilya. Ang ilang mga website ay magtatakda ng isang grupo para makatanggap ng mga update sa katayuan sa taong inaalagaan mo. Ang dalawang halimbawa ay kinabibilangan ng https://lotsahelpinghands.com at CaringBridge.org.

Paghahanda na ma-discharge

  • Ang proseso ng pag-discharge mula sa ospital o care facility ay madalas na pinapabilis o magulo. Para sa detalyadong payo sa pamamahala ng nasabing transisyon sa pag-aalaga, tingnan ang patnubay ng Family Caregiver Alliance – Hospital Discharge Planning: Isang Gabay para sa Mga Pamilya at Caregiver ( https://www.caregiver.org/tl/resource/pagpaplano-sa-paglalabas-mula-sa-ospital-isang-gabay-para-sa-mga-pamilya-at-caregiver-hospital-discharge-planning-a-guide-for-families-and-caregivers/)
  • Humingi ng isang pagtatantiya kung gaano katagal mamamalagi sa ospital ang taong inaalagaan mo at simulang talakayin ang discharge planning sa lalong madaling panahon habang namamalagi ito sa ospital.
  • Siguraduhin na nauunawaan mo ang lahat ng mga instruksyon kapag oras nang lumabas mula sa ospital. Hilingin na matanggap ang lahat ng mga instruksyon at patnubay na ibinigay sa pamamagitan ng kasulatan. Kung may mga mapagkukuhanan ng video ang ospital para sa mga partikular na gawain (pag-aalaga sa sugat, bilang halimbawa), hilingin sa kanilang magsama ng mga lin doon sa instruksyon sa pag-discharge.

Bilang tagapagtanggol ng iyong kaibigan o miyembro ng pamilya, may karapatan kang i-apela ang desisyon na i-discharge ang tao mula sa ospital kung sa palagaymong masyado pa maaga o kung sa palagay mo na ang pag-discharge sa bahay ay hindi ligtas.

  1. Ang una ninyong hakbang ay makipag-usap sa isang physician at discharge planner at ipahiwatig ang inyong mga ikinababahala. Mabuting ideya na ilagay ito sa isang kasulatan – kahit na sa email o text.
  2. Kung hindi iyon sapat, kailangan ninyong makipag-ugnayan sa Medicare, Medicaid, o sa inyong insurance company.
  3. Ang mga pormal na pag-apela ay pinamamahalaan sa pamamagitan ng natalagang Beneficiary and Family Centered Care Quality Improvement Organization (BFCC-QIO). Para makuha ang iyong numero ng telepono para sa iyong BFCC-QIO, bumisita sa www.Medicare.gov/contacts, o tumawag sa 1-800-MEDICARE.

Mga Transisyon sa Tahanan o Pasilidad: Mga Komunikasyon

Kung ma-discharge sa bahay

  • Ilagay ito sa isang kasulatan. Tiyakin na may nakasulat at nababasang mga discharge na dokumento sa iyong pangunahing wika. Dapat balikan mo ang mga ito kasama ng discharge planner.
  • Sino ang magkakaloob ng pag-aalaga? Kung ang iyong kaibigan o miyembro ng pamilya ay uuwi, sino ang naroroon para tumulong? Kung mayroon kang mga limitasyon sa katawan, trabaho, mga obligasyon sa pag-aalaga ng bata, o iba pang mga factor na makaka-apekto sa iyong kakayahan na mag-alaga, sabihin ito sa discharge staff. Ang mga home health nurse, mga physical therapist, occupational therapist, o in-home aide ay maaaring kailanganin. Tanungin kung paano babayaran ang mga ito.
  • Ano ang mga posibleng problema na dapat mong asahan habang nagpapagaling ang inaalagaan mo?
  • May mga device, equipment, o pamamaraan ba na kailangan na ikaw ay trained? Ang iyong kaibigan o miyembro ng pamilya ba ay kailangan ng pagsusuri sa blood pressure, isang feeding tube, isang catheter, pag-aalaga sa sugat, isang ventilator, mga iniksyon, o kailangan nila ng tulong na lumipat mula sa kama papunta sa chair? Humiling ng masusing training para makapag-alaga ka ng wasto sa bahay.
  • Ikaw ba ay malinaw kung paano gamitin ang mga medikasyon na kailangan ng taong inaalagaan mo? Alam mo ba ang lahat ng mga bagong medikasyon? (Ang mga pagkakamali sa medikasyon ay ang pangunahing dahilan sa muling pagpasok sa ospital.) Mayroon ka bang impormasyon sa mga posibleng side effect?
  • May mga espesyal bang pangangailangan sa diyeta na maaaring pagbigyan?
  • May numero ka ba ng telepono para maka-usap ang staff sa pangangalaga ng kalusguan kung may mga tanong ka makalipas na ma-discharge mula sa ospital? Mayroon bang available na sasagot 24/7?
  • May follow-up appointment bang nagawa sa primary physician ng iyong kaibigan o miyembro ng pamilya?

