Pag-aalaga sa Mga Matatandang May Kahinaang Pangkaisipan at Memorya (Caring for Adults with Cognitive Memory Impairment)
Pag-aalaga: Isang Pangkalahatang Trabaho
Ang karamihan sa mga tao ay nagiging caregiver—o nangangailangan nito—sa isang punto ng kanilang buhay. Ang caregiver ay sinumang nagkakaloob ng pangunahing tulong at pag-aalaga para sa taong mahina, may kapansanan, o may sakit at kailangan ng tulong. Ang mga caregiver ay gumagawa ng iba’t ibang mga gawain para tulungan ang ibang tao sa kanilang pang-araw araw na buhay, halimbawa, pagbabalanse ng tseke, pamimili ng grocery, pagtulong sa mga pagbisita sa doktor, pagbibigay ng mga gamot, o pagtulong sa ibang kumain, maligo, o magbihis. Maraming mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan ay hindi isinaalang-alang ang nasabing tulong at pag-aalaga o “caregiving”—ginagawa lang nila ang likas para sa kanila: ang pag-aalaga sa ibang taong mahal nila. Pero ang nasabing pag-aalaga kakailanganin ng ilang buwan o taon, at maaaring magdulot ng emosyonal, pisikal, at pinansiyal na kahirapan sa mga pamilyang nag-aaruga.
Para sa ilan, ang pag-aalaga ay dahan-dahan na nangyayari sa paglipas ng panahon. Para sa iba, ito ay biglaan lang nangyayari. Ang mga caregiver ay maaaring full-time o part-time; naninirahan kasama ang kanilang mahal sa buhay, o nagkakaloob ng pag-aalaga mula sa malayo. Para sa karamihan, ang mga kaibigan, kapit-bahay, at pinakamahalaga sa lahat, ang mga pamilya, ay nagkakaloob—nang walang bayad—ng karamihan ng pag-aalaga.
Maraming mga pamilyang Amerikano ay nag-aalaga para sa isang may edad na may cognitive (utak) na kahinaan. Ang mga taong mayroon cognitive na kahinaan ay may kahirapan sa isa o higit pang mga pangunahing kakayahan ng kanilang utak, tulad ng pananaw, memorya, konsentrasyon, at mga kakayahan sa pagdadahilan. Ang mga karaniwang dahilan ng kahinaang pangkaisipan na kasama ang Alzheimer’s disease at mga nauugnay na dementia, stroke, Parkinson’s disease, pinsala sa utak, tumor sa utak, o may kaugnayan sa HIV na dementia. Kahit na ang bawat kapansanan ay may sari-sariling bukod-tanging mga katangian, ang mga miyembro ng pamilya at mga caregiver ay madalas na nakakaranas ng mga karaniwang problema, situwasyon, at pamamaraan.
Pag-aalaga at Kahinaang Pangkaisipan
Alam natin na ang kahinaan sa pangkaisipan at memorya ay makapagbago kung paano nag-iisip ang isang tao, paano ito kumikilos, at/o paano nakakaramdam. Ang mga pagbabagong ito ay madalas na nagpapakita ng mga espesyal na paghahamon para sa mga pamilya at tagapag-alaga. Ang isang ordinaryong pag-uusap, halimbawa, ay maaaring nakakainis kapag ang inyong mahal sa buhay ay may kahirapan na matadaan nang matagalan kung ano ang mga napag-usapan.
Ang mga indibiduwal na may katamtaman hanggang malubhang dementia o iba pang mga kahinaang pangkaisipan ay madalas na kailangan ang espesyal na pag-aalaga, kabilang ang superbisyon (minsan ay 24 oras), espesyal na mga paraan ng komunikasyon, at pamamahala sa mahirap na pag-aalaga. Maaaring kailangan nila ng tulong sa mga gawain sa pang-araw araw na pamumuhay (tinatawag na “mga ADL”,) tulad nang paliligo, pag-kain, paglipat mula sa kama hanggang sa upuan o wheelchair, pagpunta sa banyo, at/o iba pang mga personal na pag-aalaga.
