Ang Emosyonal na Panig ng Pag-aalaga (The Emotional Side of Caregiving)
Kung kayo man ay naging isang caregiver ng unti-unti o biglaan lang sanhi ng isang krisis, o kung kayo ay kusa na naging caregiver o naitalaga, maraming mga emosyon ang lumilitaw kapag tinanggap ninyo ang trabaho ng pag-aalaga. Ang ilan sa mga damdaming ito ay nangyayari kaagad at ang ilan ay hindi lumilitaw hangga’t matagal na kayong nag-aalaga. Anuman ang situwasyon ninyo, mahalagang tandaan na kayo rin, ay mahalaga. Ang lahat ng inyong nararamdaman, mabuti at masama, tungkol sa pag-aalaga ay hindi lang pinapahintulutan, pero balido at mahalaga.
Maraming damdamin ang lumilitaw kapag kayo ay nag-aalaga sa isang tao araw at gabi. Maraming mga caregiver ang nagsasabing, “Hindi ito mangyayari sa akin. Mahal ko ang aking nanay, tatay, asawa, kapatid na babae, kapatid na lalaki, atbp.” Pero makalipas ang ilang panahon, ang mga “negatibong” emosyon na malamang gusto nating itago o kunwaring hindi nararamdaman ay lumalabas. Ang mga caregiver ay madalas na nagdadalawang-isip na ipahiwatig ang mga negatibong nararamdaman na ito sa takot na sila ay huhusgahan ng iba (o huhusgahan nila ang kanilang sarili) o hindi nais na maging pabigat sa iba sa kanilang mga problema.
Kung hindi ninyo pakitunguhan ang LAHAT ng inyong mga emosyon, ito ay tila naging isang 2-taong gulang na batang tatawagin ang inyong pansin.: patuloy silang magpapapansin hangga’t huminto kayo at pansinin sila. Ang hindi pagbigay-pansin sa inyong mga nararamdaman ay maaaring magresulta sa hindi magandang pagtulog, hirap na makaraos, sobrang pag-kain dahil sa pagkabalisa, pag-abuso sa inom/droga, atbp. Kapag inamin ang inyong nararamdaman, maaari kayong makahanap ng mga makabuluhang paraan para maipahiwatig ang mga ito at harapin ang mga ito, upang ikaw at ang taong inaalagaan ay mas madaling makaraos sa hinaharap.
Kikilalanin ng fact sheet na ito ang ilan sa mga pinakakaraniwang at madalas na mahirap aminin na mga damdamin na nararanasan ng mga caregiver. Sa panahong ito’y nakikilala, mayroong mga mungkahing inihahandog kung papaano gawing mas mabuti ang inyong kakayahan.
Kung tayo lamang ay perpekto ay hindi tayo nakakaramdam ng. . .
Kawalan ng Katiyakan ng Damdamin
Ito ay ang damdamin ng parehong gustong gawin ang mga ginagawa at hindi rin gusto ang ginagawa. Sa hindi magagandang araw, madalas na may damdamin na sana na hindi kailangan na nandoon kayo, na ang paghihirap ay malapit nang matapos. Sa magagandang araw, ang pag-aalaga sa isang tao ay maaaring isang regalo sa inyong dalawa.
Paano Makaraos: Pahintulutan ang inyong sarili na maramdaman ang parehong uri ng damdamin na nabanggit. Lahat naman ay may ganitong pakiramdam minsan. Alinman sa masamang damdamin o maganda ay hindi nagtatagal.
Galit
Gaano kadalas kayo “biglaang nagalit” habang nag-aalaga? O naramdaman na tila malapit na kayo sa sukdulan? Ang galit at pagkakayamot ay isang normal na parte lamang kapag kasama palagi ang isang taong nangangailangan tuloy-tuloy na tulong at iyong maaaring hindi rin tatanggapin ang tulong. Ang pag-aalaga sa isang tao, lalo na iyong may dementia, ay maaaring mas mahirap, dahil ang inaalagaang tao ay maaaring hindi makatuwiran at lumalaban. Hindi parating posible na magkaroon ng kumpletong kontrol sa inyong mga damdamin. Ang galit ay “basta na lang lumalabas” minsan.