Kung Discharged sa isang Rehabilitation (Rehab) o Iba Pang Pasilidad

  • Proseso ng pagpili. Paano pipiliin ang pasilidad?
    • May iba pang oportunidad na kumilos bilang isang tagapagtanggol sa taong inaalagaan mo para matiyak na makukuha nila ang pinakamabuting pasilidad na sakop ng kanilang insurance.
    • Makipag-usap sa miyembro o patient services department ng health insurance ng miyembro ng iyong pamilya o iyong kaibigan at humiling ng listahan ng mga karapat-dapat na pasilidad.
  • Ito ba ay nagkakaloob ng mataas na kalidad na pag-aalaga?
    • Kilalanin mo ang proseso at pag-aralan kung ano ang dapat ikonsidera kapag nagsasagawa ng pananaliksik. Ang AARP ay may maraming mga impormasyon tungkol dito, kasama na ang artikulong ito tungkol sa paghahanap ng nursing home. (https://www.aarp.org/caregiving/basics/info-2019/finding-a-nursing-home.html )
    • Hilingin sa mga tao – sa mga professional sa health care, mga kaibigan, pamilya, mga kapitbahay – na magsabi ng kanilang mga pananaw tungkol sa mga pasilidad na nasa listahan mo.
    • Maaari mo rin tingnan ang mga quality rating at iba pang mga pangunahing feature gamit ang interactive Nursing Home Compare toll ng Medicare sa website ng Medicare. ( https://www.medicare.gov/care-compare/?providerType=NursingHome&redirect=true )
    • Kung may panahon ka parating mabuting ideya na bumisita sa isang pasilidad na nakonsidera mo at tingnan ito mismo mag-isa. Ang AARP ay may nakakatulong na checklist na kung ano dapat ang hanapin at magtanong tungkol dito sa pagbisita sa site. (https://assets.aarp.org/external_sites/caregiving/checklists/checklist_nursingHomes.html ). Sa pangkalahatan, mayroon silang ilang mga tip:
      • Tingnan ang pag-aayos sa katawan ng residente. Ngipin, buhok, kuko sa kamay, at damit.
      • Tingnan ang kapaligiran. Kalmado ba? Magulo at maingay?
      • Obserbahan ang staff ng pasilidad. Alam ba nila ang mga pangalan ng residente? Paano sila nakikipag-interasyon sa kanila?
  • Transport. May transportasyon ba ang mga miyembro ng pamilya at mga caregiver papunta sa pasilidad?
  • Mga serbisyo ng pagsasalin-wika. Kailangan mo ba ng interpreter?
  • Pakikipag-ugnayan sa pasilidad. Paano at kailan ibabahagi sa staff ng pasilidad ang impormasyon tungkol sa pasyente?
  • Care team/cross-provider na komunikasyon. Ano ang komunikasyon sa pagitan ng ospital (o emergency room), pasilidad, at ng primary doctor?
  • Tinatantiyang tagal ng pamamalagi. Gaano katagal marahil na mamamalagi sa pasilidad ang inaalagaan mo? (Ang Medicare ay karaniwang covered ang 20 araw ng pag-aalaga makalipas ma-discharge ng direkta mula sa ospital.)
  • Primary doctor sa pasilidad. Ano ang pangalan ng doktor na mamamahala sa pag-aalaga ng iyong kaibigan o miyembro ng pamilya sa pasilidad?
  • Care manager. Sino ang iyong point person sa pasilidad – ang tao na makakausap mo kung mayroon kang mga tanong? Hilingin ang kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan.

