FCA logo

Ang Trabaho at Pag-aalaga sa Mas Nakatatanda (Work and Eldercare)

Introduksyon

Mas lalo na ngayon, ang pag-aalaga ay isang mahalagang parte ng pang-araw araw na buhay ng milyon-milyong mga pamilya sa kabuuan ng Estados Unidos. Habang dumarami ang populasyon, mas maraming mga pamilya ang nag-aalaga sa mas nakatatandang adult sa bahay, at mas dumarami ang mga taong mangangailangan ng nasabing pag-aalaga sa hinaharap Ang kasalukuyang demograpiko at mga huwaran sa health care ay ginagawang mas mahalaga ang isyu na ito.

  • Ang napakalaking henerasyon ng mga Baby Boomer ay nasa pangunahing edad sa pag-aalaga, at di lumaon, ang karamihan sa mga ito ay magiging aalagaan din.
  • Kahit na mas matagal ang ating buhay, ang mga nakakapanghina at may kaugnayan sa edad na mga sakit tulad ng Alzheimer’s disease at iba pang mga uri ng dementia, Parkinson’s disease, arthritis, diabetes, at stroke ay mas madalas na nangyayari.
  • Mas umiiksi ang pamamalagi sa ospital, na nangangahulugan na mas kailangang alagaan sa tahanan.
  • Ang mga kababaihan, na karaniwang ang mga caregiver sa parehong mga bata at nakatatanda, ay mga nagtatrabaho na ngayon at hindi na masyado available na makapagkaloob ng full-time na pag-aalaga.
  • Mas maraming kalalakihan ang umaako sa responsibilidad ng pag-aalaga.

Ang caregiving ay nakaka-apekto hindi lang sa nakararaming mga indibiduwal, pero sa kanilang mga pamilya at sa lugar rin ng trabaho. Ayon sa mga pinakahuling pag-aaral, 60% ng mga caregiver ay nagtrabaho nitong nakaraang taon at higit sa kalahati nito ang nagtatrabaho ng full time. Ang average na edad ng mga caregiver ay 49 – isang peak na taon nakumita at para umunlad sa career. Ang mga kababaihan medyo mas maraming responsibilidad sa pag-aalaga, pero ang mga lalaki ay lubos na naaapektuhan rin.

Anong Mga Uri ng Pag-aalaga ang Ipinagkakaloob ng Mga Caregiver ng Pamilya?

Ang mga uri ng pag-aalaga ay nag-iiba iba mula sa personal (paliligo, pagbibihis, pagtulong sa paggamit ng toilet, pagpapakain) hanggang sa mga gawaing araw-araw at mga aktibidad (paghahanda ng mga pagkain, paghahandog ng transportasyon, pamamahala sa mga pananalapi, pangangasiwa sa mga gamot, koordinasyon ng mga serbisyo, pakikipag-usap sa mga propesyonal sa healthcare). Ang average na caregiver ay nag-aalaga para sa higit sa apat na taon, na ang ibang mga uri ng pag-aalaga ay tumatagal ng mga dekada. Ang ilang mga caregiver ay gumagamit ng may bayad na tulong: ang ganap na 76 porsiyento ng mga nagtatrabahong caregiver ay umaasa lang sa kanilang mga pamilya at sa kanilang sarili. Minsan, ang pag-aalaga ay tila isang ikalawang trabaho na kung saan ang average na caregiver ay nagtatrabaho ng higit sa 24 oras sa isang linggo at marami ay mas marami pang uri ng pag-aalaga ang ginagawa doon.

Sa gayon, milyon-milyong mga nagtatrabahong adult – ngayong taon ay tinatangiya na isa sa tatlong mga sambahayan – ang magsasalit-salit sa demand ng pag-aalaga sa may chronic na sakit na kamag-anak, pagsulong sa pamilya, at pamamahala sa career. Ang pagkakagambala sa trabaho sanhi ng mga responsibilidad sa pag-aalaga na nagreresulta sa mga kawalan sa pagiging produktibo sa mga negosyo ng tinatantiyang $2110 kada taon kada empleyado – isang pagkalugi na hanggang $33.6 bilyon kada taon para sa mga full-time na empleyado bilang isang grupo.

Ang mga negatibong epekto sa mga nagtatrabahong caregiver ay maaaring kinabibilangan ng di magandang kalusugan, walang oras para sa trabaho at di masyado produktibo, umalis sa trabaho para mag-alaga, nalampasang mga oportunidad sa career, nawalang mga bayad ng employer na benepisyo sa kalusugan, at mas mababang kita sa ngayon at sa hinaharap, kasama na ang Social Security at kita sa pension. Lumaon, 10 porsiyento ng mga nagtatrabahong caregiver na ito, sa tagal ng panahon na sila ay nag-aalaga, ay inuulat na umalis sila sa kanilang trabaho para makapag-alaga ng ful time, na nagreresulta sa isang average na pagkalugi na higit sa $303,880 sa bawat isa sa mga suweldo, kita sa Social Security, at kita sa pension sa buong buhay nila.