Mapanghamong Mga Pag-uugali
Ang mga indibiduwal na may kahinaang pangkaisipan ay maaaring makaranas ng isang saklaw ng mga problema sa pag-uugali na maaaring nakaka-inis para sa mga caregiver. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga kahirapan sa komunikasyon, paulit-ulit ng mga sinasabi (pagkahumaling sa/pag-uulit ulit ng isang ideya o gawain), agresibo o biglaang mga pag-uugali, paranoia, kakulangan ng motibasyon, mga problema sa memorya, hindi mapigilang pag-ihi o pagdumi, di mabuting pagpapasya, at pagala-gala. Ang ilang mga tao ay maaaring bumuo ng mga problema sa pag-uugali nang maaga pa lang, habang ang iba pang maaaring magpatuloy sa kanilang sakit nang kakaunti lang ang mga isyu. Ang karamihan sa mga taong may kahinaang pangkaisipan ay nasa gitna – mayroong magagandang araw at mga hindi mabuting araw (o kahit na mabuti o hindi mabuting mga sandali). Ang umasang mayroong mga maganda at di-magandang pangyayari, at manatiling matiyaga, may awa, at sikaping maging palatawa ay makakatulong sa inyong makaraos nang mas mabisa sa isang mahirap na pag-uugali. Mahalagang tandaan na ang sakit, at hindi ang tao, ang sanhi ng pag-uugali.
Ang mga nakakatulong na mungkahi para sa pamamahala ng mga problemang ito ay kinabibilangan ng mga pamamaraan ng komunikasyon, tulad ng pananatiling simple ng pananalita at isa-isang pagtatanong. Isa-isahin ang mga gawain at tanong. Halimbawa, sa halip na magtanong, “gusto ba ninyong pumasok at umupo at mag-meryenda muna?”, gumamit ng mga simpleng pahayag tulad ng, “umupo po kayo dito,” at “heto mag-meryenda muna kayo.” Maglaan ng kaunting panahon para makatugon sa bawat tanong at kahilingan.
Ang pag-gala at hindi mabuting pagpapasya ay maaaring maghudyat ng pangangailangan para sa 24 oras na superbisyon. Tiyaking suriin ang checklist para sa kaligtasan sa bahay at alamin kung kanino dapat makipag-ugnayan sa inyong komunidad sa kaso ng isang emergency. Kung problema ang pag-gala o agresibong mga pag-uugali, maaaring kailangan ninyong makipag-ugnayan sa mga sistemang pang-emergency, pulis, bumbero o mga medikal. (Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang mga fact sheet ng FCA Caregiver’s Guide to Understanding Dementia Behaviors, at Dementia, Caregiving, and Controlling Frustration.)
Sampung Hakbang Para Makapagsimula Kayo
Maging kayo man ay naging isang caregiver ng unti-unti o biglaan, maaaring maramdaman ninyo na nag-iisa kayo, hindi kayo handa, at labis-labis ang inaasahan mula sa inyo. Ang mga damdaming ito, at pati na rin ang ibang mga emosyon—takot, kalungkutan, pagkabalisa, konsensya (guilt), pagkayamot, at kahit na galit—ay normal, at maaaring magpabalik-balik na maramdaman sa oras na nagkakaloob kayo ng pag-aalaga. Kahit na tila hindi posibe, kasama ng mga hamon ay darating rin ang mga hindi inaasahang mga regalo sa pag-aalaga—pagpapatawad, awa, lakas ng loob—na maaaring mapagaan ang paghihirap at gawin itong pag-asa at paggaling.
Ang bawat pamilyang nagbibigay ng pag-aalaga ay humaharap sa mga bukod-tanging pangyayari, pero ang ilang mga pangkalahatang pamamaraan ay makakatulong sa tahakin ang landas sa hinaharap. Bilang isang bagong manlalakbay sa bagong daan, mainam na mag-aral nang husto tungkol sa kabuuan nito at bumuo ng isang plano na angkop, na may kakayahang isaalang-aang ang mga pagbabago sa daan. Sa ibaba ay ang sampung mga hakbang para makatulong sa inyong itakda ang landas.
1 Hakbang: Magtatag ng pundasyon. Ang pagtatatag ng pamantayan ng impormasyon ay isang paghahanda para sa paggawa ng desisyon sa kasulukuyan at panghinaharap. Makipag-usap sa inyong mahal sa buhay, mga kapamilya at mga kaibigan: Ano ang “normal” na gawain ng aking Nanay? Ano ang pinagbago niya? Gaano katagal na niyang nakakalimutan na inumin o gamitin ang kaniyang gamot? Kailan siya huminto sa pagbabayad ng kaniyang mga bayarin? Ang mga sagot sa tanong tulad ng mga ito ay nakakatulong na makagawa ng isang larawan kung ano ang nangyayari at gaano katagal. Ang pangunahing impormasyong ito ay hindi lamang nagbibigay sa inyo ng makatotohanang pananaw sa situwasyon, pero nagkakaloob rin ng mahalagang pundasyon para sa mga propesyonal na maaaring tawagin para makapagsagawa ng mas pormal na pagsusuri.