Paano Makaraos: Patawarin ang inyong sarili. Humanap ng mga nakakatulong na paraan para maipahiwatig ang nararamdaman ninyo, matutong lumayo at bigyan ang sarili ninyo ng “time out.” Kilalanin ang mga taong nakakapagbigay ng suporta na makikinig sa inyo kapag gusto ninyong ilabas ang nasasa looban ninyo na nangyari ng araw na iyon.
Pagkabalisa
Ang pakiramdam na ang mga bagay ay hindi mapigilan at hindi nalalaman kung paano ito ibalik sa kontrol ay madalas na nagdudulot ng mga damdamin ng pagkabalisa. Ang pagkabalisa ay lumabalas bilang mabilis na pag-init ng ulo, udyok na tumakas palayo, hindi makatulog, mabilis na pagtibok ng puso, at ang kagustuhang umiyak.
Paano Makaraos: Pansinin ang inyong pagkabalisa—ito ang maagang babala ng inyong katawan na may hindi tamang nangyayari. Kapag kayo’y nababalisa: Huminto. Huminga Patuloy na huminga. Magdasal. Mag-meditate. Gumawa ng tsaa. Anumang bagay na makapagpapahinga sa inyo mula sa mga kaganapan sa saglit na iyon.
Pagkainip
Madaling mainip kapag kayo ay nasa bahay lang ay inaalagaan ang ibang tao at hindi gumagawa ng mga bagay na hindi nasisiyahan ang inyong mga ais at pangangailagan. Sa katapusan ng araw, madalas ay masyado kayong pagod na gawin ang isang bagay na pinagkaka-interesan ninyo.
Paano Makaraos: Makakatulong ang respite. Ang pamamahinga mula sa pag-aalaga at pagkakaroon ng kaunting panahon para sa inyong sarili ay hindi lang magpapatibay sa inyong pasensya at mabilis kumalma pero bibigyan kayo ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makabuluhan para sa inyo, ito man ay pakikisalimuha, paglalakad, o pagbabasa ng magandang libro.
Madaling Mapikon, Madaling Mairita
Kapag pagod at balisa, mas mahirap na magkaroon ng kontrol sa mga bagay-bagay na ating sinasabi at nararamdaman. Ang mga damdamin ay mabilis na paiba-iba. Maaari tayong biglang magalit sa napakaliit na bagay dahil wala tayong pasubali.
Paano Makaraos: Kung pakiramdam ninyo na kayo ay madaling mapikon at madaling mairita, maaaring kailangan ninyo ng pahinga. Maaari kayong magpahinga, dahil mas wala tayong kontrol kapag tayo ay pagod. Madalas ay tayo ay umiinom ng alak o kumakain ng paboritong junk food para gantampilaan natin ang ating sarili kapag ganito ang ating nararamdaman. Mas kapaki-pakinabanga kung magtabi ng isang journal o makipag-usap sa isang kaibigan o propesyonal para mailabas ang kaunting galit.
Depression/Kalungkutan
Bilang isang caregiver, kayo ay nanganganib sa depression. Minsan, ito ang pagkakaramdam ng kawalan ng pag-asa o walang magawa, kapag hindi makatulong, o hirap na makabangon at harapin ang araw. At minsan ay gusto lang ninyong umiyak. (Basahin ang FCA fact sheet Depression at Pag-aalaga.)
Paano Makaraos: Ang depression ay nagagamot at samakatuwid ay dapat na seryosohin. May mga makukuhang propesyonal na tulong. Makipag-usap sa inyong manggagamot kung sa palagay ninyo na kayo ay depressed, sumali sa isang caregiver support group, maghanap ng counselor na nauunawaan ang caregiving, at humingi ng tulong sa mga kaibigan at kapamilya. Mag-ehersisyo. Ang pagkikilos ay isang napatunayang paraan para mapagaan ang ilang mga sintomas ng depression.
