FCA logo

Dementia, Pag-aalaga at Pagkontrol sa Pagkakayamot (Dementia, Caregiving and Controlling Frustration)

Ang Mga Stress ng Pag-aalaga 

Ang pag-aalaga sa isang indibiduwal na may Alzheimer’s disease o mga nauugnay na dementia ay maaaring mapanghamon at minsan ay labis-labis kung lipusin. Ang pagkakayamot ay normal at isang balidong emosyonal na pagtugon sa maraming mga kahirapan ng pagiging isang caregiver. Habang ang ilang pagkaka-irita ay maaaring parte ng pang-araw araw na buhay bilang isang caregiver, ang pakiramdam ng sukdulang pagkakayamot ay maaaring may matinding mga kahihinatnan para sa inyo at sa taong inaalagaan ninyo. Ang pagkakayamot at stress ay maaaring negatibong maka-apekto sa inyong kalusugang pangkaisipan o maging sanhi ng inyong pagiging agresibong pisikal o pananalita tungo sa inyong mahal sa buhay. Kung ang inyong situwasyon sa pag-aalaga ay nagdudulot sa inyo ng sobrang pagkakayamot o galit, maaaring gusto ninyong tumuklas ng iba pang mga pamamaraan para makaraos dito. 

Kapag kayo ay nayayamot, mahalagang kilalanin ang pagkakaiba sa pagitan ng ano ang kayang abutin at hindi kayang abutin ng inyong kakayahan na mabago. Ang pagkakayamot ay madalas na nagmumula sa pagsusubok na baguhin ng isang di nakokontrol na pangyayari. Bilang isang caregiver ng may dementia, maaari kayong maharap sa maraming di makontrol na mga situwasyon. Ang mga normal na pang-araw araw na aktibidad—pagbibihis, paliligo, at pagkain—ay maaaring maging mapagkukuhanan ng matinding pagkakayamot para sa inyo. Ang mga pag-uugali na madalas na nauugnay sa dementia, tulad ng paligoy-ligoy o paulit-ulit na pagtatanong, ay maaaring nakakayamot para sa mga caregiver pero mga pag-uugali na ito ay di makontrol ng mga taong may dementia. Sa kasamaang palad, hindi ninyo maaaring basta baguhin na lamang ang pag-uugali ng isang taong nagdurusa sa dementia. 

Kapag nakikitungo sa isang di makontrol na pangyayari, isang bagay ang makokontrol ninyo: paano kayo tumutugon sa nasabing pangyayari. 
 
Para kumilos nang hindi nakakaramdam ng sukdulang pagkakayamot, kailangan ninyong: 

  • Maunawaan kung paano kilalanin ang mga senyas na nagbibigay babala sa pagkakayamot. 
  • Pumagitan para magiging kalmado ang inyong sarili. 
  • Baguhin ang inyong pag-iisip sa isang paraan na nababawasan ang inyong stress. 
  • Matutong magkaroon ng tiwala sa sarili sa pakikipag-usap. 
  • Matutong humingi ng tulong. 

Mga Hudyat na Nagbibigay Babala na Malapit nang Mayamot 

Kung hindi ninyo nakikilala ang mga hudyat ng pagkakayamot, maaari kayong pumagitan at ayusin ang inyong kalooban bago kayo mawalan ng kontrol. Ang ilan sa mga karaniwang hudyat ng babala ng pagkakayamot ay kinabibilangan ng: 

  • Pagkahapo 
  • Parang may nakabara sa lalamunan 
  • Mga cramp (pulikat) sa tiyan 
  • Paninikip ng dibdib 
  • Sakit ng ulo 
  • Hindi mapigilang and sobra-sobrang pag-kain 
  • Sobrang pag-inom ng alcohol 
  • Sobrang paninigarilyo 
  • Kakulangan sa pasensya 
  • Nais na manakit 

Pisikal na Pagpapakalma sa Sarili 

Kapag namalayan na ninyong malapit na kayong mayamot, maaari kayong mamagitan sa pamamagitan ng mga gawaing makakatulong na mapakalma kayo. Ito ay nagbibigay sa inyong oras para masuri ang situwasyon sa ibang pananaw at piliin kung paano kikilos sa isang mas kontroladong paraan. 