Ang fact sheet na ito ay nagbabalik-aral sa mga pangunahing isyu na hinaharap ng mga caregiver; nagmumungkahi ng mga hakbang na magagawa nila para makatulong na mapamahalaan ang kanilang mga di pagkakasunduan sa trabaho at pag-aalaga; binabalikan ang mga legal na opsyon para malinaw ang pinansiyal at healthcare na pagdedesisyon; at tinatalakay ang sulit sa perang mga paraan kung paano mananatiling mahahalaga ang mga empleyado sa pananaw ng employer sa pamamagitan ng paghahandog ng mga programa na nagbibigay suporta sa mga caregiver. Ang mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong na nakalista sa katapusan ng fact sheet ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon, mapagkukuhanan ng tulong, at namumungkahing mababasa

Mga Unang Hakbang para sa Mga Caregiver: Pagtatasa sa Mga Pangangailangan

Maraming mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong sa komunidad ang makakatulong sa mga caregiver at sa kanilang may sakit o mahinang kamag-anak o kaibigan. Ang hamon sa iyo bilang isang caregiver ay alamin kung paano pinakamabuting magagamit ang iyong oras at enerhiya kapag ikaw ay available sa pag-aalaga dagdag pa sa mga demand ng iyong trabaho at mga responsibilidad sa pamilya.

Ang pagpapatupad ng isang pamamaraan bilang isang team ay mahalagang hakbang para magawang mas madaling mapangasiwaan ang iyong tungkulin bilang caregiver at matiyak na ang iyong mahal sa buhay ay nakakatanggap ng pinakamainam na pag-aalaga hangga’t maaari. Kapag ikaw ay nag-alaga sa iyong mahal sa buhay na nakatuon sa mga aspekto ng pag-aalaga na pinakamahalaga para sa iyo at ikaw ang pinaka-angkop para sa iyong mga strength at skill na naghahanda sa iyo na magkaloob ng pinakamabuting pag-aalaga na kaya mo, magbigay ng mga limitasyon na makakatulong sa iyong maalagaan ang iyong sarili, at ma-enjoy ang iyong tungkulin bilang isang caregiver. Kapareho din, kapag ginamit mo ang tulong o suporta ng iba na gumagamit rin ng kanilang mga strength at skill para maalagaan ang iyong mahal sa buhay, binibigyan nito ng oportunidad ang iyong mahal sa buhay na makatanggap ng pinakamabuting pag-aalaga at makita na nakukuha nila ang kanilang mga pangangailangan na kayang matugunan ng iba bukod sa iyo. Sa pag-aayos ng mga pangangailangan ng iyong pamilya, at pagpapasya kung saan mo kailangan ng tulong, ikonsidera ang mga sumusunod na hakbang:

  • Gumawa ng listahan ng lahat ng ginagawa mo bilang isang caregiver. Halimbawa, ako ang namimili sa grocery; tinutulungan si Nanay na magbihis kada umaga; dinadala si Tatay sa doktor; binabayaran ang kaniyang bills; ako ang naglalaba para sa kaniya.
  • Gumawa ng pangalawang listahan kung saan makikita mo ang mga pagkukulang sa kaniyang mga pangangailangan at pag-aalaga.
  • Tapos ay bilugan ang mga item na puwede mong italaga sa iba at ang mga oras na kailangan mo ng tulong. Halimbawa, samahan si Nanay at ihanda ang kaniyang tanghalian kapag ako ay nasa trabaho, isabay si Tatay papunta sa senior center kapag Martes at Huwebes sa oras na 9:00 a.m.
  • Ikonsidera kung anong uri ng pag-aalaga ang kailangan (kasama, gawain sa bahay, paghahanda ng pagkain, nursing) at kung maaalagaan sa bahay, isang senior center, isang adult day care center, o iba pang lokasyon.
  • Magsagawa ng meeting ng pamilya para magsama ng hangga’t gaano karaming mga primary stakeholder sa pag-aalaga sa iyong mahal sa buhay hangga’t maaari. Mahalaga na makakuha ng input ng pag-aalaga mula rin sa tumatanggap nito, kung posible. Talakayin kung ano ang tungkulin ng bawat isa sa pag-aalaga ngayon at kung paano makakapagsagawa ng mga pagbabago sa lubos na makatulong sa mga pagkukulang sa gawain. Mahalaga ang oras na ito para talakayin ang mas komplikadong mga medikal at legal na isyu. Ito ay maaaring gawin sa isang bukas at may suportang kapaligiran kung saan ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring kumilala sa posibleng solusyon ng sama-sama. Ang meeting ay puwedeng in-person, sa telepono, o sa pamamagitan ng video conference.

Para magkaroon ng kasunduan sa kabila ng mga di pagkakasunduan o hidwaan, madalas na nakakatulong na isama ang isang tao na hindi parte ng pamilya. Isang social worker, geriatric care manager, life coach o iba pang professional na dalubhasa sa interaksyon ng grupo at dinamiko ng pamilya ay maaaring kuhanin para makatulong sa pamilya at caregiver na makabuo ng isang care plan at, kung kinakailangan, tumulong sa mga kaayusan sa pag-aalaga at pagbabantay. (Basahin ang fact-sheet: Pagkakaroon ng isang Meeting ng Pamilya para sa karagdagang impormasyon.