2 Hakbang: Kumuha ng isang medikal na pagsusuri at diagnosis. Lubos na mahalagang na ang inyong mahal sa buhay ay kumuha ng isang komprehensibong medikal na eksaminasyon mula sa isang kuwalipikadong grupo ng pangangalagang pang-kalusugan na sinusuring maigi ang pisikal at pangkaisipan na kalusugan. Maraming mga medikal na kondisyon ay magdudulot ng mga sintomas tulad ng dementia, tulad ng depresyon at mga epekto ng iba’t ibang gamot. Madalas, ang mga kondisyong ito ay maaaring masalungat kung maagapan ang mga ito. Dagdag pa dito, ang mga bagong paggagamot para sa sakit tulad ng Alzheimer’s at Parkinson’s disease ay pinakamabisa sa maagang yugto ng sakit na ito. Ang nakumpirmang diagnosis ay mahalaga sa wastong pagpapasya sa mga pagpipilian sa paggagamot, kilalanin ang mga panganib, at pagpaplano sa hinaharap. Dalhin ang inyong mahal sa buhay sa isang memory disorder clinic, kung mayroon nito sa inyong komunidad, para makakuha ng wastong diagnosis.
3 Hakbang: Turuan ang inyong sarili, ang inyong mahal sa buhay at ng inyong pamilya. Nagbibigay kapangyarihan ang impormasyon. Makipag-usap sa mga doktor, mga propesyonal sa kalusugan at serbisyong panglipunan at mga tao na dumadaan sa mga katulad na karanasan. Magbasa ng mga libro at brochure. Magsagawa ng pananaliksik at library at sa Internet. Alamin kung paano sumusulong ang sakit, ang antas ng pag-aalaga na kakailanganin, at ano ang mga mapagkukuhanan ng impormasyon na handang magagamit para makatulong Magtabi ng isang kuwaderno at file folder sa ng impormasyong nakokolekta na maaari ninyong sangguniin kapag kinakailangan. Ang kaalaman ay magpapalakas sa inyong tiwala sa sarili at maaaring mabawasan ang pagkabalisa at takot sa paghaharap sa walang katiyakan. (Basahin ang FCA fact sheet sa Caregiving at Home: A Guide to Community Resources para sa mas maraming impormasyon sa paghahanap ng tulong sa inyong komunidad.)
4 Hakbang: Pagpasyahan ang mga pangangailangan ng inyong mahal sa buhay. Ang mga kagimitan sa pagsusuri ng pangangalaga ay kinabibilangan ng iba’t ibang mga questionnaire at pagsusulit na denisenyo upang tukuyin ang antas ng tulong na kailangan ng isang tao at para itatag ang kanilang mga personal na kagustuhan sa pagaalaga (hal. paliligo sa umaga kaysa sa hapon). Magkaiba ang bawat situwasyon. Habang ang isang tao na nag-uumpisa pa lang sa mga yugto ng Alzheimer ay maaaring kailangan na tulong sa pamimili ng grocery at pagbabayad ng mga bayarin, habang ang isa naman na nasa huling yugto ay maaaring magkaroon ng mga problema sa pagbibihis, pagkain, at kalinisan.
Karaniwang isinalang-alang ng mga pagsusuri kahit man lang sa mga sumusunod na kategorya:
- Personal na pag-aalaga: paliligo, pag-kain, pagbibihis, paggamit ng banyo, pag-aayos ng sarili
- Pag-aalaga sa bahay: pagluluto, paglilinis, paglalaba, pamimili, mga bagay na may kinalaman sa pananalapi
- Pag-aalaga sa Kalusugan: pamamahala sa gamot, mga pagbisita sa manggagamot, physical therapy
- Emosyonal na pag-aalaga: pagiging kasalo, mga makabuluhang gawain pakikipag-usap
- Pangangasiwa: pangangasiwa sa kaligtasan sa tahanan at pag-iwas sa pag-gala
Ang ilang mga ospital, Area Agencies on Aging (AAAs), mga ahensya sa lungsod o county, Caregiver Resource Centers, o iba pang mga organisasyon o pribado ay naghahandog ng mga pagsangguni at pagsusuri na ginawa para lamang sa mga mas nakakatanda (tinatawag na geriatric o needs assessment) ng mas mura ang gastusin. Ang isa pang pagpipilian ay ang pagkuha ng may bayad na isang geriatric care manager o lisensyadong clinical social worker. (Basahin ang Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon para sa tulong na makahanap ng tao na malapit sa inyo.) Ang mga propesyonal na ito ay maaaring makatulong sa paggabay sa inyo sa pinakamainam na pag-aalaga sa inyong lugar, payuhan kayo sa mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong sa komunidad, tumulong sa pag-aayos ng mga serbisyo, at bigyan kayo at ang inyong mahal sa buhay ng patuloy at kaalaman sa buong itatagal ng karamdaman.