Kapag nararamdaman ninyo na nayayamot kayo, subukang magbilang ng isa hanggang sampu nang dahan-dahan at huminga nang malalim. Kung kaya ninyo, maglakad-lakad ng kaunti o magpunta sa ibang kuwarto at mag-isip isip. Mas mabuting lisanin ang isang situwasyon, kahit sandali lang, kaysa mawalan ng kontrol o magbigay ng reaksyon na maaring pagsisihan. Kung sa palagay ninyo na may isang taong maaaring may sumama ang loob kapag umalis kayo ng kuwarto, pweded ninyong sabihin sa taong iyon na kailangan ninyong magpunta sa banyo. Maaari rin kayong tumawag sa isang kaibigan, magdasal, mag-meditate, kumanta, makinig sa musika, o maligo. Subukan na mag-eksperimento sa iba’t ibang mga maaaring pagkilos para malaman kung ano ang pinakamainam para sa inyo at sa taong inaalagaan ninyo. 

Ang regular na pagpa-sasanay ng mga pamamaraan ng pagpahinga ay makakatulong din sa inyong makapaghanda para sa mga nakakayamot na pangyayari. Kung posible, subukan na mag-ehersisyo ng kahit man lang sampung minuto kada araw. 

Umupo sa isang komportableng posisyon sa isang tahimik na lugar. Huminga ng marahan at malalim at i-relax ang tension sa inyong katawan. Kapag patuloy kayo sa inyong paghinga ng dahan-dahan at malalim, maaaring gusto ninyong isaisip ang isang ligtas at maaliwalas na lugar at ulit-ulitin ang isang nagpapakalmang salita o prase. 

Pagbabago sa Inyong Mga Nasasaisip 

Habang nagmumuni-muni kayo, subukan na isipin ang inyong situwasyon sa mga paraan na nakakabawas sa pagkakayamot. Kung paano kayo nag-iisip ay madalas na nakaka-apekto sa nararamdaman ninyo. Siyempre pa, ang mga pakiramdam ng pagkakayamot ay dulot ng mga mabibigat na pangyayari. Gayunman, kung pag-isipan ninyo ang inyong pagtugon sa isang nakakayamot na situwasyon, karaniwan ay makakahanap kayo ng kaunting uri ng di nakakatulong—o negatibong—pag-iisip na may epekto ng higit na pagkakayamot ninyo, maiiwasan na tingnan ang inyong situwasyon sa ibang pananaw, o maghanap ng ibang paraan para mapakitunguhan ito. 

Makikita sa ibaba ang anim na mga pangunahing uri ng di nakakatulong na gawi ng pag-iisip na pinakakaraniwan sa mga caregiver. Kasunod ng bawat isang di nakakatulong na gawi ay isang halimbawa ng umaangkop—o mas nakakatulong—na pag-iisip na magagamit bilang self-defense laban sa pagkakayamot. Ang pagsasanay sa inyong sarili sa mga gawi na di nakakatulong at ang mga angkop na pagtugon ay makakatulong sa inyong makontrol ang inyong pagkakayamot. 

Overgeneralization 

Gumamit ka ng isang negatibong situwasyon o katangian at sobra pinalaki ninyo ito. Halimbawa, handa na ninyong dalhin ang inaalagaan ninyo sa appointment nito sa doktor nang natuklasan na namatay ang baterya ng inyong kotse. Kayo ay agad na nagpasya na, “Parati itong nangyayari; parati na lang may nangyayaring mali.” 

Angkop na pagtugon: “Hindi ito parating nangyayari. Karaniwan naman ay maayos ang aking kotse. Minsan ay hindi nangyayari ayon sa mga kagustuhan ko, pero minsan ay nangyayari din naman.” 

Inaalis ang Positibo 

Minsan ay nakaligtaan ninyo ang mga mabubuting bagay sa inyong kalagayan sa inyong sarili. Halimbawa, maaaring hindi ninyo pahintulutan ang inyong sarili na maging mabuti ang pakiramdam tungkol sa pag-aalaga sa pamamagitan ng pag-iisip na, “Mas marami pa akong magagawa” o “kahit sino ay kayang gawin ang ginagawa ko.” 