Pagkadiri
Ang pagtulong sa isang tao na gumamit ng banyo ay maaaring isang personal na karanasan para sa maraming mga caregiver. Kung ang inaalagaan ay hindi kayang makapagpigil ng dumi at pati na rin ang ihi, sa gayon ay ang pagpapalit ng adult diaper ay maaaring nakakasuka at nakakadiri. Ang paglilinis ng mga parte ng katawan ng iba, tulad ng magulang, ay maaaring nakakapanghina ng kalooban at di kayo komportable na gawin. Ang masaksihan ang ibang kumain ng walang kaayusan o hindi inaalagaan ang sariling anyo, o ang paglilinis ng suka ay maaari rin magdulot ng pakiramdam ng pagkadiri.
Paano Makaraos: Ang pinakamahirap na bagay tungkol sa pagtanggap sa ating pagkadiri sa mga bagay ay hindi naman nakokontrol ng inaalagaang tao ang mga pag-uugaling ito. Pero minsan ay iniisip natin na sadya nila itong ginagawa para magpapansin sa atin. O tayo ay nakokosensya dahil sa palagay natin ay dapat na tinatanggap natin ang mga ito pero sa totoo ay hindi. Ang paghahanap ng mga paraan para mapakaunti ang inyong pangangailangan na gumawa ng mga gawain ng personal na pag-aalaga ay kinabibilangan ng pag-aalaga sa kawalan ng kakayahang makapagpigil ng dumi o ihi ay lubos na mahalaga para matagalan ang inyong tungkulin bilang caregiver, na maaaring tumagal ng maraming taon. Kumuha ng isang attendant para sa karaniwang gawain na pag-aalaga o ipagawa ang mga ito sa isang miyembro ng pamilya na mas kayang gawin ang mga ito. Matuto din ng mga pamamaraan para mapadali ang mga gawain (hal. sa oras ng pag-kain, ikonsidera ang paggamit ng kutsara na spill resistant).
Ang isang occupational therapist ay makakatulong sa inyong hanapin ang instrumentong ito at iba pang kagamitan para mas mapadali ang oras ng pag-kain at mas kasiya-siya para sa inyong dalawa. Mahalagang malaman na pagdating sa kawalan ng pagpigil (incontinence), hindi ka nag-iisa. Ang kawalan ng pagpigil ay ang isa sa mga pangunahing dahilang binibigay sa pagdadala sa isang tao sa facility. May mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong para makatulong sa inyong pakitunguhan ang mga problema ninyo sa banyo, tulad ng webinar na pinamagatang Moving Beyond the Leakages: Practical Strategies to Manage Incontinence, at isang segment mula sa Caregiver College Video Series sa aming Video Channel. (Ang parehong mga pinagkukuhan ng impormasyon na ito ay nasa Caregiver Education section sa aming website.)
Kahihiyan
Ang tao bang inyong inaalagaan ay gumagawa ng walang-galang na mga komento kapag kayo ay nasa labas sa publiko? Kailangan ba niyang gumamit ng banyo kaagad at gumagawa ng eksena habang sinusubukang hanapin ito? Tumatanggai ba siyang maligo at ngayon ay may amoy na ang katawan? Madali para sa ating makaramdam na tayo ang may kagagawan sa pag-uugali ng iba at tila tayo ang may kasalanan kung bakit nangyari ang mga ito.
Paano Makaraos: Ang ilang mga tao ay gumagawa ng mga tarheta (tulad ng mga business card) na nakasulat na, “Ang aking mahal sa buhay ay may dementia at hindi na maaaring kontrolin ang kaniyang pag-uugali” na kailangan niyang ipamigay doon sa mga pumapalibot sa kanila kapag sila ay nahihirapan, lalo na sa mga restaurant. Ang ilan ay basta na lang humihinto sa pag-alis ng bahay dahil ito ay isang lubos na mahirap na problemang pamahalaan, mas madali kung nasa bahay lang. Ang iba ay may mga kaibigan, mga miyembro ng pamilya, o isang attendant ang sumasama sa kanila kapag gusto nilang lumabas para makapagbigay ng tulong, kapag kinakailangan.
Takot
Paano kung may mangyari? Paano ko ito haharapin? Makokonsensya ba ako? Ako ba ay responsable sa mga bagay bagay kung may maling maganap? Ang mga caregiver ay may napakalaking responsibilidad, hindi lang sa pang-araw araw na pag-aalaga ng inaalagaan, pero para sa lahat ng iba pang abagay na “maaaring” mangyari kapag isang caregiver. Ang pagpapahirap sa ating sarili sa mga “paano kung” ay maaaring makapigil sa atin at hadlangan na ikalugod ang “ito ngayon.”