  • Alamin kung magkano ang makakayanang bayaran ng iyong mahal sa buhay o ng iyong pamilya para sa tulong na galing sa labas. Sa pangkalahatan, ang pangmatagalang pag-aalaga ay hindi sakop ng insurance sa kalusugan maliban na lang kung bumili ka ng long-term care na polisa. Kahit ganoon, maaaring may mga limitasyon sa mga uri ng pag-aalaga sa tahanan na sakop. Binabayaran ng Medicare ang mga kinakailangan sa paggagamot na pag-aalaga o equipment. Kung makatugon ka sa mga kuwalipikasyon sa kita, ang Medicaid (Medi-Cal sa California) ay maaaring magbayad para sa ilang mga serbisyo.
  • Tuklasin ang mga opsyon sa pag-aalaga sa iyong komunidad o malapit sa bahay ng iyong mahal sa buhay. Tanungin ang mga kaibigan at kapitbahay tungkol sa kanilang mga naging karanasan sa lokal na serbisyong nagamit na nila at ang mga care provider na makukuha para magtrabaho.

Pagtatasa sa iyong mga opsyon

Maghanap ng Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong sa Komunidad

Impormasyon at rekumendasyon: Ang mga ito ay serbisyo para makatulong sa iyong makahanap ng mga lokal na programa at serbisyo. Ang senior o community organization ay may mga listahan ng mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong ayon sa heograpikong area para makatulong sa iyong makapagsimulang maghanap ng tulong na kailangan mo. Ang ilang mga employer ay naghahandog ng impormasyon sa pamamagitan ng Employee Assistance Programs (EAP).

Ang Internet ay nagbibigay ng mga listahan ng mapagkukuhan ng impormasyon at tulong at online support group kung saan makakakuha ng impormasyon. Ang online na  Family Care Navigator ng Family Caregiver Alliance ay nagbibigay ng impormasyon sa mga pampublikong mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong para sa bawat estado, kasama na ang lokal na Area Agencies on Aging. Ang pambansang Eldercare Locator ay nagbibigay ng impormasyon sa Area Agencies on Aging at iba pang mga serbisyo. Kahit na ang iyong magulang ay malayo ang tinitirahan, parati kang makakahanap ng mga serbisyo na makakatulong.

Mga Di Pormal na Kaayusan

Maaaring may mga gawain na magagawa ng mga kaibigan, pamilya, kapitbahay, o mga miyembro ng faith group. Ang mga simpleng gawain na kabilang ang paghahanda ng mga pagkain, pagsasakay, pagtulong sa pamimili ng grocery o paglalaba, pagtawag para gumaan ang kalooban, at samahan ang iyong kamag-anak. Dapat mayroong listahan ng mga handang magagawa kung alukin ng ibang tao na tumulong. Ang mga lokal na senior center o kolehiyo ay madalas na may mga programa para sa mga boluntaryo ng komunidad. Ang mga website tulad ng LotsaHelpingHands.comTyze.com, at CaringBridge.com pagbibigay ng protektado ng password na site para makatulong sa iyong ma-schedule ng tulong at nagbibigay ng abiso sa kondisyon ng iyong mahal sa buhay.

In-home na Pag-aalaga

Ang pag-aalaga sa bahay ay maaaring pormal (may baad) sa pamamagitan ng home care agency o pribadong kinuha na personal attendant, o di pormal (walang bayad) – isang kaibigan, miyembro ng pamilya, o boluntaryo. (Minsan, sa pamamagitan ng isang pormal na Personal Care Agreement, ang miyembro ng pamilya ay maaaring bayaran para mag-alaga.) Kung walang medikal o personal na pag-aalaga na kailangan, naghahanap ng mag-aalaga, ang responsableng tao ay magiging isang malugod na tatanggapin na kasama ng iyong kamag-anak. Ang mga personal na inirerekumenda ang pinakamabuting paraan para mahanap ang taong ito, o isang ad na puwedeng ilagay online o sa lokal na dyaryo para maghanap ng part-time na kasama at gagawa ng mga kailangang gawin sa bahay. Kung kabilang sa pag-aalaga ang paggamit ng banyo o paliligo, kailangan mo ng taong may training, may kakayahan, at sensitibo. Katulad rin nito, kung ang pagbubuhat sa tao at/o wheelchair ay kinakailangan, tiyakin na ang manggagawa ay may training at kaya ng katawan nila na gawin ang trabaho. Parating magsagawa ng mga criminal background check, tumawag sa kahit man lang tatlong dating employer, tumawag sa insurance policy ng homeowners/apartment para matiyak na covered sila sa insurance, at alamin na ikaw ang matuturing na employer sanhi ng mga responsibilidad na kailangan para dito.