Angkop na pagtugon: “Hindi madali ang maging caregiver. Kailangan dito ay tapang, lakas, at awa sa aking ginagawa. Hindi ako parating perpekto, pero marami akong ginagawa at sinusubukan kong maging matulungin.” 

Agad-agad na Pagpasya 

Ikaw ay agad-agad na nagpasya kahit na hindi nakukuha and alam ang lahat ng mga katotohanan. Maaari ninyo itong gawin sa dalawang paraan. 

1.Pagbabasa ng Iniisip: Inaakala natin na ang iba ay nag-iisip ng mga negatibong pagwawari tungkol sa atin. Halimbawa, hindi tumatawag pabalik ang isang kaibigan, at ipinapalagay kaagad natin na hindi niya tayo pinapansin o ayaw niyang makipag-usap sa atin. 

Angkop na pagtugon: “Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng aking kaibigan. Kung alam ko lang, hindi niya natanggap ang mensahe. Baka masyado lang siyang abala o nakalimutan lang niya. Kung gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya, kailangan ko siyang tanungin.” 

2.Paghuhula: Hinuhulaan ninyo ang isang negatibong kalalabasan sa hinaharap. Halimbawa, hindi ninyo susubukan ang adult day care dahil ipinapalagay ninyo na hindi ito magugustuhan ng taong inaalagaan ninyo. Sa inyong palagay, “Hindi niya ito kailanman gagawin. Talagang hindi!” 

Aangkop na pagtugon: “Hindi ko mahuhulaan ang hinaharap. Sa tingin ko ay hindi niya ito magugustuhan, pero hindi ko malalaman talaga hangga’t subukan ko.” 

Mga Pahayag na “Nararapat” 

Subukan ninyong bigyang motibasyon ang inyong sarili gamit ang mga pahayag tulad ng “Nararapat kong tawagan si Nanay nang mas madalas” o “Hindi ako dapat manood ng pelikula dahil maaaring kailangan ni Nanay ang tulong ko.” Ang sa palagay ninyong “nararapat” ninyong gawin ay isang pagsasalungat na gusto ninyong gawin. Pagkatos nito, kayo nag nako-konsensya, nalulungkot or nayayamot. 

Angkop na pagtugon: “Gusto kong manood ng sine. Ayos lang ito para sa akin na magpahinga ako mula sa pag-aalaga at masiyahan naman ako. Tatanungin ko ang isang kaibigan o kapit-bahay kung gusto niyang bantayan si Nanay.” 

Pagbabansag 

Binabansagan ninyo ang inyong sarili o ang ibang tao ng isang katangian o kilos. Halimbawa, ipinagliban mo ang paglalaba ngunit iniisip mo agad na, “Tamad ako.” 

Angkop na pagtugon: “Hindi ako tamad. Minsan ay hindi ko nagagawa ang karamihan ng dapat kong gawin, pero hindi nangangahulugan na tamad ako. Madalas akong nagtatrabaho nang husto at ginagawa ko ang higit nang aking makakayanan. Kahit ako ay nangangailangan minsan ng pahinga.” 

Pagpapasadya 

Ginawa mo na pansariling responsibilidad ang mga negatibong pangyayaring nagaganap na lampas sa inyong kontrol. Halimbawa, maaaring sisihin ninyo ang inyong sarili kapag ang tao na inaalagaan ninyo ay kailangang ma-ospital o matalaga sa ospital. 

Angkop na pagtugon: “Ang kondisyon ni Nanay ay umabot na sa puntong hindi ko na kayang alagaan na ako lang. Ang kondisyon niya at hindi ang akin mga pagkukulang ang dahilan kung bakit niya kailangang malagay sa isang nursing home.” 
 
Paggamit ng “Triple-Column Technique” 
Ang mga hindi nakakatulong na reaksyon o gawi sa pag-iisip ay karaniwang nakatanim sa isipan. Para baguhin ang inyong mga negatibong kaisipan, kailangang matutunang kilalanin ang mga ito, alamin kung bakit hindi tunay at asikasuhin ang lahat na ito. 