Paano Makaraos: Mahalagang magkaroon ng mga contingency plan (plano para sa biglaan o hindi inaasahang pangyayari). Kaya’t may katuturan na may back up na caregiver sa isip kung sakaling may mangyari sa inyo, o isipin kung paano ninyo pakikitunghan ang mga inaasahang kagipitan na medikal batay sa mga kapansanan ng inyong inaalagaan. Kapag kayo ay natatakot, kadalasan na nakakatulong na makipag-usap sa iba na alam ang inyong situwasyon at makapagbibigay sa inyo ng pananaw at makakalma ang inyong mga kinatatakutan.
Pagkakayamot
Ang pagkakayamot ay parte ng iba pang mga nararamdaman, tulad ng kawalan ng tiyak na damdamin, galit, at walang pasensya. Minsan, bilang isang caregiver, nararamdaman ninyo na wala kayong tamang magawa o hindi nangyayari ang mga bagay tulad nang pinaplano anuman ang inyong gawin o gaano kahirap man ninyo subukan. At kung pagod kayo, mas marahil na mas madali kayong ma-unsyami. Ang pagkakaunsiyami ay humahantong sa pag-kain dahil sa stress, pag-abuso sa inom/droga, at mas mataas na posibilidad na magalit.
Paano Makaraos: Kilalanin kung gaano nakakayamot ang pag-aalaga. Sumali sa isang support group para malaman ang mga pamamaraang ginagamit ng mga caregiver para mas madaling makaraos. Magpahinga minsan mula sa pag-aalaga para may panahon kayo para sa INYONG sarili at may pagkakaton na palakasin at pasiglahin ang ang iyong kakayahan. Mag-ehersisyo. Matulog.
Kalungkutan
Kapag nakikitang dahan-dahan na nanghihina ang taong inaalagaan at hindi na kayang gawin ang mga bagay na dating madali at likas ay nakakalungkot. Tayo ay nalulungkot din para sa taong inaalagaan, ang katauhan niya dati at ang relasyon sa taong iyon. Madalas ay kailangan nating magdalamhati sa kawalan na ating nararanasan araw-araw o kung hindi, ito ay lalabas bilang isang naiibang bagay.
Paano Makaraos: Minsan ang paglilikha ng isang ritwal ay nakakatulong. Ang isang caregiver ay nagsusulat sa isang piraso ng papel ng mga bagay na hindi na nagagawa ng kaniyang asawa, tapos ay pupunta sa dagat at itatapon ang mga piraso na papel sa tubig bilang isang paraan ng pagbibitiw. May gawi tayong iwasan ang kalungkutan na kasama ng pagkalumbay, pero pinapahintulutan ang ating mga sarili na maramdaman (ito) ay nagtataguyod ng paggaling. (Basahin ang FCA fact sheet Pagkalumbay at Kawalan.)
Konsensya
Ang konsensya ay nararamdaman natin kapag may mali tayong ginawa. Ang konsensya sa pag-aalaga ay may maraming anyo. May konsensya sa hindi sapat na nagawa upang maiwasan na magkasakit sila. May konsensya sa pakiramdam na tila gusto mo nang matapos ang lahat ng ito. O konsensya na sobrang nawawalan na kayo ng pasensya sa taong inyong inaalagaan. May konsensya sa pagkakataong hindi pagmahal o pagka-gusto sa taong inaalagaan minsan. May konsensya sa hindi sapat na nagawa para sa inaalagaan o hindi sapat ang tamang pagtatrabaho bilang isang caregiver. At kung nahulog o may iba pang nangyari sa inaalagaan, may konsensya sa pakiramdam na ito ay kasalanan ninyo. At minsan ang mga caregiver ay nakokonsensya na iniisip nila ang kanilang sariling pangangailangan at nakikitang sakim sila, lalo na kung may gusto silan gawin tulad ng panonood ng pelikula o kumain sa labas kasama ng kaibigan.