5 Hakbang: Gumawa ng balangkas ng plano sa pag-aalaga. Sa sandaling ang inyong mahal sa buhay ay nakatanggap ng isang diagnosis at nakakumpleto ng isang pagsusuri, mas madali para sa inyo, na posible sa pamamagitan ng tulong ng isang propesyonal, para makapag-ayos ng isang plano sa pag-aalaga—isang pamamaraan para makapagkaloob ng pinakamainam na pag-aalaga para sa inyong mahal sa buhay at sa inyong sarili. Mabuting ideya na maglaan ng kaunting panahon para pag-isipan ang parehong panandalian at pangmatagalan na mga pangangailangan.
Ang planong ito ay parating isang “trabahong nagpapatuloy”, dahil ang mga pangangailangan ng inyong mahal sa buhay ay magbabago lumaon. Para makapagsimulang bumuo ng isang plano, una ay ilista ang mga bagay na kaya ninyong gawin, may oras kayong gawin, at handang gawin. Tapos ang ilista ang mga bagay na nais ninyong gawin o kailangan ninyo ng tulong, ngayon o sa darating na panahon. Susunod, ilista ang lahat ng inyong “hindi pormal na suporta”—yan ay mga kapatid, iba pang mga miyembro ng pamilya, mga kaibigan, mga kapit-bahay—at isipin kung paano makapagkakaloob ang bawat tao ng tulong. Ilista ang anumang mga pakinabang at di pakinabangan na maaaring kasangkot sa paghihingi ng tulong sa mga taong ito. Isulat ang mga ideya para makaraos sa mga di kasiya-siyang kalagayan. Ulitin ang listahan para sa “pormal” na suporta (hal. mga serbisyo ng komunidad, bayad na mga home care worker, mga day program).
Mahalagang magtakda ng oras para sa anumang kilos o gawain na nakaplano. At mainam din na magkaroon ng back-up na plano kung may mangyari sa inyo, para sa parehong panandalian at pangmatagalan.
6 Hakbang: Tingnan ang pananalapi. Mas gusto ng karamihan na panatilihing pribado ang kanilang pinansiyal na ugnayan. Para maihanda at maipagkaloob ang pinakamainam na pag-aalaga sa mahal sa buhay; gayunman, kailangan ninyong maunawaan nang husto ang kanilang mga pinansiyal na pag-aari at pananagutan. Ang transisyon na ito ay maaaring hindi komportable at mahirap. Isaalang-alang ang pagkakaroon ng isang abogado o financial planner para tulungan kayo sa proseso (basahin ang FCA) fact sheet Legal Planning for Incapacity). Ang tulong mula sa mga sanay na propesyonal ay maaaring magbawas sa tensiyon sa pamilya, kung ang hangarin ay makapagkaloob sa inyo ng propesyonal na pagsusuring pinansyal at payo. Subukan na isama ang inyong mahal sa buhay hangga’t maaari sa prosesong ito.
Ang kasunod ay ang pag-buo ng listahan ng mga pinansiyal na pag-aari at pananagutan; mga checking at savings account, kita mula sa Social Security, mga certificate of deposit, mga stock at bonds, real estate deeds, mga polisiya ng insurance at annuities, retirement o pension na benipisyo, mga utang sa credit card, mga pagsasangla sa bahay at mga utang, at marami pang iba. Pinakamainam na itabi ang lahat ng mga rekord na ito sa isa o dalawang lugar, tulad ng isang safety deposit box at isang home file cabinet, at regular na baguhin ang mga ito. Magtabi ng isang rekord kung kailan maaasahan ang papasok na pera at kung kailan bayaran ang mga bayarin. Maaaring kailangan ninyong magtatag ng isang sistema para mabayaran ang bayarin—marahil na kailangan ninyong magbukas ng isang bagong checking account o idagdag ang inyong pangalan sa kasalukuyan nang ginagamit.
7 Hakbang: Suriin ang mga legal na dokumento. Tulad ng mga pananalapi, ang mga legal na bagay-bagay ay maaari ring isang paksang sensitibo ngunit kinakailangang tatalakayin. Ang malinaw at legal na nagbibigay pananagutan na mga dokumento ay nagtitiyak na ang mga kagustuhan at desisyon ng inyong mahal sa buhay ay maipapatupad. Ang mga dokumentong ito ay maaaring magbigay pahintulot sa inyo o sa ibang tao na magsagawa ng legal, pinansiyal at para sa desisyon ukol sa pag-aalaga ng kalusugan sa ngalan ng iba. At minsan pa, ang pagkakaroon ng abogado ay maaaring magpalabas sa isyu at mamahala sa anumang kinakailangang mga papeles na maaalis ang malaking alalahanin mula sa inyo, at pati na rin magkaloob ng kasiguruhan na kayo ay legal na handa sa mga magaganap sa hinaharap. (Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga uri ng legal na dokumento, basahin ang FCA fact sheet sa Legal Planning for Incapacity.)