Ang isang nakakatulong na paraan para makasanayan ang mas maraming mga proseso sa angkop na pag-iisip ang ang paggamit ng “triple column technique.” Gumihit ng dalawang linya pababa sa gitna ng isang piraso ng papel para mahati ang papel sa tatlo. Kapag nayayamot kayo, maglaan ng isang personal na “time-out” at isulat ang inyong mga negatibong naiisip sa unang hilera. 
 
Sa ikalawang hilera, subukan na kilalanin ang uri ng di nakakatulong na pattern mula sa anim na mga halimbawang nakasulat sa itaas. Sa ikatlong hilera, harapin ang inyong mga negatibong nasasaisip gamit ang mas positibong pananaw. Tingnan sa ibaba para sa mga halimbawa.

Mga Negatibong Naiisip
Mga Pattern ng Naiisi
Mga Umaangkop na Naiisip
(Bumili ang caregiver ng hapunan.) “Wala akong magawang tama!” Overgeneralization Hindi ako perfect, pero wala din naman perfect. Minsan ay nagkakamali ako, at minsan naman ay mahusay kong nagagawa ang mga bagay-bagay.
Ang caregiver ay nagkakape kasama ng isang kabigan at nagkaroon ng aksidente ang asawa sa bahay.) “Sakim ako at masama! Kung nasa bahay lang ako, hindi siya mahuhulog.” Pagbabansag; pag-personal Hindi ako sakim o masama. Marami akong ginagawa para maalagaan ang aking asawa, pero kailangan ko rin alagaan ang aking sarili. Marahil na nahulog siya kahit na nasa bahay ako.
(Hindi dumating ang iyong kapatid na lalaki para dalhin sa doktor ang inyong Ama.) “Alam ko nang hindi ko siya maaasahan. Sa susunod ay ako na lang mismo ang gagawa.” Agad-agad na Maniwala; mga pahayag ng nararapat Hindi ko alam kung bakit hindi siya dumating, pero kailangan ko sana ang tulong niya, kaya’t makakahanap rin tayo ng mga paraan para mahati namin ang bigat ng pag-aalaga kay Tatay.

Pakikipag-usap na May Tiwala sa Sarili 

Ang mainam na komunikasyon ay makakapagpabawas sa pagkakayamot sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa inyong sarili na maipahayag ang inyong mga saloobin habang tumutulong sa iba, para maunawaan ang inyong mga limitasyon at pangangailangan. Ang may tiwalang komunikason ay naiiba sa passive (walang kibo) o aggresive (mapusok) na komunikasyon. Kapag kayo ay passive na nakipag-usap, maaaring itinatago ninyo ang inyong mga pansariling pangangailangan at pagnanais para maiwasan ang pakikipagtalo sa iba. Habang ang lahat ng ito ay maaaring madali sa panlabas, ang pangmatagalang resulta ay maaaring maramdaman ng iba na maaari ka nilang pilitin na gawin ang mag bagay para makuha ang gusto nila. 

Kapag agresibo ang inyong komunikasyon, maaaring pinipilit ninyo ang inyong mga pangangailangan at nais sa iba. Habang ito ay nagpapahintulot sa inyong ipahayag ang inyong mga nararamdaman, ang aggresive na komunikasyon ay karaniwan ginagawang mas defensive ang iba at hindi masyado nakikipagtulungan. 

Kapag may tiwalang komunikasyon, ipinapahiwatig ninyo ang sarili ninyong mga pangangailangan at nais habang ginagalang ang mga pangangailangan at nais ng iba. Ang may tiwala sa sarili na komunikasyon ay nagpapahintulot sa parehong mga panig na magkaroon ng maaayos na talakayan tungkol sa kasalukuyang hinaharap na isyu. 

Ang mga susi sa may tiwala sa sarili na komunikasyon ay: 

  • Paggalang sa sarili ninyong nararamdaman, mga pangangailangan, at nais. 
  • Panindigan sa inyong mga nararamdaman nang hindi pinapahiya o minamaliit ang iba. 
  • Ang paggamit ng “ako” na mga pahayag kaysa sa “ikaw” na mga pahayag. Halimbawa, sabihin natin na, “Kailangan ko ng pahinga” o “Gusto kong makipag-usap sa inyo at ayusin ito” sa halip na “Kayo ay iresponsable” o “Hindi ka kailanman tumutulong!” 
  • Hindi gumagamit ng “nararapat” na mga pahayag. Halimbawa, sabihin na, “Mahalaga sa akin na tuparin ang mga pangako,” sa halip na “Dapat mong gawin ang pinangako mo.” 