Mga Legal na Isyu na Nakaka-apekto sa Mga Caregiver

HIPAA: Ang Health Insurance Portability and Accountability Act

Marahil na narinig mo na ang tungkol sa mga restriksyon ng HIPAA. Ang mga tuntunin ng HIPAA ay nakaka-apekto sa pamamahagi ng impormasyon tungkol sa mga pasyente sa medikal na pag-aalaga. Kahit na noong unang sinimulan ang batas ay nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa dami ng impormasyon na dapat matanggap ng mga pamilya at caregiver tungkol sa medikal na situwasyon ng pasyente, malinaw na ngayon na dapat ibahagi ang impormasyon.

  • Sinabi ng US Department of Health and Human Services: Kung naroon ang pasyente at may kapasilidad na makapagdesisyon mag-isa para sa kaniyang pangangalaga sa kalusugan, maaaring talakayin ng provider sa health care ang impormasyong pangkalusugan ng pasyente sa miyembro ng pamilya, kaibiga, o iba pang tao kung ang pasyente ay sumang-ayon o, kapag nabigyan ng oportunidad, ay hindi tumanggi.
  • Maaari rin ibahagi ng provider sa health care ang impormasyon sa mga taong ito kung, gamit ang propesyonal na pagpapasya, nagdesisyon siya na hindi tatanggi ang pasyente.
  • Anuman ang maging kaso, maaaring ibahagi o talakayin ng provider ng health care ang impormasyon na kailangang malaman ng kabilang na tao tungkol sa pag-aalaga sa pasyente o pagbabayad para sa pag-aalaga. Lalo na kung ikaw ay pinangalanan sa Advance Directive, walang problema dapat para sa iyo na makatanggap ng impormasyon tungkol sa, at magsalita para sa, iyong kaibigan o miyembro ng pamilya. Tiyakin na ang kasalukuyang kopya ng Advance Directive ay nasa file ng pasyente.

Advance Health Care Directives (Mga Paunang Kautusan sa Pangangalaga ng Kalusugan)

  • Ang Advance Health Care Directives (ADHC) ay naglilinaw kung sino ang magsasalita para sa mga pasyente kung hindi nila kayang magsalita para sa kanilang sarili.
  • Maaari rin silang tukuyin sa mga living will, bilang mga proxy sa health care o Durable Powers of Attorney para sa Health Care.
  • Ang mga dokumentong ito ay makukumpleto lang kapag ang tao ay kaya itong gawin (hal. walang dementia).
  • Kabilang sa mga ito ang mga instruksyon sa uri ng pag-aalaga na nais ng mga indibiduwal kung sila ay may malubhang sakit o mamamatay na.
  • Maraming mga opisina ng doktor at ospital ang may mga available na form.
  • Para sa mas maraming detalyadong impormasyon, tingnan ang pinagkukuhanan ng impormasyon at tulong na ito ng Advanced Health Care Directives at POLST na available sa website ng FCA. (https://www.caregiver.org/tl/resource/advance-health-care-directives-mga-paunang-kautusan-sa-pangangalaga-ng-kalusugan-at-polst/)