Ang iba pang mga legal na dokumento na dapat ninyong hanapin at ilagay sa isang madaling mahanap na lokasyon ay kinabibilangan ng mga Social Security number, birth, marriage at death certificates, mga divorce decree at property settlement, military record, mga income tax return, at wills (kasama ang pangalan ng abogado at executor), mga trust aggreement, at mga burial agreement. (Basahin ang FCA worksheet/form sa Where to Find My Important Papers.)
Sa isang punto, maaaring kailangan ninyong pagpasyahan ang pagiging karapat-dapat para sa nasabing mga pampublikong programa tulad ng Medicaid. Makakatulong na makipag-usap sa isang espesyalista sa elderlaw. Ang impormasyon tungkol sa murang serbisyong legal para sa nakakatanda ay maaaring makuha sa pamamagitan ng Area Agency on Aging sa inyong komunidad.
8 Hakbang: Gawing ligtas ang inyong tahanan. Madalas na natututunan ng mga caregiver sa pamamagitan ng pagsubok at pagkakamali, ang pinakamainam na mga paraan para makatulong sa may kahinaang kamag-anak na mapanatili ang mga gawi sa pag-kain, paglilinis ng katawan at kapaligiran, at iba pang mga gawain sa bahay. Maaaring kailangan ninyo ng espesyal na pagsasanay sa paggamit ng assistive equipment at sa pamamahala ng mahirap na pag-uugali. Mahalaga rin na sumunod sa isang checklist sa kaligtasan:
Maging may kamalayan sa mga posibleng pinsala mula sa:
- Ang mga peligro sa sunog tulad ng mga kalan, iba pang mga kasangkapan, sigarilyo, mga lighter, at posporo.
- Mga matutulis na gamit tulad ng mga kutsilyo, razor, at karayom na panahi.
- Mga lason, gamot , mapepeligrong mga produktong pang-sambahayan
- Mga maluwag na alpombra, muwebles, at mga may nakaharang mga daanan
- Hindi sapat na pailaw
- Temperatura ng water heater—ayusin ang setting para maiwasan ang pagkakapaso mula sa mainit na tubig
- Mga kotse—huwag pahintulutan ang isang taong may anumang kahinaan na magmaneho
- Ang mga bagay sa labas ay maaaring maging sanhi ng pagkakahulog, tulad ng mga hose, tools, mga gate, hindi pantay na semento
- Maluluwag na gamit at sapatos na maaaring maging sanhi ng pagkahulog
Siguraduhing magbigay ng:
- Mga emergency exit, mga kandado para maging ligtas ang bahay, at kung kinakailangan, mga alarm sa pinto o identification bracelet at kasalukuyang litrato sa kaso na gumala-gala ang inyong mahal sa buhay.
- Mga hawakan (grab bar at grips) sa banyo, non-skid rugs, mats, paper cups kaysa sa babasaging baso.
- Ang superbisyon ng pag-kain para matiyak ang wastong nutrisyon, at para mabantayan ang pagkain ng sobra o kakaunti.
- Ang mga emergency na numero ng telepono at impormasyon
- Pagbabantay sa gamot
- Superbisyon ng paggamit ng alcohol at droga para maiwasan ang pagkakahulog at wastong nutrisyon.
9 Hakbang: Makipag-ugnayan sa iba. Sumali sa support group na mag-uugnay sa inyo sa iba pang mga caregiver na humaharap sa mga katulad na pangyayari o kalagayan. Suportahan ang mga miyembro ng grupo na nagkakaloob sa isa’t isa ng social at emosyonal na suporta, at pati na rin ang praktikal na impormasyon at payo tungkol sa mga lokal na mapagkukuhanan ng tulong at impormasyon. Ang mga support group ay nagkakaloob rin ng ligtas at lihim na lugar para sa mga caregiver na mailabas ang mga kinayayamutan, magbahagi ng mga ideya, at matuto ng mga bagong pamamaraan sa pag-aalaga. Kung hindi kayo makakalabas ng bahay, ang mga online support group ay naghahandog ng mga pagkakataong makipag-ugnayan sa iba pang mga caregiver sa buong bansa. (Basahin ang Mga Mapagkukuhanan ng Tulong at Impormasyon sa ibaba para makahanap ng support group.) Ang isa pang paraan para makipagkita sa ibang dumadaan sa kaparehong karanasan ay ang pagdadalo sa mga espesyal na workshop o miting na itinataguyod ng mga organisasyon tulad ng mga lokal na chapter ng Alzheimer’s Association o Multiple Sclerosis Society.
