FCA logo

Advance Health Care Directives (Mga Paunang Kautusan sa Pangangalaga ng Kalusugan) at POLST

Ang Advance Health Care Directive (ADHC) ay nagpapahintulot sa inyong magtalaga ng iba (ahente sa pangangalaga ng kalusugan, attorney-in-fact, proxy, o surrogate) para magdesisyon para sa inyo o kung hindi kayo makakapagsalita para sa inyong sarili. Ito ay tinatawag rin na Durable Power of Attorney for Health Care, Natural Death Act, Directive to Physicians, o isang Living Will. (Medyo iba ang para sa buhay; tiyakin kung ano ang kinikilala sa inyong estado.) Kinikilala ng bawat estado ang SDHC, pero ang bawat estado ay may sariling mga form, dahil ang mga batas ay nag-iiba iba sa bawat isa.

Advance Health Care Directives (Mga Paunang Kautusan sa Pangangalaga ng Kalusugan)

Ano ang Ginagawa dito?

  • Pinapahintulutan ang tao na naitalaga ninyo na magkaroon ng legal na awtoridad na magsagawa ng mga desisyon na may kinalaman sa pangangalaga ng kalusugan para sa inyo kung hindi na ninyong makakayanang makapagsalita nang kusa.
  • Pinapahintulutan kayo na gumawa ng mga tiyak na tagubilin para sa kinabukasan ng inyong pangangalaga sa kalusugan sa kaganapan ng anumang situwasyon na hindi na ninyo magagawang magsalita nang kusa.
  • Kayo ang bahala sa inyong mga desisyon para sa pangangalaga ng kalusugan, basta’t magagawa ninyo ang mga ito, maliban na lang kung iba ang tukuyin ninyo.
  • Ang mga physician at ang inyong ahente ay may obligasyon ayon sa batas na sundin ang inyong mga tagubilin para sa pangangalaga ng kalusugan.

Ang inyong ahente ay may karapatan na:

  • Magdesisyon hinggil sa anumang paggagamot, hindi lang para sa paggagamot para manatiling buhay.
    • Maaari kayong magbigay ng walang limitasyong mga kapangyarihan sa ahente o mas malawak na kapangyarihan sa ahente.
  • Simulang tumulong bago kayo maging baldado o wala nang kakayahang makagalaw kung tiyakin ninyo na ito ang gusto ninyo
  • Pumili o mag-discharge ng mga provider at institusyon sa pag-aalaga
  • Tumanggap o tanggihan ang mga tiyak na paggagamot
  • Alisin o ihinto ang paggagamot para manatiling buhay
  • Magbigay ng anatomical na regalo, hal. donation ng tissue o organ
  • Pahintulutan, bigyan ng limitasyon, o ipagbawal ang autopsy, maliban na lang kung kinakailangan sa ilalim ng batas
  • Direktang pag-aasikaso sa mga labi at magsagawa ng mga plano para sa libing o sa memorial.

Ano ang hindi puwedeng gawin ng inyong ahente:

  • Hindi makakapagsagawa ng mga legal o pinansiyal na desisyon maliban na lang kung binigyan ng nasabing kapangyarihan gamit ang Durable Power of Attorney for Property/Finance
  • Hindi matatanggihan ang mga hakbang para makapagbigay ginhawa sa inyo
  • Hindi maaaring managot sa inyong mga medikal na bill maliban na lang kung ang nasabing tao ay mayroon rin Power of Attorney for Finance
  • Hindi maaaring ma-access ang inyong mga medikal na rekord basta’t kayo ay nagsasagawa ng sarili ninyong mga desisyon sa pangangalaga ng kalusugan. Ang AHCD ay hindi isang pagpapalabas ng impormasyon. Pinoprotektahan ng Health Insurance Portability and Accountability Act (HIPPA) ang inyong privacy maliban na lang kung kayo ay magpalabas ng imormasyon sa gumagamot na physician. Gayunman, ang mga medikal na system ay minsang kumikilala sa AHCD bilan de facto na pagpapalabas ng impormasyon.

Paano ako makakapili ng isang ahente?