Kapag kailangan ng medical o health care, tuald ng pagbibigay ng mga gamot, pagbibigay ng catheter care, o pagbabantay sa feeding tube, maaari kang magpasya na kumuha ng isang certified nursing assistant (CNA) o licensed practical nurse (LPN o LVN sa California) depende sa level ng edukasyon o skill na kinakailangan. Ang isang registered nurse (RN) ay kinakailangan lamang kapag kailangan ng mas komplikado na medikal na pag-aalaga (tulad ng paggagamot sa mga sugat, o pamamahala sa isang ventilator). Ang Medicare ay maaaring mag-cover sa mga kinakailangan sa paggagamot na part-time na pag-aalaga para sa nasa bahay na mas nakatatanda sa isang limitado at tiyak na mga situwasyon

Adult Day Centers

Ang mga adult day care center ay nagbibigay ng maraming iba’t ibang mga social at therapeutic na aktibidad sa labas ng bahay para sa mas nakatatandang mga adult at mga adult na may kapansanan. Ang mga center na ito, na pangunahing matatagpuan sa mga urban na area, ay nag-iiba iba sa kanilang mga serbisyo. Ang karamihan ay naghahando ng mga social service at aktibidad sa isang ligtas at nagbibigay suportang kapaligiran. Depende sa programa, ang ilan ay naghahandog ng transportasyon, personal na pag-aalaga sa kalusugan (tulad ng paliligo at pag-aalaga sanhi ng incontinence), at medikal o allied health care (tulad ng physical therapy at occupational therapy), ay maaaring available. Mahalagang tingnan ang kriterya sa pagiging karapat-dapat. Ang ilang mga center ay maaaring di tumanggap ng mga indibiduwal na magugulo, may mga partikular na problema sa kalusugan, o incontinent (hindi mapigilan ang bladder/bladder) Ang mga kalahok ay karaniwang dumadalo sa loob ng ilang oras araw-araw, na hanggang limang araw sa isang linggo (ang weekend na adult day care ay madalang na available), ginagawang posible para sa caregiver na makapunta sa trabaho habang panatag na ang inaalagaan ay nasa isang ligtas na lugar.

Ospisyo

Ang ospisyo ay maaaring isang nakakatulong na mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong para sa mahal sa buhay na may nakakamatay na sakit o inaasahan na mabubuhay ng hanggang 6 na buwan o mas kaunti pa. Sila ay nagkakaloob ng hands-on na pag-aalaga, tulad ng paliigo, at pagbabantay sa bahay o pasilidad. Ang staff ng ospisyo ay may kakayahan sa pagbibigay ng comfort care at pain management. Mayroon rin silang mga serbisyo sa pagkakaloob ng emosyonal at spiritual na suporta para sa mahal sa buhay at sa kanilang pamilya Ang mga serbisyo ng ospisyo ay isang libreng benepisyo ng Medicare Part A.

Iba pang Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong sa Komunidad

Sa California, ang labing-isang Caregiver Resource Centers (CRCs) ay nagkakaloob ng maraming iba’t ibang mga nagbibisay suportang serbisyo sa mga pamilya ng caregiver ng mga adult na may nakakapanhinang kondisyong pangkalusugan (hal. Alzheimer’s disease at iba pang mga uri ng dementia, stroke, traumatic brain injury, Parkinson’s disease). Ang mga CRC ay tumutulong sa mga caregiver sa pamamagitan ng impormasyon, mga educationa program, at emosyonal na suporta, at pati na rin pagplano at pag-aayos ng mga serbisyo para sa mahal sa buhay. Ang karamihan sa mga serbisyo ay walang bayad. Mas maraming impormasyon ang makikita sa pamamagitan ng pagbisita sa listahan ng FCA ng California’s Caregiver Resource Centers.

Maraming ia pang mga serbisyo ng komunidad na available para makatulong, kasama na ang mga serbisyo para sa care management, mga delivered sa tirahan na pagkain, mga serbisyo ng transportasyon, pansamantalang overnight na pag-aalaga, at mga support group (para sa caregiver o sa may sakit na indibiduwal). Ang iyong lokal a Area Agency on Aging o senior center ay makakatulong sa iyong mahanap ang mga ito.

Pagtatalaga ng Tirahan

Kapag ang isang magulang o kamag-anak ay hindi na maaalagaan sa bahay, maaaring kailangan na ikonsidera ang isang residential na pasilidad tulad ng assistive living residence o nursing home. Ang paghantong sa ganitong desisyon ay medyo masakit. Parehong ikaw at ang iyong mahal sa buhay ay marahil na magkakaroon ng iba’t ibang mga damdamin tungkol sa nursing homes, at ang pananalapi ay parating isang isyu. Maaaring gusto mong talakayin ang desisyon sa iba pang mga miyembro ng pamilya, isang counselor, life coach, o spiritual advisor.

Panghuli, mahalagang tasahin ang kasalukuyang situwasyon sa pamumuhay ng iyong mahal sa buhay at maingat na tasahin kung paano lubos na matutugunan ang mga pangangailangan sa pag-aalaga. Ikonsidera ang kaligtasan ng iyong kamag-anak, pagiging mag-isa, kakayahan na maiwan mag-isa, mga medikal na pangangailangan, at available na tulong para sa mga pang-araw araw na aktibidad (hal. pagkain, pagbihis, paggamit ng toilet, paliligo, pagkilos-kilos).