Paano Makaraos: Kailangan ninyo ng pahintulot na patawarin ang inyong sarili. Hindi kayo puwedeng maging perpekot ng 24/7. Hindi posible na may ganap kayong kontrol kung paano ang nararamdaman ninyo parati. Lahat tayo ay may dala-dala na “paano kung”, tulad nang “Walang sinumang kasing-husay ko sa pagtatrabaho, kaya’t dapat naririto ako parati.” O “Kung umalis ako at may nangyari, hindi ko kailanman mapapatawad ang aking sarili.” Ikonsiderang baguhin ang konsensya at gawin itong pagsisisi, “Ako ay nasa isang mahirap na situwasyon at kailangan kong magsagawa ng mahihirap na desisyon minsan.” “Ikinalulungkot ko na ako ay isang tao at walang pasensya minsan.” “Ginagawa ko ang lubos ng aking makakaya para malampasan ang mga maling nangyayari minsan at ikinalulungkot ko na hindi ako perpekto.”
Kawalan ng Tiyaga
Gaano kahirap na pabangunin ang taong inyong inaalagaan sa umaga? Paano naman ang pagbibihis, pag-almusal at pag-dala sa appointment bago mag alas-10 ng umaga? At may iba pa kayong kailangang tapusin sa araw na iyon. Ang lahat ng ito at kasama ang taong inaalagaan na hindi nakikiisa at mabagal ang pagkilos. Marahil na ang taong inaalagaan ay ayaw gumamit ng kaniyang walker kahit na ilang beses na itong nahulog at idiniin ng doktor at physical therapist na parating kailangan niya itong gamitin. Mauunawaan na minsan ay mayayamot kayo.
Paano Makaraos: Patawarin ang inyong sarili. Ako ay pagod, naiinis, at nagtitimpi na makontrol ang lahat, pero likas lang na gusto kong magmadali at sumunod sa inaalagaan para mapanatili silang ligtas at malusog. Kaya’t una sa lahat, dahan-dahan lang. Maglaan ng matagal-tagal na panahon para matapos ang lahat ng mga gawin. Maglaan ng sapat panahon. Kontrolin ang kapaligiran hangga’t maaari, pero alam ninyong hindi ninyo parating maiiwasan na maglakad ang inyong ama ng walang walker. Lumikha ng isang lista ng mga bagay na kayang kontrolin at hindi kayang kontrolin. Unawain kung ano ang kaya at hindi ninyo kayang kontrolin.
Paninibugho
Minsan ba ay naiinggit kayo sa iyong mga kaibigan na nakakalabas at nagagawa ang mga bagay na hindi mo na kayang gawin dahil sa inyong mga responsibilidad sa pag-aalaga? Kayo ba ay nagseselos sa inyong mga kapatid na di ginagawa ang parte nila para makatulong? Nagseselos ba kayo sa isang kabigan na ang magulang ay namatay ng madali habang kayo ay nag-aalaga sa isang magulang na may dementia ng matagal na panahon? Tayo ba ay nagseselos sa isang tao na may malaking namana habang tayo ay naghihirap na mabayaran ang bills para maging isang mabuting tagapag-alaga? Madalas na hindi natin inaamin ganitong nararamdaman, dahil parati tayong sinasabihan na huwag mainggit. Pero hindi ito nangangahulugan na hindi tayo nakakadama ng selos paminsan-minsan sa mga taong mas madali ang buhay o mas komportable kaysa sa atin.
Paano Makaraos: Okay lang na aminin na naiinggit kayo. Dahil hindi patas ang mga bagay, madalas ay mayroon tayong hinanakit at inggit sa magandang kapalaran ng iba kung ikukumpara sa atin. Ang inggit ay naging problema kapag inilulubog natin ang sarili dito at nahahadlangan ang sarili na magpakasaya sa mga bagay na MAYROON tayo. Tumutok sa anumang mga bagay na mayroon tayo at maghanap ng lugar sa puso ninyo para magpasalamat.
Kakulangan sa Pasasalamat
Ang karamihan sa atin ay ayaw na umasa sa iba. Ang matutong tumanggap ng tulong ay mahirap. Kaya’t ang taong inaalagaan ay madalas na tinutulak palayo ang ating mga pagtangka na tumulong at magmalasakit. Kung may dementia ang isang tao, ang problemang ito ay madalas na mas matindi. At nasasaktan ang ating damdamin dahil ang taong inaagalan ay hindi man lang nagpapasalamat sa atin o hindi ipinapakita kung ano ang sina-sakripisyo natin para maalagaan sila.