  • Ang tao ay dapat 18 taong gulang.
  • Pangalanan ang isang primaryang ahente at dalawang alternatibo sa kasong hindi available ang primaryang tao, ayaw nito, o hindi kayang kumilos sa ngalan ninyo.
  • Hindi kinakailangang isang tao na nakatira sa inyong geographic na area, pero kung hindi malapit sa inyo ang ahente, dapat ay mayroon kayong mga alternatibong mga taong nalalapit sa kaso na may pangangailangan para sa mga kagyat na desisyon at/o pangmatagalang pamahahala ng pag-aalaga.
  • Pumili ng taong mapagkakatiwalaan ninyo; maaaring asawa, kapartner, miyembro ng pamilya, kaibigan.
  • Hindi kinakailangang parehong tao na may power of attorney for finance.
  • Isang taong alam ang inyong mga personal na pinapahalagahan at pinaniniwalaan.
  • Isang taong nakausap na ninyo tungkol sa mga isyung ito.
  • Isang taong may kusa/kayang gawin kung ano ang hilingin ninyo sa kanila, nagkakapareho ang inyong mga pinapahalagahan at pinaniniwalaan tungkol sa medikal na pangangalaga at kamatayan.
  • Hindi puwedeng inyong doktor, propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan, o taong nagtatrabaho sa pasilidad ng pangangalaga ng kalusugan, tulad ng isang nursing home, kung nakakatanggap kayo ng pag-aalaga.

Saan ako makakakuha ng AHCS na form?

  • Ang lahat ng mga ospital at tanggapan ng mga doktor ay may form.
  • Long-term care ombudsman program
  • Mga serbisyong legal para sa senior
  • Impormasyon at referral para sa senior (karaniwang nasa ilalim ng Area Agency for Aging)
  • State medical society
  • Abogado

Paano ko makukumpleto ang mga form?

  • Kinakailangang 18 taong gulang kayo at maayos ang kalagayang mental.
  • Maaari ninyong isulat ang inyong mga ninanais sa pangangalaga ng kalusugan na hiwalay mula sa form at ilakip ito sa AHCD sa kaso na hindi available ang inyong ahente sa isang emergency.
  • Ito ay makakatulong rin sa inyong ahente kapag kailangan ninyang magdesisyon at makakatulong na mabawasan ang di pagkakaunawaan sa pamilya kung may pagtatalo tungkol sa isang desisyon. Lagdaan at petsahan ang anumang mga sheet na nakalakip sa AHCD
  • Hindi kinakailangan ang isang abogado.
  • Kailangan ninyong lagdaan mismo ang form.
  • Kailangan itong masaksihan ng dalawang tao na hindi pinangalanan bilang mga ahente, o hindi ito puwedeng i-notarize.
  • Ang mga saksi ay hindi puwedeng inyong mga ahente o alternatibo, inyong physician, o empleyado ng isang residential o para sa pangangalaga ng kalusugan na pasilidad.
  • Ang isang saksi ay hindi dapat kapamilya ayon sa dugo, kasal, o pagkaka-ampon at hindi dapat karapat-dapat sa anumang parte ng inyong estate.
  • Kung kayo ay isang residente ng isang skilled nursing facility, ang isang saksi ay dapat na tagapagtanggol ng pasyente o naitalaga ng estado na ombudsman.
  • Maaaring baguhin o bawiin kahit kailan ninyong gusto, basta’t may kakayahan pa kayong makapagdesisyon.
  • Ang paglilikha ng isang bagong AHCD ay awtomatikong nagbabawi sa nakaraan ninyong ganito.
  • Kung baguhin ninyo ito, sabihin sa mga kasangkot na panig ang tungkol sa inyong mga ninanais o tungkol sa inyong mga bagong ahente.

Ano ang mangyayari kung wala ako nito?

  • May ibang kailangang magdesisyon kapag hindi ito magawa ng isang may sakit na tao.
  • Ang mga doktor, staff ng ospital, at mga mahal sa buhay ay ginawa ang lubos ng kanilang makakaya.
  • Madalas na nangangahulugan ito ng di pagkakasundo sa ninais ninyo.
  • Kung magdesisyon ang mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan, gagawin nila ang lahat ng kanilang magagawa para mapanatili kayong buhay.
  • Ang pagpasyahan nila ay maaaring hindi ang gusto ninyo.
  • Maaaring magtalaga ang korte ng conservator o guardian para magpasya para sa inyo.