10 Hakbang: Alagaan ang inyong sarili. Kahit na ang hakbang na ito ay ipinapakita sa katapusan ng listahan, ito ang pinakamahalagang hakbang. Ang pag-aalaga ay nakaka-balisa, lalo na doon sa mga nag-aalaga sa mga taong may dementia. Ang mga caregiver ay marahil na mas nanganganib na magkaroon ng depresyon, sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo at iba pang mga talamak na sakit, at pati na rin ang kamatayan. Ang mga caregiver ng mga taong may dementia ay mas nanganganib sa hindi magandang kalusugan. Ang sumusunod na simple at karaniwang pang-iwas na pag-aalaga sa kalusugan at pag-aalaga sa sarili ay makakapagpahusay sa inyong kalusugan at sa inyong kakayahan na magpatuloy sa pagkakaloob ng pinakamainam na pag-aalaga sa inyong mahal sa buhay.
Ugaliin ang pag-e-ehersisyo araw-araw. Ang pagsasama ng kahit na kaunting regular na ehersisyo sa inyong pang-araw araw na gawi ay may malaking benepisyo sa inyo—maaari nitong mapahusay ang inyong pagtulog, mabawasan ang stress at mga negatibong emosyon, makapagpahinga sa tensiyon sa kalamnan, at magiging mas alerto ang pag-iisip at antas ng enerhiya ninyo. Pinapakita sa mga pinakahuling pananaliksik ang mga benepisyo sa kalusugan mula sa paglalakad ng 20 minuto sa isang araw, tatlong araw sa isang linggo. Kausapin ang inyong doktor para malaman ang routine sa ehersisyo na pinakamainam para sa inyo.
Kumain ng masutansya na pagkain at meryenda. Ang mga caregiver ay madalas na sumasailalim sa hindi magagandang gawi sa pag-kain—ang pagkain ng sobra o kakaunti, ang pagmemeryenda ng mga junk food, hindi pagkain sa tamang oras at iba pa. Ang kadalasan sa pagkain ay siyang kinagawian, kaya’t siguraduhin kada-linggo na magdagdag ng bagong gawi sa pagkain. Halimbawa, kung ang almusal ay isang simpleng tasa ng kape lang, subukan na dagdagan ng isang mainam sa kalusugan na pagkain—isang piraso ng sariwang prutas, isang baso ng juice, tostadang whole-grain na tinapay. Naiipon-ipon ang maliliit na mga pagbabago, at tunay na maisasali sa pang-araw araw na kinagawian.
Matulog nang sapat na oras. Maraming mga caregiver ang nagdurusa mula sa talamak na kakulangan sa tulog na nagreresulta sa pagkapagod, pagkahapo, at mababang antas sa kasiglahan. Ang bumabang kasiglahan ng katawan ay nakaka-apekto sa ating emosyonal na pananaw, dumarami ang ating mga negatibong damdamin, tulad nang pagiging mayamutin, kalungkutan, galit, pagiging palaging negatibo, at stress. Sa karamihan ay nararapat ang anim hanggang walong oras ng tulog sa loob ng isang araw. Kung hindi sapat ang tulog ninyo sa gabi, subukan na umidlip sa araw. Kung posible, ayusin para makakuha ng kahit man lang isang gabing sapat ang tulog sa isang linggo o ilang oras ng tulog sa buong maghapon. Kung ang taong inaalagaan ay gising sa gabi, ayusin para magkaroon ng kahaliling pag-aalaga o kausapin ang kaniyang manggagamot tungkol sa gamot na pantulog.
Kumuha ng mga regular na medikal na eksamen. Kahit na parati ninyong natatamasa ang mabuting kalusugan, ang pagiging caregiver ay nagpapataas sa panganib para sa inyo na magkaroon ng ilang mga problemang pangkalusugan. Ang regular na medikal (at dental) na mga eksamen ay mahalagang mga hakbang para mapanatiling malusog ang katawan. Sabihin sa inyong doktor kung ang inyong tungkulin bilang isang caregiver at kung paano kayo nakakaraos. Ang depression ay isang karaniwan at nagagamot na sakit. Kung nakakaranas kayo ng mga sintomas tulad ng paulit-ulit na kalungkutan, kawalan ng malasakit, at kawalan ng pag-asa, sabihin ito sa inyong doktor. (Basahin ang fact sheet ng FCA na Depression and Caregiving.)