Dagdag pa dito, ang pang-araw araw na kahirapan sa iyo bilang isang caregiver ay hindi dapat bale walain. Kung ikaw, ang iyong kapatid, o magulang ang primary caregiver, kritikal na kilalanin kung kailan ang mga demand sa pag-aalaga – lalo na kung pinagsama sa trabaho at iba pang mga demand ng pamilya – ay higit pa sa posible para sa iyo, sa iyong pamilya, at mga kaibigan. Kung mapagpasyahan mo na ang tahanan ay hindi na mabuti o hindi na isang ligtas na lugar, pinakamainam na maghanap ng iba pang mga maaaring gamitin na opsyon para sa pag-aalaga sa isang residential na lugar:

  • Senior residences o Assisted Living Facilities (ALF) ay naghahandog ng maximum na independensiya, pamumuhay na estilo na parang nasa isang apartment, at mga karagdagang serbisyo tulad ng mga pagkain, paglilinis ng tirahan, transportasyon, libangan at mga aktibidad kasama ng iba at, minsan, isang on-call na nars. Depende sa estado, ang mga ALF ay maaaring may lisensya o wala para makakuha ng pagbabalik ng binayad mula sa Medicaid. Ang mga benepisyo ng VA at long-term care insurance na mga benepisyo ay sumasakop sa mga gastusing ito sa ilang mga kaso.
  • Ang Residential Care Facilities (na tinatawag rin na board and care homes o adult foster homes) ay mga group home para sa mga indibiduwal na hindi puwedeng mag-isa lang sa tirahan pero kailangan ng skilled nursing. Ang mga pasilidad na ito ay naghahandog ng tulong sa personal na pag-aalaga at hygiene, mga pagkain, social interaction kasama ng iba, at bedside care. Mayroon silang 24 oras na staff sa kaganapan ng mga emergency. Depende sa estado, ang ganitong uri ng residence ay maaaring may lisensya o wala at puwede o hindi puwedeng tumanggap ng pagsasauli ng naibayad ng Medicare. Ang VA o long-term care insurance ay maaaring sumakop rin sa mga gastusin na ito.
  • Ang Memory Care Facilities ay nagkakaloob ng pag-aalaga para doon sa may mga cognitive impairment tulad ng Alzheimer’s disease o mga katulad na kondisyon. Ito ay maaaring sarili nitong residence o parte ng assisted living o nursing care facility. Ang staff ng pasilidad ay dapat may training para mapangasiwaan ang mga tiyak na pangangailangan at pag-uugali na may kinalaman sa pagkakaroon ng dementia, at dapat ang pasilidad ay may nakakandado o mabagal na pagbukas o pagsara na mga uri ng pintuan, isang alert system, o auditory device para mabantayan ang mga labasan. Depende sa estado, ang Medicaid ay maaaring sumakop sa mga gastusin sa pag-aalaga, o maaaring covered ito ng VA o long-term insurance na mga benepisyo.
  • Ang Skilled Nursing Facilities (SNF) ay nagkakaloob ng nursing care sa mga residente at dapat na may kagamitan para mabigay ang mga gamot at iniksyon at para magawa ang iba pan mga gawain sa nursing. Sa ilang mga partikular na limitadong kondisyon, ang Medicare ay dapat magbayad sa ilang mga gastusin sa nursing home, pero sa limitadong panahon lamang. Ang Medicaid, mga benepisyo ng VA, at long-term care insurance na mga benepisyo ay maaaring mga opsyon para masakop ang long term na pag-aalaga.

Mga Legal/Pinansiyal na Isyu

Kung ang kamag-anak mo ay magkaroon ng kapansanan o kahinaan, maaari kang humarap sa maraming mga legal at pinansiyal na isyu. Ang mga karaniwang na ikinababahala ay kinabibilangan ng:

  • Sino ang mamamahala sa pera ng may sakit
  • Sino ang magsasagawa ng mga mahahalagang desisyon sa pangangalaga sa kalusugan
  • Paano magplano para sa long-term na pag-aalaga

Ang isang abogado ay maaaring makatulong sa iyo na magplano para sa mga pinansiyal na aspekto ng mga pangangailangan sa pag-aalaga ng iyong kamag-anak. Dapat ay mayroon, kahit man lang, ng naaangkop na abogadong dalubhasa sa estate at financial planning, probate at wills, at may kaalaman sa mga pampublikong benepisyo kasama na ang Medicaid, Social Security, mga special needs trust, pagpaplano sa buwis, Ang ilang mga paraan para makahanap ng abogado ay kinabibilangan ng: iyong lokal na County Bar Association o ang National Academy of Elder Law Attorneys na serbisyo ng pagrerekumenda, mga senior center, mga legal aid na organisasyon, o personal na pagrerekumenda mula sa isang kaibigan o kasamahang miyembro ng support group.