Ang Kritikal na Hakbang: Paghingi ng Tulong 

Hindi ninyo maaakong mag-isa ang lahat ng mga responsibilidad sa pag-aalaga. Mahalaga na humiling kayo at tumanggap ng tulong. Talakayin ang inyong mga pangangailangan sa mga miyembro ng pamilya at kaibigan na maaaring gustong makihati sa mga responsibilidad sa pag-aalaga. Hindi mauunawaan ng mga tao kung gaano ninyo kailangan ng tulong kung hindi ninyo ipaliwanag ang inyong situwasyon at humingi ng tulong. Tandaan, mayroon kayong karanasan na humingi ng tulong at sabihin ang inyong mga pangangailangan. 

Kailan dapat sumagot ng “Oo” 

Huwag mahiyang sabihin ang “Oo” kung mag-alok ng tulong ang iba. Sabihin ang “Oo” sa sandaling nag-alok ng tulong ang isan tao kaysa sabihin na “Siguro” at paghihintay hanggang naayos na ninyo ang lahat. Dapat may listahan ng mga gagawin o gawain na kailangan ninyo ng tulong. Tandaan na pakiramdam ng mga tao na may tulong sila at nasisiyahan kapag nakakatulong sila sa iba. 

Kailan dapat sumagot ng “Hindi” 

Madalas, ang mga caregiver ay nahihila sa iba’t ibang mga direksyon. Dagdag sa mga pangangailangan ng pag-aalaga, maaaring maramdaman ninyong napilitan kayong makatugon sa mga pangangailangan ng inyong pamilya at kamag-anak, mga kaibigan at inyong trabaho. Alamin kung paano sabihin ang “Hindi” sa mga pangangailanganng iba kapag pakiramdam ninyo na sobra-sobra ang ginagawa ninyo o kailangan ng pahinga. Karapatan ninyong sabihin na “Hindi” sa mga dagdag na pangangailangan sa inyong oras nang hindi nakakaramdam ng guilt. 

Matuto ng Mabisang Mga Pamamaraan ng Komunikasyon sa Pag-aalaga ng May Dementia 

Maraming pamily ang nayayamot kapag makipag-usap sa isang mahal na buhay na may dementia. Ang taong may dementia ay maaaring paulit-ulit ang mga tanong o mapagkamalan kayong ibang tao. Mahalagang tandaan na ang isang taong may dementia ay hindi nakokontrol ang pag-uugali na sanhi ng kanilang sakit. Hindi kailangang sila ituwid o mapanatiling may kamalayan sa “katotohanan.” Maaari ninyong ibaling sa iba ang pansin nila o sumang-ayon na lang sa kanila bilang paraan na mabawasan ang inyong pagkayamot. 

Gayunman, maaaring makatulong kung lubos pang pag-aralan ang tungkol sa dementia at ang mabisang mga paraan ng komunikasyon na magpapagaan sa inyong pagkakayamot. Halimbawa, gumamit ng simple at direktang mga pananalita, at lumapit ng kaunti kapag nakikipag-usap sa isang taong may cognitive disorder. Subukang huwag makipag-away tungkol sa mga di mahahalagang bagay tulad ng petsa. Magbigay ng dagdag na oras para matapos ang mga gawain tulad ng pagbibihis. Tandaan, ang mga taong may dementia ay madalas na mas may reaksyon sa ating mga nararamdaman kaysa sa ating mga salita. Ang paghahanap ng mga paraan para maging kalmado para matamo ang inyong tulong. Basahin ang fact sheet ng FCA sa Caregiver’s Guide to Understanding Dementia Behaviors para sa mas maraming nakakatulong na estratehiya. 