Maglaan ng panahon para sa inyong sarili. Ang paglilibang ay hindi isang karangyaan, ito ay kinakailangan para “muling ibalik”— o papanumbalikin ang inyong sarili. Kahit man lang isang beses sa isang linggo sa loob ng ilang oras, kailangan ninyo ng kaunting panahon para sa inyong sarili—para makapagbasa ng isang libro, lumabas para mananghalian kasama ang isang kaibigan, o maglakad-lakad. (Basahin ang fact sheet ng FCA Taking Care of YOU: Self-Care for Family Caregivers para sa mga nakakatulong na tip.)
Pagpahinga: Ang Susi sa Pagpigil sa Caregiver Burnout
Kung kayo ay nag-aalaga sa isang taong may dementia, mas malaki ang peligro na hinaharap ninyo para sa mga problemang pangkalusugan kaysa ibang mga caregiver. Lalo kayong mas may panganib na sobrang pagkapagod ang isang caregiver—isang katayuan ng sobrang pagkapagod ng pag-iisip at ng katawan na sanhi ng mga pisikal, pangkaisipan, emosyonal at/o pinansiyal na stress ng pagkakaloob ng patuloy na pag-aalaga, na karaniwan sa loob ng matagal na panahon. Kabilang sa mga sintomas ang kahirapan sa pag-tutok, pagkabalisa, pagiging mayamutin, mga problema sa pagtutunaw ng pagkain, depression, mga problema sa pagtulog, at di pakikisalimuha. Ang sobrang pagkapagod ng caregiver ay nilalagay kayong pareho ng inyong mahal sa buhay sa panganib. Ito ang isa sa pinakamadalas na nababanggit na dahilan para sa mga caregiver sa paglalagay ng isang mahal sa buhay sa isang nursing home o iba pang pangmatagalang pasilidad.
Ang isa sa pinakamabisang paraan para maiwasan ang lubusang pagkapagod ng caregiver ay ang pag-aalaga sa mga pangangailangan para sa kalusugan ng katawan, at pati na rin ang inyong mga pangangailangan sa kalusugan ng kaisipan at pakikipagkapwa. Ang mahalaga para matugunan ang mga pangangailangan na ito ay magtakda ng regular na oras ng pahinga mula sa inyong mga tungkulin sa pag-aalaga. Kung wala kayong kapit-bahay, miyembro ng pamilya, o malapit na kaibigan na makakapagkaloob ng maaasahang tulong linggo-linggo, maghanap ng mga respite services sa inyong komunidad (Basahin ang Mapagkukuhanan ng Tulong at Impormasyon sa ibaba.)
Ang respite ay literal na nangangahulugan na pahinga—isang pahinga mula sa mga mahirap na gawain ng pag-aalaga. Ang respite ay maaaring isaayos para sa iba’t ibang haba ng oras—ilang oras, buong magdamag, Sabado’t Linggo, o kahit na isang linggo o higit pa. Maaari itong ipagkaloob sa inyong sariling bahay o sa isang pasilidad tulad ng adult day care o isang nursing home. Ang mga in-home attendant ay maaaring kuhanin ng isang ahensya, may sariling hanap-buhay, o mga boluntaryo. Ang respite care ay maisasaayos nang pribado ng may bayad, binabayaran ng ilang mga pangmatagalang pag-aalaga na insurance policy, o minsan ay ipinagkakaloob ng gobyerno o ng mga pribadong organisasyon.
Paghahanap ng mga Mapagkukuhanan ng Tulong at Impormasyon para sa Caregiver
Ang bilang ng mga serbisyo para sa mga matatandang may kahinaang pangkaisipan, ang kanilang mga pamilya at caregiver ay dumarami, ngunit sa ilang mga komunidad, ang mga ahensya ay maaaring mahirap na matagpuan. Isang mabuting lugar saan makakapagsimula ay ang Eldercare Locator, isang libreng serbisyo sa buong bansa na nilikha para makatulong sa mga mas nakakatanda at sa mga caregiver nila para makahanap ng mga serbisyo sa kanilang komunidad. Ang Family Caregiver Alliance ay naghahandog rin ng tulong. (Basahin ang Mga Mapagkukuhanan ng Tulong at Impormasyon para sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan.)