Pagdedesisyon para sa isang tao na may sakit tulad ng Alzheimer’s disease o isang stroke ay maaaring mahirap at sobrang bighat dalhin sa damdamin. Ang proseso ay maaaring pasimplehin, gayunman, kung ang magulang o kamag-anak mo ay may nakumpleto na Durable Power of Attorney (DPA) at isang Durable Power of Attorney for Health Care and Advance Health Care Directive Sa ilang mga kaso, ang Durable Mental Health Power of Attorney ay kinakailangan para sa ilang mga uri ng paggagamot. Ang mga dokumentong ito ay magpapahintulot sa iyng magulang na magtalaga ng iba para mapamahalaan ang kaniyang mga pananalapi at mga desisyon sa health care. Ang legal na awtoridad para sa mga desisyon na iyon ay mag-uumpisa lang kapag at kung ang tao ay hindi na kayang gawin ito mag-isa. Mabuting ideya na ang mga form ng DPA at DPAHC ay mabalik-aralan ng isang abogado na dalubhasa sa pagpaplano ng estate para matiyak na ang nais ng mga tao ay malinaw na ipinapahiwatig at ang impormasyon ay kumpleto.

Kung ang mahal mo sa buhay ay nagdurusa na mula sa dementia at walang kakayahan na makapagdesisyon, maaaring kailangan mong kumuha ng isang conservatorship. Ang conservatorship ay nagbibigay ng legal na awtoridad na pamahalaan ang mga pananalapi, estate, personal na mga ari-arian, mga asset, at medikal na pangangalaga ng isang tao. Ito ay isang pamamaraan sa korte.

Paggamit ng Teknolohiya

Dagdag pa sa pagbibigay ng access sa maraming medikal at caregiving na impormasyon na available ng 24 oras sa isang araw sa iyong computer, tablet, o cell phone, ang digital na teknolohiya ay maaari rin magamit para sa mga bagay tulad ng pag-order ng mga reseta, mga medikal na supply o grocery; pakikipag-ugnayan sa mga professional sa healthcare; pananatili ang pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at pamilya; pag-schedule ng home car; matuto ng mga bagong skill sa pamamagitan ng mga webinar; pagsusubaybay sa pagkilos; at visual na pagsigurado na ang kamag-anak mo o kaibigan mo sa buong maghapon o pagbabantay sa tahanan ng iyong mahal sa buhay kapag hindi mo siya puwedeng samahan.

Ano ang Magagawa ng Mga Employer

Ang caregiving bilang isang isyu sa lugar ng trabaho ay kinikilala na ngayon ng dumaraming mga employer. Ang mas malalaking mga korporasyon ay misnang kayang maghandog ng suporta sa mga paraan na hindi magagawa ng mas maliliit, pero may mga kilos na magagawa ng mga kompanya gaanoman kalaki ito para suportahan ang mga empleyado na may mga responsibilidad sa pag-aalaga.

Mga Pag-aayos sa Trabaho

  • Ang pinakamadalas na hinihiling na pag-aayos sa trabaho ay ang flexibility sa mga oras ng trabaho. Maaaring isama ang pagpapahintulot sa pagbabago ng schedule sa shift (hal. nagtatrabaho 10:00 a.m. hanggang 6:00 p.m. sa halip na 9 hanggang 5; isang na-compress na schedule sa trabaho (apat na sampung oras na mga araw ng pasok sa halip na limang walong oras na mga araw ng pasok); isang part-time na schedule; paghahati ng trabaho; o telecommuting. Isang limitasyon sa mandatory na overtime ay makakatulong rin. Ipinapakita sa mga pag-aaral na ang flexible na pagbibigay ng schedule ay nagpapahusay sa pagtatrabaho, nagpapakaunti sa pagkahuli at pagpapalit ng empleyado, at dumarami ang satisfaction sa trabaho at pananatili sa trabaho (kahit na para sa mga empleyado na kasalukuyang hindi mga caregiver).