Mayroon kang karapatan na magkaroon ng interpreter

  • Higit sa 200 iba’t ibang mga wika ang sinasalita sa Estados Unidos, na may humigit kumulang sa 25 milyong katao ang nagsasalita ng Ingles sa isang level na mas mababa sa “mahusay.” At kahit na ang pangunahing wika mo ay Ingles, maaaring mahirap maunawaan ang mga complex na medikal na impormasyon.
  • Para doon sa mga taong iba ang pangunahing wika, at hindi nagsasalita ang doktor mo ng iyong wika, ang pag-uunawa ay mahirap at di imposible – at ang nagreresulta na maling impormasyon ay maaaring nakakamatay.
  • Sa kabutihang palad, batay sa Civil Rights Act of 1964, ang mga pasyente ay may karapatan para sa serbisyo ng isang interpreter – kasama na ang mga sign language na interpreter – kung kakailanganin sa pangangalagang pangkalusugan.
  • Kahit na meron na ngayong mga certification program para matiyak na ang mga interpreter ay may kakayahan na magsalin-wika ng mga dokumento hinggil sa medical/health care, marami pa ring mga pagkakaiba-iba ayon sa estado sa availability ng nasabing mga interpreter.
  • Ang ilang mga pamilya ay gumagamit lang ng kamag-anak para magsalin-wika, pero maliban na lang kung alam nila ang mga terminong medikal na ginagamit, maaaring di iyon ang pinakamainam na opsyon kapag nagdadala ng mga komplikasong impormasyon o kailangang magdesisyon sa paggagamot.
  • Siguraduhin na mag-request ng isang propesyonal na interpreter kung kakailanganin mo nito. Ang mga ospital at clinician ay hinihiling sa ilalim ng batas na ipagkaloob sa iyo ang nasabing serbisyo, kaya’t kung walang available na professional na interpreter, dapat isaayos ng organisasyon ng health care ang mga serbisyo ng pagsasalin-wika sa pamamagitan ng video o telepono.

Caregiver Advise, Record, Enable (CARE) Act

Ang CARE Act ay nakatalaga para matiyak na ang mga ospital ay hindi nagdi-discharge ng mga pasyente nang hindi inihahanda ang mga caregiver ng pamilya. Sa CARE Act, dapat gawin ng mga ospital ang tatlong bagay na ito:

  1. Irekord ang pangalan ng caregiver ng pamilya sa medikal na rekord ng taong inaalagaan mo.
  2. Sabihin sa mga caregiver kung kailan madi-discharge ang kanilang kaibigan o miyembro ng pamilya.
  3. Bigyan ang caregiver ng pamilya ng edukasyon at instruksyon ng mga medica task na kailangan nilang gawin para sa pasyente sa bahay.

Ang CARE Act ay nilagdaan para maisabatas sa karamihang mga U.S. State at pati na rin sa District of Columbia, Puerto Rico, at ang U.S. Virgin Island. Ang AARP (American Association of Retired Persons) ang nagmungkahi ng kautusan na ito at patuloy na nagtatrabaho para gawin itong batas sa bawat estado. Ang maiksing video na ito ay ginawa ng AARP ay isang malawakang pananaw. ( https://videos.aarp.org/detail/video/5793819744001/how-the-care-act-works-%E2%80%94-aarp?autoStart=true&q=How%20the%20CARE%20Act%20Works)

Para sa karagdagang impormasyon sa CARE Act, caregiving advocacy ng AARP, at ang mga tool at mapagkukunan ng impormasyon ng organisasyon para sa mga caregiver, bumisita sa website ng AARP. (https://www.aarp.org/caregiving/local/info-2017/care-act-aarp-wallet-card.html )

Higit pang mga rekumendasyon para sukdulang magamit ang iyong mga komunikasyon sa mga professional sa health care.