Ano ang aking mga mapagpipilian at hindi mapipili hinggil sa pangangalaga ng kalusugan?

  • Pagtatanggap o paghihinto ng mga hakbang para sa life support, tulad ng mga feeding tube, mga ventilator, defibrillation, dialysis, at CPR.
  • Ang pagtityak ng mga partikular na tagubilin sa pangangalaga ng kalusugan na mayroon kayo hinggil sa pagtatanggap o paghihinto sa nasabing gma bagay tulad ng UTI (urinary tract infection), pneumonia, gamot sa pananakit, mga antibiotic, mga flu shot, pag-oopera, atbp.
  • Maaari ninyong sabihin na hindi ninyo nais ng mga paggagamot na nagpapatagal sa buhay kung hindi ninyo mabawi muli ang kalusugan ng inyong katawan at kaisipan para hindi ninyo kailanganing mamuhay nang may patuloy na pag-aalaga at superbisyon.
  • Maaari rin ninyong sabihin na nais ninyong makatanggap lang ng palliative care o comfort care.
  • O maaari ninyong sabihin na nais ninyong patuloy na mabuhay hangga’t maaari.
  • Maaari ninyong sabihin ang nais ninyong mangyari sa kaganapan ng isang trauma, isang napahabang kalagayan ng kawalan-malay, isang diagnosis ng dementia, atbp.
  • Kayo ay may karapatan na pilitin ang paggagamot, at pati na rin ang karapatan na tumanggi sa paggagamot.
    • Ang bawat muling pangyayari ay makokonsiderang isang bagong paggagamot, tulad ng pagkuha ng pang-araw araw na medikasyon, pagpunta sa dialysis, o paghinga sa ventilator.
  • Maaaring magpakita ang mga doktor ng impormasyon sa “walang silbing medikal” – sinasabi ng doktor sa inyo na ang karagdagang paggagamot ay hindi makakapagbago sa kalalabasan.
  • Bago magdesisyon, kailangan munang talakayin ang mga ito sa isang may lubos na impormasyong propesyonal sa kalusugan at pati na rin sa pamilya, sa pari, atbp.
    • Tanungin kung ano ang maaasahan ninyo sa mga huling araw ng inyong buhay at ano ang dapat asahan ng inyong mga mahal sa buhay kung kayo ay nahaharap sa isang may taning sa buhay na karamdaman.
    • Kung ang inyong provider sa pangangalaga ng kalusugan ay tumangging obserbahan ang inyong nasaad na mga nais o desisyon ng inyong ahente dahil sa inyong konsensya o sa mga patakaran o pamantayan ng institusyon, dapat sabihin sa inyo ng provider o ng ahente kaagad at ayusin na mailipat kayo sa iba pang provider.

Ano ang gagawin ko sa sandaling makumpleto ko na ang AHCD?

  • Gumawa ng maraming mga kopya.
  • Kung mayroon kayong vial of life, mangyaring lagyan ito ng sulat para masabi kung saan nakatabi ang form.
    • Ang vial of life ay available mula sa inyong lokal na fire station (bumbero) o online sa www.vialoflife.com.
    • Naglalaman ito ng mahalagang medikal na impormasyon sa kaso ng isang emergency.
  • Magtabi ng isang kopya sa bahay sa isang lugar na alam ninyo at ng inyong pamilya/mga ahente.
  • Magbigay ng kopya sa inyong ahente at mga alternatibo.
  • Magbigay ng kopya sa mga miyembro ng pamilya na hindi mga ahente para malaman nila ang inyong mga nais.
  • Magbigay ng kopya sa bawat isa sa inyong mga physician.
  • Magbigay ng kopya sa inyong abogado (ang AHCD ay maaaring bahagi ng isang trust o iba pang mga legal na dokumento na nakumpleto ninyo.)
  • Kung magpunta kayo sa ospital o iba pang pasilidad para sa pangangalaga ng kalusugan, magdala ng kopya at ibigay ito sa staff ng ospital.
  • Maglagay ng card o notasyon sa inyong wallet o bag na nakasaad na mayroon kayong AHCD.
    • Ilista ang mga numero ng telepono ng inyong mga ahente.
    • Magdala ng kopya kapag bumiyahe kayo, o ilagay ito sa inyong mga electronic device sa ilalim ng ICE (sa kaso ng isang emergency).
  • Kung kayo ay tumitira nang matagalan sa labas ng estado ng inyong tahanan, kumpletuhin rin ang AHCS para sa ibang estado kung saan kayo nakatira.