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong

  • Ang Human Resources o Employee Assistance Program na staff ay makakapagbigay ng impormasyon sa mga nakakatulong na site sa Internet, mga serbisyo sa lokal na komunidad, mga care manager o resource center, at dapat na magbigay ng impormasyon tungkol sa mga leave program at iba pang mga patakaran ng kompanya.
  • Ang training para sa mga supervisor ay nagpapahusay sa pagkakaunawa sa mga nagkakasalungat na demand sa trabaho at caregiving at tinitiyak na ang mga kautusan para sa family leave at antidiscrimination na regulasyon ay natutugunan.
  • Ang iba’t ibang mga regulasyon ng estado at ang ilang mga seksyon ng ADA (Americans with Disabilities Act) ay nagbabawal sa mga employer na makitungo ng may diskriminasyon laban sa mga empleyado ng caregiving (halimbawa, ang pagbabale wala sa ilang mga empleyado para ma-promote, ang pagbansag na stereoptype ang mga empleyado dahil sa katayuan nito sa caregiving).
  • Ang ilang mga employer sa mas malalaking kompanya ay naghahandog ng “cafeteria-style” na mga benepisyo sa empleyado, na nagpapahintulot sa mga empleyado na pumili ng dagdag na dependent care coverage para bahagyang mabalik ang naibayad na mga gastusin para sa in-home na pag-aalaga o adult day care. Ang ilang mga kompanya ay naghahandog ng subsidized na bayad para sa geriatric care manager.
  • Minsan ang mas malalaking negosyo ay nag-aayos ng isang in-house caregiver support group, nagbibigay impormasyon na “brown-bag” na session sa tanghalian, o nakikipag-koordina sa lokal na communinty group o mga ospital para makadalo ang mga empleyado sa isang panlabas na support group.
  • Ang ilang mga employer ay nag-aayos ng group purchase (pagbili bilang isang grupo) ng long-term care insurance para sa mga empleyado, asawa, at mga dependent.
  • Ang ibang nagbibigay suporta at mumurahin na bagay na magagawa ng mga empleyado ay kinabibilangan ng pagpapahayag ng hotline sa telepono para sa mga caregiver, at pagpapahayag ng mga pangunahing makaka-ugnayan o payo sa newsletter para sa empleyado.

Pahinga para Makapag-alaga

  • Ang mga kompanya na may 50 o higit pang mga empleyado ay dapat sumunod sa pederal an Family and Medical Leave Act (FMLA), na nagpapahintulot ng hanggang 12 linggo na unpaid leave (o 26 linggo para maalagaan ang isang aktibong service member). Ang leave ay magagamit para maalagaan ang isang malubhang may sakit na pasyente, asawa, o anak. Protektado ang trabaho at health insurance. Gayunman, humigit-kumulang sa kalahati ng mga kompanya sa Estados Unidos ay may mas kaunti sa 50 empleyado at samakatuwid ay hindi kasama sa mga requirement para sa FMLA. Datapwa’t, maraming gumagamit ng mga patnubay ng FMLA para mabigyang suporta ang mga indibiduwal na empleyado.
  • Ang Paid Family Leave (PFL) ay isang nasa batas na benepisyo na covered ang mga caregiver ng isang pasyente ng may malubhang sakitna magulang, anak, asawa, o nakarehistrong kinakasama, at pati na rin ang mga bagong magulang. Ang California ay iilang mga estado lang ang kasalukuyang naghahandog ng may bayad na family leave. Sa California, ang mga empleyado ay maaaring makatanggap ng hanggang 55% ng kanilang mga suweldo para sa anim na linggo na leave. Hindi protektado ang seguridad ng pagkakaroon ng trabaho. Ang mga nagtatrabaho na nagbabayad na sa kasalukuyang State Disability Insurance (SDI) system (makikita mo ito bilang pagbabawas na halaga sa iyong paychec) ay karapat-dapat para sa may bayad na family leave.

Pakikitungo sa Stress

Ang pag-aalaga para sa isang may sakit o may kapansanan na mahal sa buhay ay lubos na mapanghamon habang sinusubukan mong balansehin ang nakakalitong mga demand sa pagitan ng trabaho, pamilya at pag-aalaga. Ang pag-aareglo ng sapat na oras na di papasok sa trabaho, pagharap sa puno na ng tensyon na dinamiko sa pamilya, at pagkakaroon ng oras para harapin ang sarili mong mga kinakakatakutan at ikinababahala sa kapakanan ng iyong mahal sa buhay ay nag-aambag lahat sa dumaraming stress. Ang pag-aalaga sa iyong sarili ay makakatulong na matiyak na kaya ng pisikal at emosyonal mo na alagaan ang iyong kapamilya. Para makatulng na alagaan ang sarili mo, ikonsidera ang mga sumusunod na hakbang:

  • Manatiling may Kaalaman: Kumuha ng nasasapanahon parati na impormasyon. Halimbawa, ang Family Caregiver Alliance ay may iba’t ibang mga fact sheet at iba pang mga material (basahin ang Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong na seksyon sa ibaba) para makatulong sa iyong makapagdesisyon ayon sa nakuhang impormasyon. Napakaraming mga impormasyon sa caregiver ang makukuha online.
  • Humingi ng Tulong Sumagot ng “oo” kapag nag-alok ng tulong ang iba. Huwag subukan na gawin lahat mag-isa – maaaring makatulong ang isang kapatid, kamag-anak, o kaibigan. Ang ilang mga organisasyon ay naghahandog ng dalubhasang gabay sa pagpaplano sa pag-aalaga para makatulong sa iyo na makaraos sa nakakalitong mga opsyon sa long-term na pag-aalaga.
  • Pansinin Kung Ano ang Nararamdaman Mo: Hayaan na maramdaman ang kalungkutan, kawalan ng katiyakan, pagdadalamhati, at iba pang mga emosyon na kabilang sa pag-aalaga. Kung lubos kang na-stress, ikonsidera ang pagkuha ng tulong mula sa isang support group, professional therapist, o life coach.
  • Asikasuhin ang Mga Pangangailangan ng Iyong Katawan: Ang ehersisyon ay isang malaking pampababa ng stress. Kahit na limitado ang iyong panahon, subukan na isingit ang pag-ehersisyo, kahit na paglalakad lang ito sa kanto. Dagdag pa dito, ang pagkain ng mga regular na mabuti sa katawan na pagkain, pagtulog ng husto, at regular na pagpapatingin sa doktor ay isang mahalagang parte ng pagsusuporta sa iyong resistensya at pag-aalaga sa pangkalahatan mong kalusugan.
  • Kumuha ng Suporta mula sa Iba: Palibutan ang sarili mo ng mga tao na naghihikayat at nagbibigay lakas sa iyo habang ikaw ay nag-aalaga. Gawing priyoridad na makipag-usap sa iba at makipagkita sa mga taong nagbibigay suporta sa iyo.
  • Maging Matiisin at Flexible Hangga’t Maaari: Magkakaroon ka ng magaganda at di magagandang araw. Matutunan kung paano mabisang makipag-ugnayan sa iyong mahal sa buhay ng walang sinisisi. Hayaan ang mga bagay-bagay na di kailangang gawin. Unawain na kailangan ng kaunting panahon para ayusin ang mga serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan ng iyong mahal sa buhay, at ang mga pangangailangan na iyon ay marahil na magbabago sa paglipas ng panahon.
  • Kilalanin ang Iyong Mga Limitasyon: Hayaan na ikaw ay makapagpahinga. Tandaan na mag-schedule ng kaunting oras para makapag-relax ka. Ang “respite care” ay nilikha para mapahintulutan ang pagpapahinga bilang isang caregiver, at maaaring tumagal ng isang oras, isang araw, o kahit isang linggo. Ang ilang mga organisasyon ay naghahandog ng mga weekend retreat para sa mga caregiver o mga miyembro ng pamilya na may sakit o mas nakatatanda. Tiyakin sa iyong lokal na mapagkukuhanan ng impormasyon ang tungkol sa mga nakakatulong na programa.

Ikaw man ay nag-aalaga sa isang mahal sa buhay sanhi ng pagmamahal at devotion, o dahil sa pagkikilala mo sa iyong responsibilidad na galangin ang obligasyon sa pamilya, ang pag-aako ng tungkulin bilang caregiver ay di kailanman madali. Ang desisyon mo na mag-alaga ay maaaring maganap ng biglaan kapag nakatanggap ka ng biglaang tawag mula sa ospital, o maaaring planado ito, pagkakaroon ng panahon na ihanda ang iyong kamag-anak na makasama mo sa tirahan o malapit sa bahay mo. Anuman ang kaso, “Siyempre tutulong ako at aalagaan kita” ay madalas na pinakamabuting sagot sa isang situwasyon kung saan kailangan ng tulong ang iyong mahal sa buhay. Ang isang lugar ng trabaho na maunawain sa pamilya ay may malaking matutulong upang gawing di masyado nakaka-stress ang caregiving at mas madali itong pangasiwaan.


Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong

Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106 
Website: www.caregiver.org
Pagaaring yaman: https://www.caregiver.org/tagalog/
Email: info@caregiver.org
FCA CareJourney: www.caregiver.org/carejourney
Family Care Navigator: www.caregiver.org/family-care-navigator

Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang social, pampublikong patakaran at mga isyu sa pag-aalaga, nagkakaloob ng tulong sa pagde-develop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng mas nakalalawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang serbisyo ng suporta sa mga pamilya para sa mga caregiver noong may mga Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang karamdamang pangkalusugan na nararanasan ng mga adult.

Iba Pang Mga Organisasyon at Link

Eldercare Locator
eldercare.acl.gov

National Association of Professional Geriatric Care Managers
www.aginglifecare.org

Families and Work Institute
www.familiesandwork.org

American Association of Retired Persons

https://www.aarp.org

National Council on Aging
https://www.ncoa.org:443/

Inirerekumendang Mababasa

Loverde, Joy. The Complete Eldercare Planner, revised at na-update.

O’Donnell, Liz. Working Daughter: A Guide to Caring for Your Aging Parents While Making a Living

Goyer, Amy. Juggling Life, Work, and Caregiving.

Sheehy, Gail. Passages in Caregiving: Turning Chaos Into Confidence.

Mga Sanggunian

Powerful Tools for Caregivers
www.powerfultoolsforcaregivers.org

Best Practices in Workplace Eldercare. National Alliance for Caregiving and ReACT (Respect a Caregiver’s Time). March 2012.

Loverde, Joy. The Complete Eldercare Planner, revised at na-update. Three Rivers Press, 2009.

2015 Report: Caregiving in the U.S. Conducted by AARP and NAC

Understanding the Impact of Work on Family Caregiving by AARP. October 2012.


Ang fact sheet na ito ay inihanda at na-update ng Family Caregiver Alliance at na-review ni Margaret Neal, PhD, Director/Professor sa Portland State University Institute on Aging. Na-update noong Oktubre 2012 © Family Caregiver Alliance 1999–2014. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.