Pagpapakilala sa In-Home Care Kapag ang Iyong Kaibigan o Miyembro ng Pamilya ay ‘Umayaw’
Desperado kahit na ang mga caregiver ay maaaring para sa pansamantalang pagpapahinga mula sa kanilang mga responsibilidad sa pag-aalaga, maraming mga inaalagaan ang nag-aatubili sa mga di kilala na pumapasok sa kanilang tahanan para tumulong. Ang tulong ang maaaring maipalagay bilang invasion ng privacy, kawanan ng independensiya, o pagsasayang ng pera. Ngunit ang in-home assistancec ay madalas na kritikal sa paghahandog sa mga caregiver ng pahinga at panahon para makapag-relax at mag-rejuvenate.
May mga paraan para mapadali ang transisyon na ito. Heto ang ilang tips para gawing mas komportable ang miyembro ng iyong pamilya sa in-home na tulong:
1. Simulan ng dahan-dahan.
Simulan sa pamamagitan ng pagpapapunta sa aide ng ilang oras lang kada linggo, tapos ay magdagdag ng mga oras habang pinapatibay ng iyong kaibigan o miyembro ng pamilya ang relasyon sa helper (tumutulong). Kung ikaw ay kompotable sa pagluwas at utusan ang attendant o sa kaniyang paghahanda ng mga pagkain na dadalhin sa iyong bahay, maaari mong simulan na ipagawa ang mga serbisyong iyon, na maaaring gawin sa labas ng bahay.
2. Pakinggan kung ano ang ikinakatakot ng iyong kapamilya at ang mga dahilan kung bakit hindi niya gusto ang in-home na pag-aalaga.
Ipahiwatig ang iyong pag-uunawa sa mga damdamin na iyon. Kung posible, gawing bahagi ang iyong kapamilya sa pagpili ng aide. Mas magiging komportable siya sa magiging desisyon.
3. “Ito ay para sa akin. Alam kong hindi mo kailangan ng tulong.”
Ang pagpapaliwanag na tila ikaw ang may pangangailangan, kaysa sa pangangailangan niya, ay nakakatulong na mapanatili ang kanilang dignidad at independensiya. Maaari mo rin idagdag na kung may makasama siya sa bahay ay magpapahintulot sa iyong hindi ka mag-alala habang wala ka sa bahay kasama niya. Linawin na babalik ka.
4. “Ito ay inireseta ng doktor.”
Ang mga doktor ay madalas na nakikita bilang may awtoridad sa mga bagay-bagay at ang kapamilya mo ay maaaring mas papayag sa tulong kung maramdaman nila na kailangan nila itong gawin.
5. “Kailangan ko ng katulong sa paglilinis.”
Kahit na hindi ito ang totoong dahilan, madalas ang mga tao ay magpapahintulot sa ibang tao na maglinis kapag “hindi nila kailangan” na pag-aalaga para sa kanilang sarili.
6. “Ito ay isang libreng serbisyo.”
Ang estratehiyang ito ay maaaring gumana kung ang iba pang mga miyembro ng pamilya ay nagbabayad para sa home care o kung sa totoo, ito ay ipinagkakaloob ng walang dagdag na bayad. Ang iyong kaibigan o kapamilya ay maaaring mas bukas sa ideya na gamitin ang serbisyo dahil di nila iisipin na binabayaran nila ito.
7. “Ito ang kaibigan ko.”
Sa pamamagitan ng pagkukunwari na ang attendant ay isang kaibigan mo, inuugnay mo ang home care worker sa pamilya. Ito ay makakatulong sa pagtatatag ng tiwala at ugnayan. Masasabi mo rin na ang iyong “kaibigan” ang nangangailangan ng kasama at ang pagpapapunta sa iyong kapamilya ay nakakatulong sa kanila.
8. “Pansamantala lamang ito.”
Ang estratehiyang ito ay depende sa kondisyon ng memorya ng iyong kapamilya. Kung madalas nilang nakakalimutan kung ano ang sinasabi mo, sa gayon ay maaaring nakalimutan rin nila na sinabi mo ito. Sa pagpapakita ng situwasyon bilang panandalian lang, magbibigay ka ng kaunting panahon para makabuo ng relasyon ang iyong kapamilya o maging mas komportable sa home care bilang parte ng kanilang pang-araw araw na routine, at bibigyan ka ng pagkakataon para sa kinakailangang pahinga.
Para sa mas detalyadong impormasyon sa pagkuha sa trabaho para sa iyong tahanan, basahin ang fact sheet ng FCA Pagkuha ng In-Home na Tulong.
Ang tip sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance. ©2012 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.