Paano Makaraos: Minsan ay dapat bigyang-pugay natin ang ating sarili. Ang pagsusulat sa journal tungkol sa mga bagay na ginagawa ninyo araw-araw ay maaaring makatulong sa inyong mapasalamatan kung gaano karami ang binibigay at ginagawa ninyo. Ang pagkakaroon ng support group o grupo ng mga kaibigan/pamilya na pumupuri sa inyo ay mahalaga, at parehong mahalaga at nagbibigay ng ginhawa para manatiling masigasig sa inyong paglalakbay bilang isang caregiver.
Pagkalumbay
Sa mas mahabang panahon na kayo ay isang caregiver, kayo ay mas nagiging nag-iisa. Dahil walang kausap sa araw maliban na lang sa taong inaalagaan, madaling mawalan ng katuwiran ang inyong sarili. Ang mga kaibigan ay huminto na sa pagtawag dahil hindi na tayo pwede at tayo rin ay nag-aalangang tumawag sa kanila dahil alam natin na “hindi na nila ito gustong marinig muli” o “Wala naman akong masasabing bago dahil ang buhay ko ngayon ay puro pag-aalaga na lang.”
Paano Makaraos: Maghanap ng mga paraan para makalabas ng bahay at maging kabilang sa isang bagay maliban sa pag-aalaga. Alamin ang mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong sa inyong lokal na Area Agency on Aging tungkol sa mga respite program o day care na programa na magpapahintulot sa inyong makakuha ng matagal nang kailangan at nararapat lang na pahinga. Walang makakagawa ng trabaho na ito nang mag-isa lang. Tingnan ang mas malaking circle of support ninyo—faith community, mga kapit-bahay, mga kaibigan, mga malayong kamag-anak, atbp. para makita kung saan kayo makakakuha ng kauting tulong.
Kawalan
Ang mga caregiver ay nakakaranas ng maraming mga kawalan, ang ilan ay nabanggit na: kawalan ng kontrol, kawalan ng kalayaan, kawalan ng kita, kawalan ng matalik na kaibigan, kawalan ng kinabukasan, kawalan ng pagkakasarili. Ang kawalan ay humahantong sa pagkakalumbay at depression.
Paano Makaraos: Ang pagkilala sa mga nawala sa inyo ay nakakatulong sa inyong makaraos sa mga ito. Sa bawat isa sa atin, ang mga kawalan ay iba-iba. Kapag alam ninyo ang nararamdaman ninyo, maaari ninyong makita ang kawalan at isipin kung ano ang pwedeng gawin dito para makatulong sa inyong mapakitunguhan ito. (Basahin ang FCA fact sheet Pag-aalaga at Di Matiyak na Kawalan.)
Hinanakit
Kapag nalagay sa isang situwasyon na hindi natin ginusto, karaniwan lang na maging negatibo at may sama ng loob. Marahil na may mga kapatid kayong hindi nakakatulong sa pag-aalaga o marahil na nag-iisang anak lang kayo, ang pagiging isang natakdang caregiver, at pakiramdam na kakaunti lang ang pagnanais o suporta para maghandog ng pag-aalaga. Ang maliliit na bagay ay madaling lumalaki kapag sa palagay natin na hindi tayo napapasalamatan at hindi kinikilala. At ang pakiramdam na kayo dapat ang gumawa ng lahat, at gawin ang lahat ng ito nang nag-iisa, ay isang siguradong paraan na magkaroon ng hinanakit.