Isaalang-alang ang pakikipag-ugnayan sa mga senior center, mga independent living center, Area Agencies on Aging, mga lokal na sangay ng pambansang mga organisasyon at mga foundation tulad ng Alzheimer’s Association, Brain Injury Association, Multiple Sclerosis Society, Parkinson’s na mga grupo, at iba pa. Nursing home ombudsman programs, mental health centers sa komunidad, social service o case management agencies, mga paaralan para sa nursing, at grupo sa simbahan ay maaaring iba pang mga mapagkukuhanan ng tulong. Sa California, ang regional Caregiver Resource Centers ay naghahandog ng mga impormasyon at serbisyo. Karamihan sa mga organisasyong nagbibigay ng grupong suporta ay nakalista sa phone book sa ilalim ng “Social Services” o “Seniors”, at marami ay matatagpuan sa Internet. Tuwing kayo ay nakikipag-usap sa iba, humingi ng mga referral at ng mga numero ng telepono ng ibang maaaring makatulong sa inyo.
Mga Online na Mapagkukuhanan ng Tulong at Impormasyon
Ang Internet ay nagbibigay ng napakaraming mga impormasyon para sa mga caregiver, mula sa misyon ng organisasyon at impormasyon sa pakikipag-ugnayan hanggang sa mga online na support groups, hanggang sa mga artikulo tungkol sa pagtatagumpay laban sa mga hamon ng pag-aalaga. Ang karamihan sa mga pampublikong library, mga unibersidad, at maraming mga senior center ay may mga computer at Internet access na available para magamit nang libre ng publiko. Kung hindi ninyo alam kung paano gumamit ng computer o kung paaano ma-access ang Internet, huwag mahiya—ang mga kawani ng organisasyon na sanay kung paano makuha ang mga impormasyon na hinahanap ninyo. Sa sandaling makapunta kayo sa isang search engine tulad ng Yahoo o Google, i-type ang mga termino na hinahanap—ang pangkalahatang impormasyon na hinahanap ninyo, tulad ng, “adult day care Sacramento, California” o “Alzheimer’s disease support groups, at karaniwan ay makakakuha kayo ng ilang mga mapagpipilian. Kung hindi kayo magtagumpay sa unang pagkakataon, subukan na baguhin ang mga termino sa paghahanap, tulad ng “respite care Sacramento California” o “caregiver support groups.”
Isang babala sa pag-iingat lamang: tulad ng anumang nakalathalang materyal, basahin nang may malinaw na pag-aalinlangan—dahil nasa Internet ito, hindi ibig sabihin na totoo ito. Kung may pagdududa, tingnan ang impormasyon sa iba pang independiyenteng mapagkukuhanan ng impormasyon at kausapin ang doktor ng inyong mahal sa buhay bago magpatuloy, lalo na hinggil sa mga gamot. Tandaan, dahil na tinatawag na “natural” o “herbal” ang isang produkto, hindi ito nangangahulugan na hindi ito nakakasama, lalo na kapag hinalo sa ibang mga gamot.
Mayroong mga ilan pang mapagkukuhanan ng tulong at impormasyon ng caregiver para sa inyo—ang kailangan lang ninyong gawin ay humingi ng tulong. Hindi ninyo ito kailangang gawin nang nag-iisa.
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdamang pangkalusugan na nararanasan ng mga adult.
Fact at Tip Sheets ng FCA
Isang listahan ng lahat ng mga fact at tip ay available online sa https://www.caregiver.org/tagalog/.
- Dementia, Caregiving, and Controlling Frustration (Sa Ingles)
- Legal Planning for Incapacity (Sa Ingles)
Iba Pang Mga Organisasyon at Link
Mga Serbisyo ng Gobyerno
Administration for Community Living
www.acl.gov
BenefitsCheckUp
www.benefitscheckup.org
Nilikha ng National Council on Aging, ang Website na ito ay nagpapahintulot sa inyong makumpleto ang isang kuwestiyonaryo para makahanap ng pederal, pang-estado at mga lokal na programa na maaaring karapat-dapat kayo at kung paano mag-apply.
Eldercare Locator
eldercare.acl.gov
Ang Eldercare Locator ay nakakatulong sa mga mas nakatatandang adult at sa mga caregiver nila na makahanap ng mga lokal na serbisyo kasama ang pagpapayo sa health insurance, libre at murang mga legal na serbisyo at impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa Area Agencies on Aging (AAAs).
Iba Pang Mga Non-Profit
Well Spouse Association
www.wellspouse.org
Aging Life Care Association
www.aginglifecare.org
National Academy of Elder Law Attorneys
www.naela.org
Ng Family Caregiver Alliance sa kooperatsyon ng statewide system ng California ng Caregiver Resource Centers. © 2016-2020 Family Caregiver Alliance. All rights reserved.