DNR: Do Not Resuscitate (Huwag Buhayin)

  • Ito ay isang kautusan ng doktor na nagsasabing hindi ninyo nais na buhayin muli, hal. hindi gawin ang CPR (cardio-pulmonary resuscitation), sa kaganapan na huminto sa pagtibok ang inyong puso o tumigil kayo sa paghinga.
  • Talakayin sa inyong physician ang katayuan ng inyong kalusugan at kung naaangkop ito.
  • Tulad nang kautusan ng doktor, kailangan itong sundin.
  • Kung tumawag ng paramedics at wala kayong DNR (o POLST – tingnan sa ibaba) sa bahay, hinihiling sa kanila ayon sa batas na gawin ang lahat ng makakayanan nila para mabuhay kayo.
  • Kung magpunta kayo sa ospital, maaari ninyong tanungin na “No Code,” na nangangahulugan na hindi ninyo nais na buhayin tulad nang nakasaad sa itaas.

Basahin ang mga fact sheet ng FCA Advanced Illness: CPR and DNR.

POLST: Physician’s Orders for Life Sustaining Treatment

  • Sa ngayon, hindi ito magagawa sa lahat ng mga estado, ngunit parami nang parami ang mga estado na tumatanggap sa form na ito.
  • Tulad nang kautusan ng doktor, kailangan itong sundin.
  • Sumusunod ito saanman kayo magpunta; ito ay balido sa bahay, sa isang nursing home, sa isang nursing home, sa long-term care na pasilidad, at sa ospital.
  • Talakayin sa inyong physician at kumpletuhin ang pagtatabi ng inyong pinakakasalukuyang medikal na kondisyon.
    • Maaaring mabago at ma-update habang nagbabago ang kalagayan ng inyong kalusugan.
  • Nagbibigay ng mga kautusan kung may emergency at sa medikal na personnel, batay sa inyong mga nais, kung aling mga kilos ang dapat gawin sa kaganapan ng isang emergency.
  • Mayroong tatlong antas ng pag-aalaga na maaari ninyong italaga:
    • “Comfort Measures Only” (Pagbibigay Lang ng mga Hakbang sa Pagbibigay Ginhawa)
    • “Limited Additional Interventions” (Limitadong Mga Karagdagang Pamamagitan)
    • “Full Treatment” (Kumpletong Paggagamot)
  • Sinasabi kung ano ang ginagawa ninyo at hindi nais hinggil sa end of life treatment (paggagamot sa pagtatapos ng buhay), hal. mga feeding tube (artificial nutrition), CPR, mga ventilator, antibiotics, atbp.

Pinag-uusapan ito:

  • Kung hindi namin ito planuhin, at ibahagi ang aming mga ideya doon sa mga mahal namin sa buhay, iba ang mamamahala noon sa oras na pinakamahina tayo, pinaka nangangailangan ng pag-uunawa at pagmamalasakit, at pinaka hangad ang dignidad.
  • Maghanap ng oportunidad para kausapin ang mga miyembro ng pamilya tungkol sa inyong mga ninanais, at tungkol rin sa palagay ninyo sa mga desisyon na marahil ay kailangang gawin ninyo o nila. Gumamit ng mga artikulo na galing sa dyaryo, pelikula, mga palabas sa TV, o mga karanasan ng iba bilang mga pambungad sa mga pag-uusap na ito.
  • Maglaro ng “Paano kung…” na Laro—tanungin ang inyong sarili at ang iba kung ano ang gusto nila “kung mangyari ito o mangyari iyon,” halimbawa, “Kung ikaw ay nabangga ng isang bus habang tumatawid sa kalye” o “Kung ikaw ay nagka-stroke at hindi mapakain ang inyong sarili”
  • Madalas na makipag-usap, dahil parehong kayo at ang inyong mga mahal sa buhay ay maaaring magbago ng isip lumaon. Minsan ay pinakamainam na magkaroon ng mas maiiksing pag-uusap nang regular.