  • Nakakatulong sa maraming mga caregiver na magkaroon ng isang medical notebook (electronic man o nasa papel) para sa taong inaalagaan nila. Sa mga notebook na ito, nilalagay ng mga caregiver ang petsa, aktibidad, mga sintomas, mga paggagamot, doktor kung kanino nagpatingin, mga pagbisita sa emergency room, mga darating na appointment, mga gamot – anuman ay makakatulong na masubaybayan ang kondisyon ng iyong kaibigan o miyembro ng pamilya. Kasama rin ang impormasyon na natatagpuan sa web, at mga tanong para sa susunod na medikal na appointment o pag-uusap kasama ng isang clinician o kinatawan para sa health care.
  • Hindi lahat ng medikal na impormasyon sa Internet ay pare-pareho. Ang ilang mga site ay nagbebenta ng mga produkto; ang ilang mga may akda ay walang lehitimong mga credential; ang ilang mga site o group ay nakatuon lang sa masasamang mga kalalabasan o komplikasyon o batay sa di maasahang katibayan ng mga “lunas”.
  • Kunin ang iyong impormasyon mula sa mga pangunahing site ng gobyerno – mga URL ng website na may .gov (hal.National Institutes of Health, National Institute on Aging, MedLine); mga nonprofit na organisasyong tiyak sa sakit (.org); mga kilalang medikal na paaralan (.edu) at mga health care center (hal. Mayo Clinic, Johns Hopkins, Kaiser Permanente); o iba pang mga kilalang pinagkukunan ng may kalidad na impormasyong pangkalusugan.
  • Hinggil sa medikasyon, mahalagang may kumpletong pagpapaliwanag ka ng bakit, paano, gaano karami, at kailan dapat gamitin ang mga gamot – at i-ulat sa doktor ang anumang mga side effect o reaksyon. Ang mga pagkakamali sa gamot ay isang karaniwang sanhi ng muling pagkaka-admit sa mga ospital, at minsan ang mga error ay sanhi ng maling komunikasyon.
  • Ang mga pharmacist ay mabuting dulugan ng impormasyon sa interaksyon ng mga gamot at mga side effect. Ang pang araw-araw na pill organizer at dispenser ay may malaking matutulong sa mga naguguluhang caregiver na maraming mga ginagawa masyado.
  • Kung ang inaalagaan mo ay may dementia, itago at ikandado ang lahat ng mga gamot sa isang ligtas na lugar.
  • Kung hindi ka nasisiyahan sa pag-aalaga, maging direkta sa pagsasabi ng iyong mga pangangailangan – mga tawag man ito sa telepono na di tinawagan pabalik, isang bastos na assistant sa front desk, ang iyong mga ikinababahala ay hindi natutugunan, o di malinaw na mga instruksyon sa paggagamot. Habang ang mga nagtatrabaho sa health care ay parating maraming ginagawa at nagmamadali, kung ang kaibigan o kapamilya mo ay hindi nakakakuha ng sapat na pag-aalaga na kailangan nila, may karapatan kang magsalita at sabihin ito.
  • Kung nababahala ka sa pag-aalaga sa isang rehabilitation o nursing home facility, makipag-ugnayan sa ombudsperson (basahin ang theconsumervoice.org, i-click ang Get Help).
  • Ikaw ay may parehong layunin sa karamihang mga professional sa health care at staff ng pasilidad, para makatanggap ng napakahusay na paggagamot at pag-aalaga. Mas mabuting ang komunikasyon, mas malaki ang posibilidad na makakatanggap ka ng may kalidad na pag-aalaga at makakahanap ng mga sagot na hanap mo.

Mga Karagdagang Makukuhanan ng Impormasyon at Tulong

Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving 
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Pagaaring yaman
: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: www.fca.cacrc.org
Mga Serbisyo ng Caregiver ayon sa Estado: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/ Family Caregiver Alliance (FCA) seeks to improve the quality of life for caregivers through education, services, research, and advocacy. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdaman sa utak na nararanasan ng mga adult.

Iba Pang Mga Organisasyon at Link

National Eldercare Locator
https://www.eldercare.acl.gov

Caregiver Action Network
https://www.caregiveraction.org/

American Association of Retired Persons (AARP)
https://www.aarp.org


Ang impormasyong ito ay na-update at ne-edit para madaling mabasa ni Trish Doherty, at na-review ng Family Caregiver Alliance. Ang mga dulugan para sa impormasyong ito ay kinabibilangan ng Official U.S. Site for Medicare (https://www.medicare.gov), ang U.S. Department of Health and Human Services Health Information Privacy Site (https://hhs.gov/hipaa), ang American Association of Retired Persons (AARP) (https://www.aarp.org), ang Institute on Aging (https://bit.ly/ioagingcaregiving) at Kaiser Health News (https://www.khn.org), ©2021 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.