Paano Makaraos: Ang mga situwasyon at pamamaraan ng bawat pamilya ay maaaring maging matinding hamon. Ang pagkakaroon ng tulong mula sa pamilya ay maaaring magpadali sa inyong situwasyon, pero minsan ang mga tensyon sa loob ng pamilya ay nagpapahirap na makakuha tayo ng tulong. (Basahin ang FCA fact sheet Pag-aalaga kasama ang Inyong Mga Kapatid.) Kung mas maraming tulong at suporta ang matanggap ninyo, mas madali na maaalis ang pakiramdam ng bigat ng loob at hinanakit sa mga hindi gumagawa ng parte nila. Kung ang mga tensyon sa pamilya ay nakakasagabal, maaari rin na makatulong sa inyo na sumangguni sa FCA fact sheet Pagsasagawa ng Family Meeting. Kung hindi kayo makakuha ng tulong mula sa mga taong sa palagay ninyo ay dapat nag-aalok nito, sa gayon ay kailangan ninyong palawakin ang mga kakilala ninyo para isama iyong mga makakatulong talaga sa inyo. Madaling makalimutan ang tungkol sa magagandang bagay na nangyari o nangyayari kapag nakatuon lang tayo sa mga negatibo.
Pagkapagod
Bilang isang caregiver, gaano kadalas kayong nakakatulog ng walong oras na sinasabing kailangan ninyo? Madalas na ang tulog ay pinapaliban habang sinusulit ang ilang minuto na kayo ay makakapag-iisa pagkatapos na makatulog ang taong inaalagaan. Ang tulog ay madalas na nagagambala dahil ang taong inaalagaan ay nagigising sa gabi at kailangan ng tulong makapunta sa banyo o mabalik muli sa kama. Ang tulog ay madalas na nagagambala dahil hindi kayo makatulog o hindi makatulog nang diretso dahil nag-aalala kayo sa mga nagdudulot ng stress na kasama ng pagiging isang caregiver.
Paano Makaraos: Ang inyong tulog ay siyang dapat na pinakamahalaga. Ang kakulangan ng tulog ay humahantong sa lubos na katabaan, pagkamainisin, walang pasensya, hindi nakagawa ng tama sa mga gawain, at isang katayuan ng kalituhan ng pag-iisip bukod sa iba pang mga isyu. Kung kayo ay nagkakaproblema na makatulog o manatiling tulog na walang kaugnayan sa direktang pag-aalaga, kausapin ang inyong manggagamot. Kung nagkakaproblema kayong makatulong sanhi ng mga problema sa pag-aalaga, kausapin ang manggagamot ng taong inaalagaan. Parating may mga paraan para makatulong sa inyong dalawa na makapahinga na kailangan ninyo. Bilang isang caregiver, nakapahusay ng ginagawa ninyong pag-aalaga para sa mga taong nangangailangan. Bilang isang caregiver, kailangan rin ninyong isipin ang inyong sarili. (Basahin ang fact sheet ng FCA Pag-aalag sa INYONG sarili:Pag-aalaga sa Sarili ng Mga Caregiver sa Pamilya, at pati na rin ang fact sheet Kalusugan ng Caregiver.) Ang pamimilit na matapos lang ang isang araw ay di lumaon magdudulot ng lubos na kapaguran sa inyo at magiging sanhi ng burnout. Ang mga emosyonal na isyu ay magpapabigat sa damdamin ninyo at makaka-apekto hindi lang sa inyong kakayahan na makaraos at makapagbigay ng pag-aalaga, pero makakapinsala rin ito sa inyong kalusugan at kapakanan. Mahalagang matutong humingi ng tulong at bigyang priyoridad ang pamamahinga mula sa pag-aalaga, para maging isang caregiver kayo tulad nang ninanais ninyo.
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: https://www.caregiver.org/
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/fca-carenav/
Services by State: https://caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, traumatic brain injury, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdamang pangkalusugan na nararanasan ng mga adult.
Iba Pang Mga Organisasyon at Link
Eldercare Locator
eldercare.acl.gov
National Association of Area Agencies on Aging
www.n4a.org
Alzheimer’s Association
www.alz.org
Lotsa Helping Hands
www.lotsahelpinghands.com
Inirerekumendang Mababasa
The Caregiver Helpbook
www.powerfultoolsforcaregivers.org
The Emotional Survival Guide for Caregivers: Looking After Yourself and Your Family While Helping an Aging Parent, Barry Jacobs, 2006.
Passages in Caregiving: Turning Chaos into Confidence, Gail Sheehy, 2011
Ni Donna Schempp, LCSW. © 2016-2020 Family Caregiver Alliance. All rights reserved.