Ang ilang mga tanong na maaaring makatulong sa pag-uusap:

  • Ano ang inyong mga kinakakatakutan?
  • Anong mga medikal na paggagamot at pag-aalaga ang matatanggap ninyo?
  • Ano sa palagay ninyo sa pag-aalaga na natanggap ng isang kaibigan kapag nagdurusa sa isang nagbibigay taning sa buhay na karamdaman?
  • Nais ba ninyong buhayin kayo muli kung huminto kayo sa paghinga o kung huminto sa pagtibok ang inyong puso?
  • Ano ang tunay na nangyayari, hinggil sa personal, legal, pinansiyal at medikal na mga ugnayan, kapag namatay ang isang tao, o maaaring malapit nang mamatay? Gusto ba ninyong lubos pang malaman ang maaaring mangyari?
  • Magiging handa ba ang inyong mga mahal sa buhay para sa mga desisyon na gagawin nila?
  • Nais ba ninyong ma-ospital o manatili sa bahay o saanmang lugar kung malubha na ang inyong kalagayan o nagtataning na ang inyong buhay? Alam ba ninyo ang inyong mga opsyon, hal. ospisyo?
  • Paano mababayaran ang inyong pag-aalaga? May iba pang may awtoridad na bayaran ang mga bill para sa inyong pag-aalaga kung hindi ninyo malalagdaan ang sarili ninyong mga tseke?

Mga bagay-bagay na dapat ikonsidera:

  • Mga paniniwala sa relihiyon, pananakit, paghihirap, kalidad ng buhay, kamatayan, at kabilang buhay
    • Makipag-usap sa mga relihiyosong advisor tungkol sa mga ikinababahala sa spiritual na bagay
  • Ang kawalan ng dignidad, hindi maunawaan, sobrang ma-sedate o patuloy na kawalan ng malay, pagiging mag-isa, mamatay sa isang di kilalang lugar
  • Ang pag-iiwan sa mga mahal sa buhay o mga di natapos na proyekto
  • Ang iwanan ang inyong mga mahal sa buhay nang walang sapat na pinansiyal na mapagkukuhan ng tulong
  • Nasa ayos ba ang inyong mga legal at pinansiyal na ugnayan?
  • Mayroon ba kayong will o trust?

Basahin ang mga fact sheet ng FCA Sumusulong na Sakit: Pagpapanatili at Pagbitiw sa Gunita.

Paano kung mayroon nang nabaldado o nawalan ng kakayahan na kumilos?

  • Depende sa grado ng impairment na naranasan ng tao at ang kanilang legal na kakayahan na lumagda sa mga dokumento
  • Kung kayo ay isang responsableng tao, dapat ninyong tanungin sa inyong sarili:
    • Ano ang prognosis?
    • Dahil kilala ninyo ang taong ito, ano ang nais niya sa ganitong klaseng situwasyon?
    • Mayroon bang iba na makokonsulta niya na maaaring may idea rin ng nais niya?
    • Ang ospital ay may ethics committee ba o ibang staff na makokonsulta ninyo para makatulong na maayos ang mga opsyon sa pag-aalaga?
    • Ano ang mga pinansiyal at insurance na benepisyo na maaaring ma-access para makapagkaloob ng pag-aalaga?

Resources

Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving

(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Pagaaring yaman: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login.
Services by State: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/.

Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver, at tumutulong sa mga caregiver sa buong bansa na makahanap ng mga mapagkukuhanan ng tulong at impormasyon sa kanilang mga komunidad. Para sa mga residente ng San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang mga kondisyon sa kalusugan na nararanasan ng mga adult.

Iba Pang Mga Organisasyon at Link

Five Wishes
www.agingwithdignity.org

Ang Five Wishes ay isang dokumento na makakatulong sa inyong maipaliwanag kung paano ninyo nais na mapakitunguhan sa kaganapan na magkasakit kayo ng malubha at hindi makakapagsalita nang mag-isa.

National Hospice and Palliative Care Organization
www.nhpco.org

POLST
May palayon na impormasyong ipinagkakaloob tungkol sa advance care planning tool na ito. Naghahandog ng kasalukuyang POLST program map ayon sa estado at maaaring i-download ang POLST form.
www.polst.org

Nolo
Pantulong sa sarili na legal publisher na maraming mga lathala at mga sample na dokumento para sa POLST AHCD at mga nauugnay na isyu dito.
www.nolo.com


Ang fact sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance. ©2012 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.