Pag-aalaga sa Sarili para Maiwasan ang Pagkakayamot 

Maaaring nakakapagod at nakakabahala ang pag-aalaga. Kapag kayo ay nag-aalaga sa iba, madaling makalimutan na dapat rin ninyong alagaan ang inyong sarili. Habang maaaring mahirap na makahanap ng oras para pagtuunan ang inyong sarili at ang inyong mga pangangailangan, lubos na mahalaga na gawin ninyo ito para maiwasan ang pagkakayamot at burnout. Fact Sheet ng FCA Taking Care of YOU: Self-Care for Caregivers ay naghahandog ng karagdagang impormasyon. 

Heto ang tatlong hakbang para mas maalagaan ang INYONG sarili: 

1. Maglaan ng panahon para sa inyong sarili 

Maaaring makaramdam kayo ng konsensya sa iyong kagustuhan o pagnanais ng kaunting oras para makapahinga, makihalubilo sa iba, at magsaya. Gayunman, nararapat para lahat ang regular at patuloy na mga pahinga mula sa trabaho, kasama na ang mga caregiver. Ang tagapag-bigay ng “respite” ay nagbibigay ng oportunidad sa iyo makapag-pahinga. Ang “respite” na pahinga ay maaaring ibigay sa  tulong na “in-home”, adult-day care, “friendly visitor” na mga programa, mga kaibigan at kapit-bahay, o iba pang mga pamamaraan. Ang mahalagang bagay ay pahintulutan ang inyong sarili na makapagpahinga mula sa pag-aalaga. Basahin ang Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong sa katapusan ng fact sheet na ito para sa mga organisasyon na maaaring makatulong sa inyong makapagpahinga mula sa pag-aalaga. 

2. Alagaan ang Inyong Sarili 

Kahit na maaaring mapahirapan ng pag-aalaga na makahanap ng oras para sa inyong sarili, mahalagang kumain ng mabuti, mag-ehersisyo, matulog nang sapat, at subaybayan ang inyong sariling medikal na pangangailangan. 
 
Kapag hindi ninyo inaalagaan ang inyong sarili, kayo ay maaaring madaling makaramdam ng pagkabalisa, depresyon, pagkakayamot, at pisikal na pagdurusa na magiging dahilan sa mas mahirap na pagpatuloy sa pag-aalaga. 

3. Maghanap ng Suporta Mula sa Iba 

Ang pamamahagi ng inyong nararamdaman sa isang counselor, pastor, isang support group, o ibang caregiver na may katulad na situwasyon ay maaaring isang magandang paraan para mapalabas ang pagkabalisa at makakuha ng mga payo na nakakatulong sa inyo. Maaaring gusto ninyong makipag-ugnayan sa mga organisasyon sa ilalim ng Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong sa katapusan ng fact sheet na ito, o tingnan sa mga community services na seksyon sa unahan ng Yellow Pages, sa ilalim ng Counseling o Senior Services, para makahanap ng mga serbisyo na makakatulong sa inyong makakuha ng kaunting suporta mula sa caregiver. Ang fact sheet ng FCA sa Community Care Options ay naghahandog rin ng impormasyon. 

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong 

Family Caregiver Alliance   
National Center on Caregiving 

(415) 434-3388 | (800) 445-8106 
Website: www.caregiver.org 
Mga mapagkukunan: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org 
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/

Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, traumatic brain injury, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang disorder na nararanasan ng mga adult. 

Fact at Tip Sheets ng FCA 

Isang listahan ng lahat ng mga fact at tip ay available online sa www.caregiver.org/fact-sheets. 
Hiring In-Home Help 
Maghanap ng mga mapagkukunan sa Tagalog sa Mga Kaugnay na Mapagkukunan sa ibaba

Iba Pang Mga Organisasyon at Link 

Alzheimer’s Association 
www.alz.org 

National Volunteer Caregiving Network 
www.nvcnetwork.org 
Bumisita sa website para makahanap ng boluntaryong tulong sa pag-aalaga. 

ARCH National Respite Network and Resource Center 
www.archrespite.org 
Bumisita sa website para makahanap ng lokal na mga respite provider. 

Eldercare Locator 
eldercare.acl.gov 
Bumisita sa website o tumawag para mahanap ang inyong lokal na Area Agency on Aging at mga serbisyo para sa mas nakatatanda at mga caregiver, kasama ang mga respite care provider.


ng Family Caregiver Alliance. © 2016-2020 Family Caregiver Alliance. All rights reserved.